Chapter 20 :

11.4K 212 11
                                    

Janna

Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ko ay bumuhos nanaman ang masaganang luha sa mga mata ko.

hindi ko maintindihan ang sarili ko. bakit nasasaktan parin ako? akala ko ok na. akala ko wala na.

pero hindi e. alam ko kung bakit nasasaktan parin ako hanggang ngayon kapag naaalala ko ang nakaraan.


sa sobrang pag iyak ko ay hindi ko na namalayan na nakatulog ako.







Nagising ako dahil naramdaman kong may humahaplos sa mukha ko, kaya naman unti unti kong binuksan ang mga mata ko.


"a-anong ginagawa mo dito?" minamalat kong tanong sa kanya. biglang parang tinatambol ang dibdib ko habang nakatitig siya sa akin. nagtama ang mga mata naming dalawa, halo halong emosyon ang nkikita ko sa mga mata nya, hindi ko maipaliwanag, ngunit may isang emosyon na nangingibabaw- kalungkutan

puno ng lungkot ang mga mata nya.

ngayon ko lang ulit siya natitigan.

yung mga mata nyang kulay berde, yung ilong nya at yung mga labi nyang dumadampi sa mga labi ko noon. nag iwas ako ng tingin sa kanya.

"honey" his husky voice.

" a-ano bang ginagawa mo dito?, p-paano ka nakapasok?" sinikap kong patigasin ang boses ko. ayokong mahalata nya na nanghihina ako sa presensya nya.

" I miss your face, I miss your eyes, your lips" parang lalong may nagsipagtambulan sa loob ng aking dibdib ko. parang nabibingi ako.

naramdaman ko nalang na lumapat sa aking labi ang labi nya.

napasinghap ako at sinubukan kong itulak siya nang matauhan ako kung ano ang ginagawa nya- god he's kissing me!

pero hindi manlang natinag si Ivan, kinagat nya pa ang ibabang labi ko kaya napasinghap ako at naibuka ko ang bibig ko, kinuha nya naman ang pagkakataong ito para ipasok ang dila nya sa bibig ko para palalilimin ang halik.

pilit ko siyang itinutulak ngunit sadyang malakas siya, at unti unti na akong nadadala sa halik nya at hindi ko namalayang tinutugon ko na pala ito.

he's kissing me passionately. punong puno ng pagsuyo ngunit may pangungulila.hinawakan ko ang batok nya at buong puso kong tinugon ang kanyang halik.

parang dahon lang na tinangay ang nararamdaman ko kanina, lahat ng sakit ay tila nawala at ngayo'y pakiramdam ko'y nasa pinaka safe ako na lugar.

habol ang aming hininga nang kumalas si Ivan sa aking bibig. ipinatong nya ang kanyang noo sa noo ko. nakapikit siya, maya maya'y idinilat nya ang kanyang mata at sinalubong ang sa akin. nakipagtitigan ako sa kanya at punong puno ng kislap ang kanyang mga mata.

muli ay hinalikan nya ang labi ko- punong puno ng pagiingat na para bang takot na takot siyang masaktan ako sa paghalik nya. nang timigil siya ay kapwa ulit kaning hinihingal .

nang makabawi ay hinalikan nya ulit ako ngunit dampi lang.

" please let me stay. hayaan mo muna akong makasama ka kahit ngayong gabi lang." punong puno ng pagsusumamo ang mga mata nya. kaya naman hindi ko na napigilan ang tumango.

kitang kita ang kasiyahan sa mukha nya. niyakap nya ako ng mahigpit at umalis siya sa ibabaw ko at umayos ng higa sa gilid ko. iniunan nya ang ulo ko sa braso nya, at hinimas himas ang buhok ko.


" sa ngayon, makukuntento muna ako sa ganito" hinalikan nya ako sa labi mga dalawang segundo at umayos ulit ng higa.

" good night honey, sleep well dito lang ako" he said in deep and sweet voice. hindi ako nagsalita pero niyakap ko ang braso ko sa dibdib nya at pumikit.









bahala na.

REGRET OF A HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon