Janna
Nandito kami ngayon sa may kubo sa flower farm ko mainit kasi kaya dito muna kami sa ngayon.
Tinignan ko si Ivan na hanggang ngayon ay nakangisi parin, parang baliw lang!
"I think maganda ring magtanim dito ng mga ibang pananim na halaman, like organic plants." biglang sabi nya habang nakatanaw sa farm ko,pero this time seryoso na ang mukha nya as if he's talking to his business partner.
"sinabi ko bang magsaggest Katy?!" mataray kong tanong sa kanya.
"well, I just want to help my wife." nakangising sagot nya sa akin at kumindat pa.
Wife.
Natahimik ako. Oo nga pala hindi pa kami annulled.
Pero para sa akin ay hindi ko na siya asawa.
nag iwas ako ng tingin at tsaka nagmamadaling lumabas ng kubo.
"maglilibot lang ako sa farm. " I said coldly as I run away faster from him.
" hon. Mainit pa. Habol na sabi nya sa akin pero hindi ko na siya pinansin kahit na sobrang init ng sikat ng araw dahil ala-una palang.
mabilis akong naglalakad, wala na akong pakialam kung madapa o madulas ako dahil medyo bako bako yung lupa.
dati kapag naririnig ko sa kanya yung salitang yun, sobrang saya ko,dahil asawa nya ako.
pero ngayon na narinig ko ulit yung salita nayon para akong sinasaksak sa dibdib.
para akong inilagay sa loob ng isang kahon na walang butas. Hindi ako makahinga.
nasasaktan ako dahil nagpaalala ulit iyon sa akin na minsan, naniwala ako sa mga pangako nya at minsan nagtiwala ako sa kanya pero sinaktan at winasak nya.
Tumakbo ako dahil gusto ko nang makarating sa kabilang kubo sa dulo ng farm nato.
Pinalis ko ang luha ko dahil nanlalabo na ang paningin ko.
Takbo lang ako ng takbo kaya naman hindi ko napansin ang nakausling kahoy at natisod ako.
Hinintay ko nalang na bumagsak ako pero bigla ko nalang naramdaman na may mga brasong pumulupot sa bewang ko para pigilan ako sa pagbagsak sa lupa.
nanigas ako dahil kilalang kilala ko siya. sa amoy palang nya ay kilalang kilala ko na siya.
bakit ba sumunod pa siya?
"be careful honey. Ayaw na kitang makitang masaktan at umiiyak." seryosong sabi nya at hinigpitan yung yakap nya sa akin.
Alam kong hindi tungkol sa pagtakbo at pagkatalisod ko ang tinutukoy nya.
" I promise hinding hindi kayo na ulit masasaktan" he said. Umiiyak siya.
Umiling ako.
I don't believe you.
at tama ka Ivan. I must be careful.
hinding hindi na ulit ako magpapauto sayo.
Para hindi na ulit ako imiyak at masaktan.
********************
A/N: short update and unedited so baka maraming typo gramatical error. Pagpasensyahan hehe
Thanks sa mga bumasa at nagvote. at sa mga nagfollow sa akin. Happy New Year sa inyong lahat :)
Enjoy reading, kahit medyo mabigat ang part na itoooo. :)
BINABASA MO ANG
REGRET OF A HUSBAND
RomanceDahil sa isang pagkakamali ay nawala sa kanya ang kanyang anak at asawa, ...may magagawa nga ba ang pagsisisi nya upang maibalik sa dati ang masayang pamilya na nasira nya? this is Ivan's story.. this is the regret of a husband.