Chapter 25 : Failed

10.6K 188 10
                                    


Janna

Halos hindi ako nakatulog kagabi sa kakaisip kay Ivan. Alam ko sa sarili ko na miss na miss ko na siya.

Iniisip ko na bigyan ko pa siya ng isa pang pagkakataon, pero natatakot ako. Paano kung masaktan na naman ako sa kanya? Kahit na nakikita ko sa mga mata nya na nagsisisi siya sa nagawa nya, natatakot parin ako.

Pero paano ko mapapatunayang mahal nya nga talaga ko kung patuloy lang akong matatakot?

Worth it ba kung sakaling bigyan ko siya ng second chance? Paano kung-----

" aaaaahhhhh" napasigay na ako sa gulo ng isip ko, inumaga na ako sa kaiisip sa lalaking yon.

Bahala na nga. Bumangon ako sa kama ko para maligo.

--------------------------------------

Paglabas ko sa pinto ay napa kunot ako ng noo dahil sa isang pulang rosas na naroon sa sahig. Pinulot koi yon at binasa ko ang nakasulat.

For the most beautiful woman in my whole world.

Good morning, See you later.

I love you and I miss you.

Napangiti ako. Ang sweet ng mokong.

"iiiiiiiiiiiiiiiiihhhhh" nagulat ako sa biglang pagtili ni Marie, nasa gilid lang pala siya at mukang kasabwat siya ni Ivan sa paglagay ng bulaklak sa tapat ng pintuan ng kwarto ko.

"ooopppss teka! Wag kang hahakbang!" biglang pigil nya sakin, nangunot naman ang nook o.

" Bakit?"

" wait lang ililihis ko lang yung buhok mo, baka matapakan mo eh.."

nakangising sabi nya sa akin at umaktong may binubuhat, bigla kong nahampas ang balikat nya dahil sa totoo lang ay nag iinit na ang pisngi ko

" ouch! Ang sakit te! Hmmp palibhasa ang haba ng hair nya!" nang aasar paring sabi nya. Kinurot ko siya sa tagiliran kaya nagmamadaling tumakbo pababa sa sala habang kumakanta ng "haba ng hair, nag rejoice kaba girl" napailing nalang ako. luka-luka talaga yung bata na yun.

----------------------------------

Papasok ako sa kumpanya ni Ivan, pinapunta nya kasi ako dahil maglalunch daw kami. Sabi nya kadarating nya lang daw kaninang umaga galling maynila. Sinabi ko sa kanyang ayoko pero syempre pakipot lang naman ako kaya pumunta parin ako.

"Good morning" bati ko sa sekretarya nya.

"good morning din po ma'am, "

" nasa loob ba si Ivan?" tanong ko sa kanya, bigla naman itong namutla at parang natakot,

'e-eh ma'am, kasi po..." napataas ako ng kilay?

" bakit may meeting ba siya? It's ok, maghihintay nalang ako sa loob" sabi ko pero pinigilan nya ako kaya napataas ulit ako ng kilay.

" wait lang ma'am" napakamot pa ito ng ulo. " bakit nga??" medyo naiinis na ako sa lalaking to ah.

" eh kasi po ma'am, may babae po sa loob ng office ni sir" kinakabahang sabi nito.

" a-ano? g-ganoon ba? Sige next time nalang ako pupunta " sabi ko sabay talikod, mabilis akong pumara ng taxi nang makalabas ako ng kumpanya nya dahil hindi ko na kayang pigilan yung luha ko.

Walang hiyang lalaki na yun! Pa ilove you ilove at I miss I miss you pa'ng nalalaman tapos may ibang babae naman pala! Sabi ko na nga ba sasaktan nya lang ulit ako. Buti nalang nalaman ko ng mas maaga.

Pasakay na ako ng taxi ng marinig ko ang boses nya.

" Janna!!" sigaw nito, nagmamadali itong lumalabas ng kumpanya nya. Nag madali naman akong pumasok sa taxi.

"m-manong tara na po" sabi ko sabay singhot.

Bahala siyang magsisigaw.

---------------------------------------------------------------

Hello :) :)

Kamusta po?

Sorry for the long wait. Ayan nag ud ako kahit sa computer sa school library naming haha :D

Baka kasi nabibitin na kayo eh, alam ko rin kasi ang pakiramdam ng naghihintay,

mahirap at masakit??

Hahaha Charot :)

Hope sana nagustuhan nyo. tatapusin ko na po ito. sana wag kayong magsawa. 

bye bye Godbless :)

REGRET OF A HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon