Janna
Dirediretso ako sa loob ng kabahayan ng makarating ako. Nakita kong nawala ang malapad na ngiti ni marie noong makitang umiiyak ako. Kanina ay kilig na kilig pa siya noong sabihin kong sabay kaming magla lunch ni Ivan.
"a-ate" hindi ko siya pinansin, umakyat agad ako sa kwarto ko at nilock ko iyon.
Humiga ako sa kama ko at nagtalukbong ng kumot, hinayaan ko lang na dumaloy ang luha ko. Bakit ganun? Akala ko magiging ok na kami. Nagawa ko na nga siyang patawarin sa kabila ng masakit na nakaraan naming pero bakit nasasaktan na naman ako? Hindi ko na alam ang gagawin ko, pakiramdam ko ay pinaglalaruan ako ng tadhana, parang ayaw nya akong sumaya.
Isinubsob ko yung mukha ko sa unan ko at doon sumigaw ng sumigaw.
Gabi na nang magising ako. Bumangon ako at pakiramdam ko ay may sore eyes ako dahil ang hapdi hapdi ng mata ko sa kakaiyak kanina, pumasok ako sa banyo dahil pakiramdam ko ay nanlalagkit ako dahil sa mga luhang umagos hanggang sa leeg ko.
Nang maramdaman ko ang lamig ng tubig ay muli na naman akong na iyak. Sino kaya yung kasama nya? Yung babae nya ba noon? Sila pa rin ba hanggang ngayon? Lahat ng sakit na idinulot nya ay unti unting bumalik. Bakit ganun? Lagi na lang ba akong masasaktan sa kanya? Kalian ko ba mararanasan ang lumigaya? Bakit kahit sobra na akong nasaktan sa kanya, hindi ko pa rin magawang kalimutan siya? Masokista na siguro ako. Pumikit ako at nakita ko ang imahe ni Ivan na nakikipaghalikan sa ibang babae. Ito yung imahe na nahuli ko siya sa opisina nya bago nya kami iwan.
"aaaaaaaaahhhhhhhhhhh!!!" sigaw ko, unti unti akong naupo sa sahig ng banyo. Hinayaan ko lang na umagos sa katawan ko ang tubig.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa ganoong posisyon. Noong medyo nahimasmasan na ako ay nagbanlaw na ako..
Nagulat ako nang paglabas ko ng banyo ay nakita kong nakaupo siya sa bed ko.—si Ivan. Nakayuko siya at gulo gulo ang buhok nya.
"a-anong ginagawa mo rito?" walang emosyon kong tanong sa kanya.
"Baby" mabilis siyang tumayo at mahigpit na yumakap sa akin.
"b-bitawan mo nga ako " mahinahon pero may galit kong sabi sa kanya habang tinatanggal ang mga braso nyang nakapaikot sa akin.
" Baby bakit ka umalis?" tanong nya, mapait akong ngumiti, ang kapal nyang tanungin ako na parang wala siyang ginagawang kalokohan. Hindi pa man kami nagkaka ayos ng tuluyan ay nagloloko na naman siya.
Hindi ko siya sinagot at marahas kong tinulak siya at tinalikuran pero niyakap nya ulit ako sa likuran ko.
" w-wife please tell me" hinarap nya ako sa kanya at tinitigan ang mga mata ko, madali naman akong nag iwas ng tingin dahil baka maiyak na naman ako.
" maga yung mga mata mo umiyak ka" He said while clenching his jaw. " tell me why?"
Wala ba talaga siyang alam o nagmamaang mangan lang siya, hindi ba sinabi sa kanya ng secretary nya?
" s-sana pala kung mag dadala ka lang ng baba emo roon ay hindi mo nalang ako inyang mag lunch, sana siya nalang ang inaya mo para hindi na ako nag aksaya ng panahon sa wala." Nanginging ang boses kong sabi sa kanya, eawn ko kung saan ako kumuha ng lakas ng loob na magsalita.
"what?! A-anong babae? Sinong babae? Wala akong dinadalang babae doon baby." Frustrated nyang sabi.
" wag mu nga akong gawing tanga, ano pala yung sinabi ng secretary mo?! Akala ko pa naman magiging ok na tayo" Galit kong sabi pero naiyak ako sa bandang huli kong sinasi, nalaglag naman ang panga nya at mabilis na lumapit sa akin para yakapin o aluin ako?
" no baby, wala akong ibang babae, wala naming nagpupuntang babae---- fuck!" mura nya nang parang may naalala siya.
" no baby. Yes may babae kanina sa office ko," sabi nya habang nakikipag laban sa pag piglas ko sa yakap nya.
" o kita mo, s-sinasabi ko na nga ba" naiiyak kong sabi.
"no baby, wala akong babae"
"ano ba talaga?" sigaw ko sa kanya, " wag mo nga binibilog ang ulo ko lumayas ka na!"
" baby naman, mali yung iniisip mu eh!" napasigaw na rin siya dahil sa frustration. " hindi ko yun babae " ngayon naman ay medyo naka ngiti na siya. Huh baliw ba siya? Nakakainis siya bakit tumataw pa siya may nakakatawa ba? Hindi nya daw babae eh ano lalaki nya, pero babae ang sabi ng sekretarya nya.
" bakit nakangiti ka pa?! gago kaba?!" lalong lumawak ang ngiti nya at this time ay mahigpit nya na akong hinapit sa bewang at tsaka ninakawan ako ng halik, bigla naman akong nanigas at lumakas ang tahip ng dibdib ko. Halik at yakap pa lang yon, at sa ganito pang sitwasyon pero iba pa rin ang epekto nya sa akin.
"baby, hindi ko yun babae yu, I envited you to have lunch together right? Pero may kasama tayo. Dumating kasi si Ate, kaya ayun, naikwento ko kasi na nagkakaayos na tayo, at dahil sobrang excited nyang Makita ka ay nagyaya siyang maglunch kasama ka." Nakangisi nyang sabi " selos ka naman agad, don't worry, ikaw lang" bulong nya sa tenga ko. Biglang nanglaki ang mata ko as in literal na nanlaki, si ate Aireen?! My god? Siya yung babae sa opisina ni Ivan? Humigpit yung yakap nya sa akin
"s-si ate Aireen?" namumula kong tanong sa kanya, ni hindi ako makatingin. Naman Janna ang tanga mo pa emote emote ka pa talaga ha. Si ate aireen ang nakatatandang kapatid ni Ivan at sobrang close kaming dalawa, nakauwi na pala siya? Sa America kasi yun nakatira.
" so.... Nag seselos ka.. ibig sabihin.. mahal mo pa ako? " natutuwang tanong ni Ivan, hinawakan nya yung baba ko at hinarap ako sa kanya, tinulak ko siya dahil sobrang init nan g mukha ko at alam kong sobrang pula na nito. Shit Janna hindi ganito ang plano mong makipag ayos sa kanya! Kausap ko sa sarili ko.
" ewan ko sayo! " Bigla akong tumalikod sa kanya pero mabilis nya ulit akong na higit palapit sa kanya at mabilis na hinalikan.
Hindi ko mapigilang tumugon sa halik nya.
Napaungol ako sa sarap nyang humalik, punong puno ito ng emosyon, napaka suyo. Naramdaman ko na lang ang malambot na kama sa aking likuran habang patuloy pa rin kaming naghahalikan.
Sana naman
sa pagkakataong ito.. maging masaya na kami.
**************************************
Hello, pasensya na kung bitin yung last chapter. Heto pambawi hehe
Pagpasensyahan na nagmamadali ako habang tinatype yan. Sorry lagi akong nagmamadali hehe busy talaga ang lola nyo. :D :D surryy next time ulit.
THANK YOU FOR VOTING AND SUPPORTING MY STORY. SALAMAT DIN SA MGA NAGFOLLOW SA AKIN.
GODBLESS YOU ALL MGA BEBE :D
X2Ffi5�r0��==
BINABASA MO ANG
REGRET OF A HUSBAND
RomansDahil sa isang pagkakamali ay nawala sa kanya ang kanyang anak at asawa, ...may magagawa nga ba ang pagsisisi nya upang maibalik sa dati ang masayang pamilya na nasira nya? this is Ivan's story.. this is the regret of a husband.
