Chapter 5: Regret#2

24.3K 416 38
                                    

"you cannot change the fact that you cannot go back to the past and change what you have done"


Ivan's P.O. V


Nanlamig ako bigla pag baba ko ng sasakyan.

"a- ano to?  h-Hindi to pwedeng mangyari! manang ano ibig sabihin nito??  niloloko nyo ba ako??" galit kong tanong Kay manang.  Hindi ito kumibo.  nakatingin to sa akin at umiiyak.


"manang naman please" nanghihina kong pakiusap. ayokong maniwala sa nakikita ko. naka tayo lang ako dito sa harapan ng kapilya. mula dito ay kitang kita ko ang larawan ng anak ko na nasa ibabaw ng isang kabaong. bakit nandyan ang picture ng anak ko? niloloko ba nila ko? hindi pwede to,Hindi pwede.


"m-manang please palabas ba to?" sumamo kong tanong sa kanya. para akong nanlalambot hindi ako makatayo ng diretso.


"H-Hindi yang palabas Ivan. totoong nasa loob ng kabaong na yan ang alaga ko.  wala na sya Ivan.  wala na ang alaga ko.  wala na sya" dirediretsong sagot ni manang habang humahagulgol.


wala na sya.

wala na sya.


wala na sya.

wala na sya.

parang may bombang sumabog sa dibdib ko ng paulit ulit. literal na nanghina ang katawan ko. nabitawan ko yung bolang binili ko para sa kanya. hindi pwede. Hindi pwedeng mawala sya. ayoko, ayoko!  Hindi pwede. masyado pang maaga para kunin sya sa amin.

walang patid ang page agos ng luha ko. nanghihina na talaga ko,Hindi na ako makahinga.

mas lalo akong nanlumo at tuluyang nadurog ang puso ko sa mga sumunod na sinabi night manang.

"n-noong araw na umalis ka at iwan sila, yun ang araw na naaksidente si Jair. sinusundan ka nya at hinahabol kaya hindi nya napansin ang sasakyan at huli na nang napansin nya to.  nabangga sya at sa sobrang bilis ng sasakyan malakas din ang impact nito kaya tumilapon si Jaira at tumama pa sa puno.  apat na araw syang nacomma at tuluyan na syang bumigay noong ikalimang araw. pangatlong gabi nya nang nakaburol ngayon." nanghihina ring Sabin nya.

Napaluhod na ako ng tuluyan.

Hindi ko matanggap ang nayari.

ito na siguro ang karma ko.  ito na ang kabayaran ng kasalanan ko.  kung alam ko lang.

Nanghihina akong nagpunta sa anak ko.  at lalong bumuhos ang luha ko ng makita ko na ang mukha nya. may malaking tahi sa noo nito.

noong isang linggo lang kasama ko pa sya na naglalaro pa kami ng basketball, noong isang linggo lang hinatid ko pa sya sa school. noong isang linggo lang buhay na buhay pa sya pero ngayon heto siya, ang bibo at makulit kong anak ay nakaratay at nakakulong sa isang kahon na sumisimbolong hindi ko na makikita ang kakulitan at kasweetan nya.  na sumisimbolo na wala na sya,  na hindi ko na sya mayayakap, na Hindi ko na maririnig yung mga halakhak nya at hindi ko na rin sya makakalaro ng basketball. sobrang lakas na ng iyak ko. wala akong pakielam sa mga taong nakatingin sakin at nagbubulungan.


ang kawawang anak ko wala siyang kasalanan bakit sya pa?

ako nalang sana ang nawala. Hindi ko alam kung mapapatawad pa ako ni Jana.  lumiit yung pag-asa ko.

bigla akong nanigas ng marinig ko ang galit at matigas na boses nya.


"Anong ginagawa mo dito" kitang kita ko ang galit sa mga mata nya. Hindi ko makita yung mga mapupungay nyang mga mata na lagi ko nakikita noon. punong puno na ito ng puot at pagkasuklam.


"J- Jana" Hindi ko alam ang gagawin ko. bigla nya akong sinugod.

" walang hiya Ka! ang kapal ng mukha mong pumunta dito! wala kang karapatang pumunta dito hayup ka!" pinagsusuntok nya ako, Hindi ko sya pinipigilan dahil nanghihina na ako at Hindi ko na maigalaw ang mga kamay ko.  at wala naman akong karapatan na pigilan sya dahil ako ang may kasalanan ng lahat ng ito.  hinawakan sya at pinigilan nila manang pero nanlalaban paring siya kitang kita ang galit sa  mga mata nya. malayong malayo sa mahinhin at sweet na asawa ko.


" lumayas ka rito! kasalanan mo kung bakit siya namatay! pinatay mo ang anak ko!  lumayas Ka! kriminal ka lumayas ka!" sigaw nya parin sakin. lumakas pa lalo ang bulungan ng mga tao.

" J- Jana I- I'm sorry" buhos ang luha kong sabi sa kanya. hindi ko naman ginustong mawala ang anak ko eh. Hindi ko ginustong mangyari ito. pero inaamin kong kasalanan ko ang lahat.

" sorry??" kumalas sya sa hawak nila manang at dumapo sa akin ang kanyang palad.  sa sobrang lakas ay namanhid ang mukha ko.


" sorry huh? sorry??? sa tingin mo maibabalik ng sorry mo ang buhay ng anak ko huh??  sa tingin mo mawawala ang lahat sakit na nararamdaman ko dahil sa sorry mo?? pwes nagkakamali ka! hinding hindi kita mapapatawad. lumayas ka dito. at please lang wag mo nang ipakita yang pagmumukha mo sa harapan ko at huwag mo nang hintayin na ipakaladkad pa kita sa mga guwardya" matigas na sabi nya.


" J- Jana please b-bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon, pinapangako ko sayong hindi na kita iiwan." sumamo ko.

" ang sabi ko lumayas ka dito!" malakas at matigas na sigaw nya.

Jana's P.O. V

"ang sabi ko lumayas ka dito!" sigaw ko sa kanya.

ang kapal ng mukha nyang magpakita pa dito pagkatapos ng lahat ng ginawa nya.  wala siyang karapatan.

noong nakita ko ang pagmumukha nya ay Hindi ko na napigilan ang emosyon ko.  naghalo halo lahat ng sakit ng pag iwan nya sa amin at pagkamatay ng anak ko.

pagkaalis nya ay humagulgul ako sa kabaong ng anak ko.  Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na ang anak ko. 


Hinding Hindi ko sya mapapatawad. siya ang may kasalanan ng lahat ng ito.  pinatay nya ang anak ko.  


A/N: thanks for reading.  sorry for the typos and wrong grammar.


          Ms.A


REGRET OF A HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon