Janna
Tinanghali ako ng gising. dahil sa nangyari kahapon ay hindi ako nakatulog ng maayos.
"Oh ate gising ka na pala? mukhang tinanghali ka ng gising ngayon ate ah? may sakit ka po ba?" nag aalalang tanong ni marie sa akin nang maabutan ko siya sa kusina.
" a-ah hindi. a-ano nasarapan lang sa tulog" pag sisinungaling ko sa kanya, hindi naman kasi nya alam ang nakaraan ko eh.
" ah ganun po ba? nagluto po ako kain na po kayo."
" ah sige." sabi ko nalang dahil wala akong gana. nangunot ang noo ko dahil nilagpasan niya ako at may dala siyang meryenda.
may bisita ba? wala naman akong inaasahang bisita ah? hmm baka may bisita si marie.
pero lalo akong nagtaka nang mabilis na bumabalik si marie na hawak pa rin ang inihanda niyang meryenda.
" ay ate nakalimutan ko pala, may bisita ka po. ate sino yun? boyfriend mo? " parang kinikikig pa siya habang nagtatanong sa akin.
huh? ano daw? boyfriend daw?
" h-huh? b-boyfriend? hindi no! wala naman akong boufriend sino ba yun?" nakakunot noo kong tanung sa kanya.
" ay hindi ko po naitanong yung pangalan eh., pero nasa sala po siya. at kanina pa po siya rito. mga 6 am."
huh 6 am? ang aga naman? lalo tuloy akong nacurious at nagtaka kung sino yung bisita KO daw.
pero napalitan ang curiosity ko ng gulat at halos malaglag ang panga ko ng makilala ang sinasabi ni marie na bisita ko. nakaupo siya sa pang isahang upuan ng sala namin. nang makita nya ako ay unti-unti siyang tumayo.
ako naman ay nakatanga lang sa kanya dahil hindi pa ako nakakabawi sa pagkagulat ko. anong ginagawa nya dito.
bigla akong bumalik sa sarili ko nang magsalita siya. nasa harapan ko na pala siya.
" good morning or should I say good noon to you honey? flowers for you. ako mismo ang pumitas nyan." ngiting ngiting sabi nya at hinalikan nya pa ako sa pisngi kaya naman tuluyan nang nagising ang natutulog ko pang diwa.
" a-anong ginagawa mo dito? bakit ka nandito?" galit kong tanong sa kanya.
" I just want to see you honey. " nakangiti nya pang sagot sa akin. yung ngiting ipinapakita nya sa akin pag gusto nya akong akitin dati.
ang kapal ng mukha! kahapon lang ang drama naming dalawa. tsaka hindi nya ba naiintindihan na galit pa rin ako sa kanya. ang lakas ng loob nya.
" at sino namang nagsabi sayo na pwede kang pumunta sa pamamahay ko? at tsaka paano mo nalaman kung saan ako nakatira stalker ka ba?" galit kong tanong sa kanya. kapal ng mukha nya. akala nya madadaan nya ako sa bula-bulaklak nya.
" ofcourse hindi ako lulusob sa giyera nang walang armas" nakangising sagot nya. ang yabang nya talaga kahit kailan!
" ano bang kailangan mo ha? sabihin mo na dahil masyado akong busy para ientertain ka pa" masungit kong sabi sa kanya. bakit ko ba siya ie-entertain eh hindi naman siya matatawag na bisita.
" I told you I want to see you." nakangiti parin siya. ang sarap burahin ng pagmumukha nya!.
" oh nakita mo na ako lumayas ka na" walang emosyon kong sabi.
" teka lang uyy. hindi ko pa nga nakakain itong meryenda na inihanda para sa akin ni marie eh. uyy thank you marie, mukhang masarap ah? thank you." nakangiti nyang sabi kay marie. at kilala nya na talaga si marie. hudas talaga tong lalaki na ito eh.
umupo ulit siya sa upuan at nilantakan ang isang slice ng cake na inihanda ni marie.
hudas barabas talaga! kaylan pa siya naging patay gutom?
binalingan ko si marie ng tingin. mukhang nagtataka siya dahil papalit-palit ang tingin nya sa amin ni Ivan.
" hon, gusto mo? ang sarap pala ng cake na to. thank you marie. " sabi nya pa habang punong puno ang bibig nya ng cake.
mabilaukan ka sana!
" cough!- cough! " mabilis na iniabot ni marie yung juice sa kanya habang nakangiwi itong nakatingin sa kanya.
buti nga!
umalis ako sa sala at pumanhik ako sa kwarto ko para maligo dahil pupunta pa ako sa flower farm ko.
Pagkatapos kong maligo ay bumaba ulit ako para kumain, nakaramdam na kasi ako ng gutom.
siguro naman wala na yung hudas barabas na yun.
Pero pababa palang ako ng hagdan ay may narinig na akong nagtatawanan. nangunot na naman ang noo ko.
aba't! ano pang ginagawa dito ng hudas scariote na yan?! at feeling close pa talaga siya kay marie. hudas talaga!
" ano pang ginagawa mo dito?" bigla kong singit sa tawanan nila.
sabay naman silang napatingin sa akin. napataas ang kilay ko nang ilang minuto na akong nakatayo doon ay nakatitig pa rin sa akin si hudas.
" ehem! bakit kako nandito ka pa?!" inis kong tanong sa kanya.
unti-unti naman siyang tumayo.
" a-ah tara?"
" huh? anong tara ka dyan? saan tayo pupunta at sa tingin mo sasama ako sayo?" nakataas ang kilay kong tanong sa kanya.
" sasamahan kita sa farm" confident na sabi nya na para bang siguradong sigurado siya na papayag akong sumama siya. asa siya!.
" at sino nagsabi sayong pwede kang sumama? at paano mo nalaman na pupunta akong farm.?! " nakapamewang kong tanong sa kanya. unti unti siyang tumingin kay marie kaya lumingon din ako dito. tinaasan ko ito ng kilay nang makita kong nakatingin din ito sa akin habang kagat kagat ang kuko.
biglang tumayo si Ivan at hinila ako.
" cummon honey. let's go excited na akong maglibot sa farm mo. " kahit hindi ko nakikita ang mukha nya dahil nauuna siya at hila hila nya ako ay alam kong naka ngisi siya.
"ano ba?! bitawan mo nga akong hudas ka!" sigaw ko sa kanya. pilit akong kumakawala pero malakas siya,at mahigpit ang kapit nya sa wrist ko.
" bitawan mo sabi ako eh!" tinadyakan ko siya kaya napahinto siya pero hindi nya pa rin ako binibitawan.
" ano ba?! bakit ba ang kulit mo?! bitawan mo nga ako?! anf kulit mo ah! isa! pag hindi mo ako binitawa----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla akong binuhat ni Ivan. yung panf bridal style at sobrang lapit ng mukha nya sa akin.
" then what honey?" my God ngayun ko lang ulit siya natitigan ng malapitan. ang bilis ng tibok ng puso ko.
" Kapag sinabi kong hihingi ako ng second chance, hihingi ako...... kapag sinabi kong hindi ako susuko..... hindi ako susuko." at naramdaman ko ang mabilis na pagdampi ng kanyang labi sa labi ko.
nanigas ako.
hindi ko na namalayan na naisakay nya na ako sa wrangler na nakaparada sa likod ng bahay patungo sa farm.
oh God! what did he do?
oh God! he did kissed me!.
A/N : Merry Christmas :) enjoy reading.
comment please. bago ako mag ud ulit. comment naman kayo kung ano saloobin nyo. baka sobrang pangit na ng story ko.
thank you :) merry christmas again :) :)
BINABASA MO ANG
REGRET OF A HUSBAND
RomanceDahil sa isang pagkakamali ay nawala sa kanya ang kanyang anak at asawa, ...may magagawa nga ba ang pagsisisi nya upang maibalik sa dati ang masayang pamilya na nasira nya? this is Ivan's story.. this is the regret of a husband.