Janna
Nagising ako ng maaga kinabukasan kaya naman matapos akong makapagluto ng almusal ay napunta ako sa farm para bisitahin ang mga mangagawa ko doon at ang lagay ng farm ko. Hindi ko alam kung umuwi na ba si Ivan dahil hindi ko na siya kinausap buong maghapon pati kagabi kaya hindi ko na siya nakita.
"Good morning ma'am." nginitian ko lang sila sa pagbati nila sa akin. nagtungo ako sa kubo para doon magpahinga. nadatnan ko roon si manang lusil , asawa ni mang Igme, kasama niya binatilyong anak niyang si tonyo, sila ang nag aalaga nitong farm, sila ang katiwala ko dito sa pag aalaga sa farm at si marie naman ang katulong kong namamahala.
"good morning ma'am Jana" bati sa akin ni aling lusil.
" good morning din po, Janna nalang po kasi manang lusil parang ang tanda ko naman po para tawaging ma'am" natatawa kong sabi sa kanya, ilang kasi talaga ako pag tinatawag akong ma'am o kaya madame, si marie ma'am ang tawag sa akin pero kalaunan ay ate na dahil nagagalit ako pag tinatawag niya akong ma'am.
"pasensya na iha, nakakahiya namang tawagin ka lang sa pangalan mo" nahihiyang sagot niya.
"sus ok lang po sa akin yun, mas gusto ko pa nga po yun sa totoo lang, at tsaka hindi naman na po kayo iba sa akin" ngumiti lang na parang nahihiya ito sa akin.
" Kamusta naman po ang farm?" lipat ko sa usapan
"maayos naman po, mas dumoble ang napitas na bulaklak kumpara nakaraang linggo, mukhang mas maganda ang bago nating ginagamit na pataba." nakangiting balita ni aling lusil.
" ganun po ba, mabuti naman po ang akala ko po ay iba ang magiging epekto ng pataba" akala ko kasi ay hihina dahil sinubukan lang namin ang bagong pataba na produkto ng kinukuhanan namin ng pataba, mabuti naman na mas maganda itong bago.
"gusto mo po bang bisitahin ang mga pananim, nanduon si Kuya Igmme mo." tumango nalang ako dahil iyon naman ang balak ko.
Malayo pa lang ay nakita ko na si mang Igme na nagdadamo. ang sipag talaga ni mang Igme. kaya naman hindi ako nagkamali na sila ang ginawa kong katiwala sa mga pananim sa farm.
tumayo ito nang makita kami ni tonyo " good morning po" bati niya sa akin, yumuko pa ito at nagtanggal ng sumbrero, minsan ako ang nahihiya sa pagtrato nila sa akin, hindi naman kasi ako sanay dahil pinalaki ako ng magulang ko na mamuhay ng simple.
"good morning din po" kung napapansin nyo ay hindi nila ako kinakausap ng salitang ilokano, hindi kasi ako marunong kahit ilang taon na ako dito.
" Mukang maganda po ang tubo ng mga halaman ngayon ah"
sabi ko sa kanya habang hinihimas ang mga dahon ng mga halaman na may uumuusbong nang paunti unting buko ng mga bulaklak.
"oho mukhang maganda po ang bago nating gamit na pataba." sabi nito na mukang masaya sa naging resulta ng paggamit namin ng bagong pataba.
"Mukhang maluwang luwang na rin po ang nadamuhan niyo ah" sabi ko habang nililibot ang mga mata ko sa kabuuan ng farm.
BINABASA MO ANG
REGRET OF A HUSBAND
RomanceDahil sa isang pagkakamali ay nawala sa kanya ang kanyang anak at asawa, ...may magagawa nga ba ang pagsisisi nya upang maibalik sa dati ang masayang pamilya na nasira nya? this is Ivan's story.. this is the regret of a husband.