Chapter 15 :

14.5K 257 3
                                    

Ivan



"Sir pumayag na po si ms. Janna na maging supplier natin ng mga bulaklak sa hotel nyo dito sa baguio."

Kausap ko ang event organizer namin dito sa loob ng office,at gaya ng inaasahan ko, pumayag nga si Janna na maging supplier namin ng mga bulaklak. Isa sa mga hotel na pagmamay ari ko dito sa baguio ay designed para sa mga couple na magpapakasal, na kung saan ay sagot na ng hotel ang lahat ng decoration ng venue kaya naman ay ginawa ko na itong daan para mapalapit sa asawa ko.

" good, mag set ka ng meeting pagkatapos mo siyang papirmahin ng kontrata. siguraduhin mong hindi na siya makakaatras pa sa deal na to pag nagkita kami."

"Yes sir. sa katunayan po nyan ay magkikita po kami para sa kontrata." nakangiti na sabi nya. alam naman nya na asawa ko si Janna dahil lahat naman ng empleyado ko ay kilala si Janna. pero hindi kilala ni Janna ang mga empleyado ko dahil hindi naman siya dati madalas pumunta sa kompanya.

"good. basta siguraduhin mo lang na magkakaroon ako ng panahon para makausap siya."

"Yes sir."

"ok you may go" pagtatapos ko sa usapan namin. sa totoo lang ay hinsdi ko pa rin alam kung paano ko kakausapin si Janna pero kailangan ko nang kumilos.

*******************

Janna


Papasok ako ngayon sa The Royale Place para makausap ang isang kliyente ko.


" Good morning maam, do you have reservation maam?" magiliw na tanong sa akin ng crew ng restaurant.

" ah I'm here to meet ms. Salvador"

" ah yes maam come follow me,"

Napataas ang kilay ko nang makita ko ang pinareserve ng kliyente ko. Parang ang romantic naman nito? may isang table sa gitna na pandalawahan. at kung titignan mo ay parang couple ang kakain dito.

nagkibit balikat nalang ako at umupo na sa table pagkatapos kong magpasalamat sa crew.

10 minutes pa bago ang usapan namin ni ms. Salvador kaya siguro wala pa siya.



30 minutes na akong naghihintay pero wala pa si ms.Salvador bakit ang tagal nya? dati naman mas maaga pa siya sa akin.10 minutes pa.












makalipas ang 10 minutes ay napagpasyahan kong umuwi nalang baka hindi na ako sisiputin ni ms. Salvador,

tatayo na sana ako nang may magsalita sa likuran ko.




"Janna"

bigla akong nanigas sa kinauupuan ko....




that voice....




ang lakas ng kabog ng dibdib ko. parang biglang naghalo halo ang emosyong nararamdaman ko ngayon. takot, galit, at sakit.





hindi ko alam kung lilingon ba ako. paano kung siya yun?

napapikit nalang ako. boses palang pero naibalik na nito lahat ng alaala sa isipan ko.


unti unti akong lumingon sa timawag sa akin habang nanginginig , hoping na nagkamali lang ako ng akala.



pero sana pala hindi nalang ako lumingon..




because. here's the man who broke me years ago, standing in front of me.


I did not utter any single word.

I dont know how, and what to say. basta ang alam ko ay nanginginig ako at nangingilid ang luha ko. akala ko ok na ako.

" Janna"


hahakbang na sana siya pero iniharang ko ang mga palad ko sa harapan nya.

"h-huwag k-kang lalapit." nahihirapang pigil ko sa kanya.

"Janna"

"A-Anong ginagawa mo dito?"

hindi siya nag salita. and then realization hit me.


siya ba ang kliyente ko. siya ba yung sinasabi ni ms. Salvador? planado nya ba to?


dahan dahan kong kinuha yung bag ko at dali daling lumakad palabas pero hindi pa man ako nakakaabot sa pintuan ay naramdaman ko na yung mga bisig nya bewang ko mula sa likuran.


"Janna please"



pinilit kong kumwala...




ayoko...



ayoko. hindi pa. ayoko pa hindi ko pa kaya.. ayoko pa.


























ayoko pa.














+++++++++++++++++++++

Hi. umuwi ako sa province namin kaya baka medyo walang ud dahil hindi ako sure kung makakapag ud ako, but I'll try pa rin. enjoy reading.


commment.

kahit yan lang ^.^ thank you.
enjoy reading  

REGRET OF A HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon