Chapter 6 : Regret # 3

21.5K 391 30
                                    


Ivan's Pov



Nakatayo ako mula sa malayo...



pero kahit na nasa malayo ako ay kitang-kita ko pa rin ang sakit sa mukha niya.


sobrang sakit na makita siyang ganito, sobrang sakit na makita siyang umiiyak..at doble doble ang sakit na nararamdaman ko dahil ako ang may kasalanan ng lahat.


gusto ko siyang lapitan, pero paano? makita ko palang ang mga mata niyang nag- aapoy sa galit at poot sa akin ay nanghihina na ako.

libing na ngayon ng anak ko. pero hindi ko manlang siya masilayan kahit sa huling sandali, hindi ko manlang siya mayakap. wala na siya. hanggang ngayon ay hindi ko parin matanggap na wala na siya. sobrang galit na galit ako sa sarili ko. kagabi, naisip ko nang tapusin ang sarili ko dahil sa sobrang pagkapoot ko sa mga nagawa ko, pero naisip ko si jana. alam kong galit na galit siya sa akin pero hindi ko siya kayang iwan mag-isa.


pinagmasdan ko ulit si Jana, umuwi na ang mga nakipag-libing dahil lumalakas na ang ulan. nakita kong inaaya na ni manang si Jana pero hindi siya natinag sa pagkakaupo nya at paghagulgol. alam kong hindi nya matanggap ang lahat..



sorry Jana...

------

Mga kalahating oras din ang lumipas bago nakumbinsi ni manang si Jana na umuwi na, mabuti naman at umuwi na sila. kailangan ni Jana na magpahinga siguradong wala pa siyang pahinga sa itsura nya.

lumapit ako sa puntod ng anak ko..


nanghihina akong napaluhod.



" a-anak " hindi ko na napigilan at humagulgol na ako ng iyak. wala na akong paki-alam kung maymaka kita man sa akin na umiiyak ako dito.

"a-anak s-sorry, patawarin mo si daddy, sorry anak, kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana hindi nalang ako nagpaka tanga. s-sorry anak sana mapatawad mo si daddy." sobrang sakit pala ng ganito, yung kinakausap mo yung taong mahal mo pero hindi ka makarinig ng tugon sa kanya.. sobrang sakit.. yung isipin na hinding hindi na siya babalik sa amin.


Panginoon alam kong kasalan ko ang lahat ng ito. sobra ko pong pinagsisisihan ang lahat, sana kung nasaan man ang anak ko, sana po mapatawad nya pa ako alam ko pong wala na akong karapatan, pero humihingi po ako sayo ng isa pang pagkakataon...



isa pa pong pagkakataon na sana...






mapatawad din ako ng ina nya.....



sana mapatawad din ako ni Jana.





-------------------------------------------------------------------------------

A/N : sorry po ngayun lang ako nakapag ud, sa totoo lang wala na talaga akong balak na ipagpatuloy ito dahil ang akala ko ay wala namang babasa nito. matagal ko nang hindi nabubuksan ang account ko na ito ngayun lang ulit at nung nabasa ko ang comment at makita ang ga bote nyo, natuwa naman ako, akala ko talaga walang papansin sa




REGRET OF A HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon