Chapter 12 : Regret # 9

17.7K 283 5
                                    

        

Janna



Pinagmasdan ko ang mga magagandang bulaklak na nakatanim sa aking flower farm dito sa baguio. simula nang dalhin ako dito nila mama five years ago ay binili daw nila ito mula sa isang kaibigan na nagmigrate na sa ibang bansa para sa akin dahil napansin daw nila na ito ang nakakapagpakalma sa akin noon. you know naman kung ano nangyari sa akin dati diba? .

well, salamat sa mga bulaklak dahil tinulungan nila akong makalimot.

ewan ko ba.hanggang ngayon napapagaan parin ng mga bulaklak ang loob ko.

don't get me wrong. naka moved on na ako, ok na ako. natanggap ko na lahat ng nangyari noon. ang ibig kong sabihin, ay malaki parin ang naitutulong sa akin ng mga bulaklak hanggang ngayon.






so balik tayo sa kwento ko, pagkalipas ng dalawang taon noong naging ok na ako ay sinimulan ko nang pamahalaan ang farm na ito, at masasabi kong naging maganda naman ang naging takbo ng negosyo ko, marami akong suki na mga flower shop hindi lang dito sa baguio maging sa ibang parte ng pilipinas.


" ate Janna, dumating na po ang mga dealer ng mga bulaklak na naharvest kaninang umaga." lumingon ako kay marie, sekretarya ko si marie, siya ang nag aayos ng mga schedule para sa mga kliyente namin at ng ibang bagay na hindi ko maasikaso.  mas bata siya ng limang taon sa akin kaya parang kapatid na rin ang turing ko sa kanya.

" ok salamat marie, kumain ka na ba?"

" naku ate, tapos na po, kasama ko pong kumain ang mga namitas kanina ng mga bulaklak.

ang gusto ko kay marie ay hindi ito maarte, simpleng dalaga lang. nakikuta ko nga ang sarili ko sa kanya dati noong kaedaran ko siya.

" ganun ba? o sige ikaw na ang bahala sa pagbibigay ng upa sa kanila ha? kailangan ko pang makipag usap sa bagong supplier natin ng organic fertilizer." bilin ko sa kanya.

" o sige po ate. gudluck po.  nga pala ate, tumawag po yung isang buyer from Q.C na kailangan na daw maideliver yung mga bulaklak bukas ng umaga."

" ah o sige basta siguraduhin mo lang na makapagharvest ulit tayo ng mas maaga bukas"

" wag kang mag alala ate, nakausap ko na si ka indoy kaya siguradong maaga silang magsisimulang mamitas bukas." si ka indoy ang namumuno sa paghahanap ng mga mamimitas sa kanya binibigay ni marie ang bayad sa pagpitas at siya ang nag aabot sa mga mamimitas.



" sige po ate, pano po mauna na po ako, may klase pa po ako."  paalam nya. nagaaral si marie, simula nang magtrabaho siya dito ay pumasok siya ng college, architecture ang kinukuha nya at ako din ang nagpapaaral sa kanya. third year na siya ngayon.

" o sige. mag ingat ka, may pera ka pa ba?"

" naku opo, may pera pa po ako,salamat po. sobra pa nga po yung binigay nyo noong isang araw sa akin eh" pagtanggi nya. ang maganda kay marie ay hindi siya mapagsamantalang tao. kaya naman ang gaan ng loob ko sa kanya dahil alam kong mapagkakatiwalaan siya.

" ganun ba? sige basta pag kailangan mo,magsabi ka lang ha?"

"s-sige po, panu po alis na po ako" nahihiya pang paalam nya.

" sige mag ingat ka"  tumango naman ito at umalis na.  ako naman ay pumasok na sa aking kwarto para gumayak na dahil baka mahuli pa ako sa usapan namin ni mr. de vera, yung supplier na sinasabi ko kanina.

-------------------

Pagkatapos kong makipag usap kay mr. de vera ay umuwi na ulit ako sa bahay.

pagdating ko ay nakaluto na si marie. oo dito siya nakatira. dati hindi pero noong mamatay yung lola nya na siyang natitira nya nalang na kamag anak noong isang taon lang ay dito ko na siya pinatira, ok rin naman yon para may kasama ako dito.  bumalik na kasi sila mama sa US last year lang din dahil nandoon ang negosyo ni papa.

" anong ulam marie?"

" oh ate nandito ka na pala, kamusta po pakikipag usap nyo sa supplier?" tanong nya habang naglalagay ng pinggan sa lamesa.

"ayun sila ang magsusuply sa atin ng mga pataba sa halaman sa loob ng tatlong buwan muna, tapos pagkatapos ng tatlong buwan ay nasa sa atin na kung gusto pa ba natin silang maging supplier. well pumayag naman siya dahil mukhang confident siya na magugustuhan natin yung mga isusupply nilang pataba."

" nga pala ate, tumawag yung kliyente mo na event organizer, gusto ka raw niyang maka usap para sa mga bulaklak na oorderin nila para sa isang event."

" ok kailan daw?"

" friday ng tanghali yung sinabi ko na free ka."

" ok sige. hmm sarap ng luto mo ah? pwede ng mag asawa" biro ko sa kanya.

" ate naman, wala pa nga akong boyfriend eh, tsaka nag aaral pa ako noh" namumulang sabi nya. maganda si marie, marami ngang nagkakagusto diyan eh kaya lang ang sabi nya ay prayoridad nya ang pag aaral nya tsaka masungit yan sa lalaki. ewan ko ba natakot na yatang mag asawa dahil nga iniwan siya at ang nanay nya ng taytay nya noon at ikinwento ko rin ang experience ko kaya lalong nawalan ng tiwala sa lalaki.

" naku marie 23 ka na, dapat magboyfriend ka na."  sumimangot siya.

" ayoko nga. wala nang matinong lalaki ngayon noh." oh diba sabi ko sa inyo eh. may pagka manhater yan eh dinaig pa ako. hehe though hindi na rin naman na ako muling nagtiwala sa mga lalaking nanliligaw sa akin ay hindi naman ako masungit na kagaya ni marie.

" sige ka ikaw rin" nagkibit balikat lang ito. napailing nalang ako. ang sarap talagang asarin nitong si marie eh. sobrang daling mapikon

 

REGRET OF A HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon