aIvansPov
Agad akong nag punta sa bahay matapos akong tawagan ni manang.
Kasalanan ko ang lahat ng to kung bakit nagkaganun si Jana, ang tanga ko kasi eh, and now hindi ko na alam ang gagawin ko, pakiramdam ko sasabog nayung utak ko sadami kong iniisip ngayon. Binilisan o pa ang pagmamaneho, pero sadyang nanadya ang pagkakataon dahil traffic. Aarrrg! sh!t kung Kaylan pang nag mamadali ka tsaka umiksena tong dalawang kotseng nagbanggaan naito bwiset!!..
nabaling ang tingin ko sa isang kotse na mas grabe ang damage, nakita kong may inererescue na isang babae na duguan, sumunod ay ang isang lalaki na sa tingin ko ay kaedaran ko lang, siguro mag-asawa o magkasintahan ang dalawa, pero parang bigla akong nanigas nang may ilabas silang batang babae mula sa kotse.. nakita kong duguan ang damit nito pati narin ang ulo nito.... Ang ulo nito...
Pumasok sa isipan ko ang anak ko, ganun din ba ang itsura niya nung nabangga siya? O mas worst pa? mas marami bang dugo sa damit nito?
Nag simula nang manginig yung kamay ko, pati yung balikat ko..my guilt is eating me alive, pakiramdam ko mamamatay na ako sa sobrang sakit at pagsisisi.
Hindi ko alam kung gaano ba ako katagal na nakadukdok sa manibela dahil ayokong tumingin saharap ko, ayoko nang makita....dahil pakiramdam ko yung anak ko yung tinitignan ko..... Napaangat lang ako ng mukha nang makarinig ako ng sunodsunod na busina .,mukhang kanina pa ako naka dukdok doon dahil nagsisimula nang umayos ang daloy ng trapiko. Naalala kong pupuntahan ko nga pala si Jana..
-------------------------
Pag karating napagkarating ko sa tapat ng bahay ay agad akong bumaba sa sasakyan at agad agad akong pumasok sa loob ng bahay...
" Manang!" sigaw ko. Bakit parang walang tao?
Pumunta ako sa ikalawang palapag ng bahay dahil nandoon ang kwarto naming ni Jana, wala ring tao doon kaya pinuntahan ko ang kwarto ni Jair pero pagkabukas ko nang pinto ay tila nananigas ako nang bumungad sakin ang galit na mukha ng kanyang Ama. At sa isang iglap ay nakahandusay na ako sa gilid ng pintuan.
"P-Papa" hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanila, ramdam na ramdam ko ang sobrang galit at panggigigil sa suntok nya sa akin, halos hindi ko na maramdaman ang panga ko sa sobrang manhid.
" Huwag na huwag mo akong matawag tawag na papa dahil hindi naman kita anak na hayop ka!"
"P-Papa sorry po..nagsisisi napo ako sa mga nagawa ko, patawarin nyo po ako" sabi ko habang pilit na tumatayo.
" Ang kapal ng mukha mong humingi ng tawad pagkatapos ng ginawa mo sa anak ko at sa nangyari sa apo ko! Ayan! Tignan mo ang ginawa mo sa anak ko! Tignanmo!" hinatak nya ako patayo at iniharap kay Jana na tulala lang na nakatingin sa bintana habang yakap ang unan ng anak namin at yakap-yakap naman siya ng kanyang mama. Bumuhos ang luha ko nang Makita ang kalagayan nya. Ibang-iba sa Jana noon. Lalapitan ko ns sana siya nang hiniltak ako ng papa nya.
"huwag na huwag kang lalapit sa anak ko!"
"Papa please nag mamakaawa po ako, bigyan nyo pa po ako ng isa pang pagkakataon parang awa nyo na po" lumuhod ako sa harapan nya ,lahat gagawin ko para lang mapatawad nila ako..
"hinding hindi ka naming mapapatawad .pinagsisisihan naming ipinag katiwala naming sayo si Jana dahil wala ka palang kwentang lalaki."
Napayuko ako "P-Papa" iyon lamang ang nasabi ko dahil wala na akong masabi pa, ano pa nga bang sasabihin ko? Eh tama naman siya wala akong kwentang lalaki.
Wala.
"Lumayas ka na dito at huwag na huwag ka nang lalapit sa anak ko, simula ngayon ay hindi na kami makapapayag na lapitan mo ang anak namin" matigas na sabi ng papa ni Jana.
"P-per—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang maramdaman ko sa aking ulo ang kanyang baril. " subukan mo pang magpumilit, sasabog tiyak yang utak mo." retired General ang kanyang papa kaya naman alam kong hindi ito nagbibiro.
Napahinga ako ng malalim. Mga tatlong minute siguro akong nakayuko
" ano? Gusto mo na bang sumabog ang ulo mo?"
" Papa, aalis po ako ngayon pero hindi po ibig sabihin non ay sumusuko nap o ako,... babalik ako at kukunin kosi Jana" pag katapos kong sabihin yun ay nanlulumo akong lumabas ng bahay.
Jana....
Babawiin kita, sana mapatawad mo ko...
----------------------------------------------------
A/N: sorry masyado akong nagmamadali nung time na nag ud ako dito. sorry guys .. ayan inayos ko na para sa inyo :) happy reading.
BINABASA MO ANG
REGRET OF A HUSBAND
RomanceDahil sa isang pagkakamali ay nawala sa kanya ang kanyang anak at asawa, ...may magagawa nga ba ang pagsisisi nya upang maibalik sa dati ang masayang pamilya na nasira nya? this is Ivan's story.. this is the regret of a husband.