Chapter 8 : Regret # 5

18.4K 307 5
                                    



Jana



May narinig akong kumatok sa pinto..





teka baka si Ivan yan..

baka kunin nya si jair ko, hindi nya pwedeng kunin ang baby ko...

" sino ka?! kukunin mo ang baby ko no?!

"J-jana, "  biglang pumasok si manang.... baka kasabwat sya ni Ivan... hindi pwede..

" J-Jana a-anak k-kain na"

"Ssssssssssssssssssssshhhhhhhh!! huwag kang maingay manang baka magising si Jair.. baka iwan nya ako. ssshhh"

"J-Jana a-ano bang n-nangyayari sayo?" niyakap nya ako.. teka naiipit ang anak ko..

"manang naiipit si jair, wag mo akong yakapin.."

" J-Jana a-anak, Diyos ko Panginoon ko!" bakit ang kulit ni manang? hindi nya ba alam na naiipit si Jair?

" Manang sabing naiipit si Jair eh baka nga magising siya wag kang maingay"





Manang



Niyakap ko si Jana ng mahigpit. nakaka awang bata, sobrang dami nang pagsubok na nararansan,

hindi nya na siguro kinaya ang emosyon nya.. para sa isang ina alam kong mahirap ang pinagdadaan nya, kung pwede lang na kuhanin ko nalang ang lahat ng sakit na nararamdaman nya ginawa ko na..

hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaiyak na ako.

" huuyy manang wag ka umiyak magigising si Jair."
lalo ko siyang niyakap ng mahigpit.

" s-sige matulog na kayo ni J-Jair" inihiga ko siya. mabuti naman at sumunod, akala ko hindi ko siya mapapasunod. ilang sandali lang ay tulog na ito, pero mahigpit pa rin ang yakap nya sa unan ng anak nya.. sobrang kitang kita sa mukha nya ang pagod, pagdadalamhati, lungkot, pangungulila..





" Magpahinga ka muna Jana" lumabas na ako ng kwarto, pagkalabas ko ay kinuha ko ang cellphone ko na si Jana ang may bigay..



alam kong matindi ang galit sa kanya ni Jana, pero alam kong siya lamang ang makakatulong dito..



_____________________________________-

Ivan





Nakatulala ako dito sa verenda ng hotel na tinutuluyan ko.. iniisip ko si Jana..

kung paano nya ako mapapatawad. ininom ko ng diretso yung alak na hawak ko, kahit yata ilang bote ng alak ang inumin ko, hindi mawawala at hindi ko makakalimutan ang bigat na nararamdaman ko..





Napatingin ako sa cellphone ko nang magring iyon at nang makita ko ang pangalan ni manang ang rumehistro ay agad ko iyong sinagot..



" Manang" mahina kong bati sa kanya, hindi agad siya sumagot, alam kong galit din siya sa nagawa ko.



"I-Ivan" bakit parang may kakaiba sa boses nya?

" bakit po mang may problema ba? kamusta po si Jana?" medyo humina yung tanong ko sa huli nahihiya ako kay manang sa nagawa ko..

" I-Ivan s-si J-Jana"

__________________________________________________

A/N; Hi , 3 updates sana para kagabi, pambawi hehe hindi ko pala na publish ang chapter 8. .suurrryy  :)







REGRET OF A HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon