Chapter 1.

27.6K 431 33
                                    


IVAN'S P.O.V

"Ivan please wag mo namang gawin to oh? wag mo kaming iwan parang awa mo na hindi ko kaya,hindi namin kaya Ivan please wag mo kaming iwan" psh. ang kulit naman nya sabing ayoko na nga sa kanya.

"ano ba jana! tumigil ka na nga! sabing ayoko na eh sasama na ako kay monica." sabi ko kay jana habang tinatanggal yung kamay nyang nakakapit sa tuhod ko.

"Ivan maawa ka naman saamin ng anak mo,please kahit para kay jair lang. parang awa mo na." hilam na hilam na sya sa luha. naawa din naman ako sa kanya eh lalo na sa anak ko kaya masakit din para sa akin tong gagawin ko.

"Huwag kang mag-alala susustentuhan ko pa rin naman si jair" sabi ko sa kanya unti-unti namang lumuwag ang kapit nya sa tuhod ko.

"saan ba ako nag kulang?" tanong nya sa mahinang tono. " minahal naman kita ah? naging mabuti naman akong asawa,ginawa ko naman lahat ng makakaya ko para maging maayos tong pamilya natin.savihin mo Ivan handa akong gawin ang lahat wag mo lang kaming iwan please Ivan" nakaluhod parin siya pero hindi na sya nakahawak sa akin. kailangan ko nang makaalis baka magising pa ang anak ko mahihirapan akong umalis.

"jana" napabuntong hininga ako.

"hindi na magbabago ang desisyon ko" hindi ko sinagot ang tanong nya dahil sa totoo lang hindi naman sya nag kulang naging mabuting asawa sya sa akin pero mas gusto ko si monica dahil naibibigay nya lahat bg pangangailangan ko sa kama.

"aalis na ako alagaan mong mabuti jair" sabi ko tsaka kinuha ang maleta ko at naglakad na palabas ng bahay namin kailangan ko na talagang umalis. nang makarating ako sa sala nadatnan ko si manang lydia na nakatingin lang sa akin blangko ang ekspresyon ng mukha nya.

"manang aalis na po ako. kayo na pong bahala kay jair at jana" paalam ko sa kanya pero hindi naman nya ako sinagot naiintindihan ko naman sya. sya na kasi ang tagapag alaga ni jana nung maliit pa ito at ngayon ay si jair naman ang inaalagaan nya.

"sige alis na po ako." sabi ko nalang at nagdire-diretso na sa labas ng bahay.

pasakay na sana ako sa kotse ng marinig ko si jair na sumisigaw. "daddy! daddy! don't leave me daddy! daddy" tinatawag nya ako kaya naman dali dali akong sumakay ng kotse. alam kong umiiyak sya kaya ayokong makita sya. I know masama akong asawa at ama pero mahal ko naman ang anak ko pero kailangan kong piliin si monica dahil ako naman ang iiwan nya.

nakalabas na ako ng gate namin at alam kong humahabol sa akin si jair pero ayong tumingin sa salamin ng sasakyan ko. paalam anak sana mapatawad mo ko.


to be continued.

                   Ms.A

REGRET OF A HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon