Jana's P.O.V
ang sakit. sobrang sakit para akong pinapatay para akong sinaksak ng paulit ulit. akala ko maayos ko pa itong pagsasama namin. ginawa ko naman ang lahat,binigay ko naman ang lahat,naging mabuti akong asawa sa kanya, dati naman masaya pa kami,pinaparamdam pa nya sa aking mahal nya ako.pero lahat yun nagbago. unti-unting nagbago ang lahat at sobrang gumuho ang mundo ko nang mahuli ko sila ng sekretarya nya sa mismong office nya. sobrang sakit na makita mo yung asawa mo na may katalik na ibang babae sobrang sakit na hindi na ako maka hinga.
pero lahat ng yon tinanggap ko. binalewala ko lahat kahit masakit dahil mahal ko sya. pero makalipas lang ang isang linggo heto na iniwan na nya kami. wala na sya sumama na sya sa babae nya.
paano na kami?
napasubsob ako sa palad ko nang maalala ko yung anak ko ano sasabihin ko sa kanya? iniwan kami ng daddy nya at sumama ito sa ibang babae? ayoko syang masaktan,
lalo akong napahagulgol, limang taon palang si jair. 18 yrs old ako nung nabuntis ako ni Ivan. kaya naman mas naunang maka graduate ng college sakin si Ivan dahil nag stop ako ng nabuntis ako. pero naging masaya naman yung pagsasama namin lalo na nung dumating si jair sa buhay namin.
masaya kami..
noon.
dahil ngayon wala na si Ivan. wala na yung taong nangako sa akin dati na paliligayahin nya ako at hindi iiwan...
natigil ako sa pag iisip nang marinig ko ang boses ng anak ko.
"mommy where's daddy?" tanong nya mukhang kagigising nya lang. kawawa naman ang anak ko siguradong hindi nya matatanggap na umalis na ang daddy nya.
"a-anak" niyakap ko sya ng mahigpit "a-anak" hindi ko parin matanggap na iniwan kami ng daddy nya.
"mom? why are you crying po? tulog pa po si daddy? he promised me na maglalaro kami ng basketball later." lalo akong napa iyak sa sinabi nya niyakap ko pa siyang lalo. "a-anak. w-wala na si daddy..." ang hirap sabihin ng ganitong sitwasyon lalo na at idol na idol nya ang daddy nya. "anak i-iniwan na nya tayo" lumakas yung iyak ko. nang hihina na ako kaya naman mabilis na nakawala si jair sa yakap ko.
"no!! hindi ako iiwan ni daddy! he can't do that he loves me!" sigaw nya at mabilis na nagtatakbo ito palabas.
"daddy! daddy don't leave me daddy!daddy!" sigaw sya ng sigaw habang palabas ng bahay.
"jair!" hinabol ko sya ayokong mas masaktan sya kapag nakita nya yung daddy nyang paalis.
"daddy wait! daddy! daddy! daddy!" patuloy lang ang takbo nya hanggang sa malapit na sya sa gate namin. nakita kong nakalabas na sa gate namin yung sasakyan ni Ivan.hindi nya manlang pinansin yung anak namin.
kinabahan ako nang magdire-diretso si jair sa labas ng gate para habulin ang daddy nya. at mas lalo akong kinabahan nang makita kong may paparating na sasakyan.
"beep!!!" malakas na busina ng sasakyan napahinto naman ang anak ko at humarap sa bumubusinang sasakyan.
"jair!" sabay naming sigaw ni manang lydia.
sttrrrrrreeeckkkk!!!!!
parabg biglang tumigil ang pag ikot ng mundo, tumigil din ang pag hinga ko.
h-hindi h-hindi pwede to.
"jair! " tumakbo kami ni manang sa kinaroroonan ng anak ko. ang layo ng narating nya. kitang kita ko kung paano sya tumilapon nang nabangga sya ng sasakyan.
"jair! anak gumising ka anak! jair please tulong! tulungan nyo kami!" sigaw ako ng sigaw, hilam na hilam na ako sa luha.
binuhat sya ni mang nestor yung driver namin at dinala sa sasakyan.
sumunod kami ni manang.
nanginginig ako sa loob ng kotse. iyak ako ng iyak. wala akong paki alam kung gaano man kalakas yung hagulgol ko .
"Diyos ko wag nyo pong pababayaan yung anak ko hindi ko po kaya." tahimik akong nagdasal habang yakap ko ang anak ko.
wala akong paki alam kung pulang pula na sa dugo yung damit ko.
pag dating namin sa ospital sinalubong kami ng mga nurse na may tulak tulak na stretcher. " tulungan nyo po yung anak ko please parang awa nyo na iligtas nyo po sya" paki usap ko sa kanila buong buhay ko hindi ko akalaing darating ako sa ganitong sitwasyon.
"misis hanggang dito nalang po kayo. bawal po kayo sa loob" sabi ng isang nurse pero hindi ko parin binitawan ang anak pakiramdam ko kasi pag binitawan ko siya mawawala na siya sa akin. "hindi sasama ako sa loob hindi ko iiwan ang anak ko kailangan nya ako please isama nyo na ako sa loob" pakiusap ko sa kanila pero hindi sila pumayag wala rin akong nagawa nagdire diretso na sila sa loob ng E.R.
napaluhod ako pagka sara ng pinto ng E.R.naramdaman kong may yumakap sa akin.
" j-jana anak" yumakap rin ako sa kanya parehas kaming umiiyak
" m-manang y-ung a-nak kk-ko" halos hindi na ako makapag salita sa sobrang iyak ko kanina pa ako iyak ng iyak.
hindi ko kayang mawala ang anak ko baka mabaliw ako. siya nalang ang buhay ko. mahal na mahal ko siya hindi ko kaya pag nawala siya.
kasalanan nya to. sinusumpa ko.
kapag may nangyaring masama sa anak ko.
hinding hindi ko sya mapapatawad.
to be continued.
comment
Ms.A
![](https://img.wattpad.com/cover/34450099-288-k231326.jpg)
BINABASA MO ANG
REGRET OF A HUSBAND
RomantikDahil sa isang pagkakamali ay nawala sa kanya ang kanyang anak at asawa, ...may magagawa nga ba ang pagsisisi nya upang maibalik sa dati ang masayang pamilya na nasira nya? this is Ivan's story.. this is the regret of a husband.