Chapter 29 :

9.5K 191 15
                                    


Janna

Isang lingo. Isang linggo na simula nang dumating sila mommy, at isang linggo na ring hindi nagpapakita sa akin si Ivan at isang linggo narin aking nagmumukmok dito sa loob ng kwarto ko.

Ganoon nalang ba yon Ivan? bakit bigla ka nalang umalis? bakit hindi mo manlang ako pinaglaban kila mommy at daddy? Pagkatapos ng lahat ganun nalang? Bigla ka nalang mawawala,nasaan na yung sinabi mo na magsisimula tayo?

Iyan ang pauulit ulit kong katanungan sa isip ko. Inaasahan kong babalikan nya ako. Pero isang linggo na pero wala pa rin siya  ni ha i ho wala manlang akong marinig mula sa kanya.kahit sa text manlang pero wala.

napalingon ako sa pintuan nang may kumatok at maya maya ay narinig ko na ang boses ni mommy.

"Janna? anak? The breakfast is ready."

hindi ako sumagot, nagtalungbong ako ng kumot dahil ayokong lumabas dahil may nagagalit ako sa ginawa nila noong isang linggo. Bakit hindi pa nila mapatawad si Ivan? ako nga napatawad ko siya e. I sighed . bakit hindi nila ako o kami maintindihan.

"anak? Janna?" medyo naiinis na ang tono ni mommy pero wala akong paki alam. Hindi ako lalabas sa kwartong to. hindi ko na narinig si mama siguro ay umalis na  I sighed. mabuti naman.

pero makalipas ang ilang minuto ay nagulat ako nang may mag alis sa kumot na nakatalukbong sa akin.

"Mom!" inis kong protesta sa pag alis nya sa kumot ko.

"My god Janna! nagkakaganyan ka nang dahil lang sa lalaki na yon?! "

" mom, asawa ko si Ivan.mahal ko siya at mahal nya ko!"

"baka nakakalimutan mo yung ginawa nya sayo at sa anak mo!"

"mom hindi ko nakakalimutan yon.pero pibatawad ko na sya."



"I can't believe you, nagpapakatanga ka na naman sa lalaking yon!"



"Mahal ako ni Ivan!" mariin kong sigaw kay mommy. sa totoo lang ay ngayon ko lang siya nasigawan ng ganito. Napa singhap siya. I know, nagulat siya at nasasaktan ako sa nangyayari ngayon.

I have been very obedient and sweet to them before at masakit para sakin na nag aaway kami ngsyon pero sobrang sakit lang din kasi na hindi nila magawang patawarin si Ivan.



" so... sinisigawan mo na ko?" mahinang sabi nya. Kitang kita ang sakit sa mga mata ni mommy.

"Mom..." itinaas nya ang kamay nya para pigilan ako sa paglapit sa kanya and I want to cry because of that.







" Tandaan mo to Janna.... hinding hindi namin matatanggap muli ng Daddy mo ang lalaking yon kaya kung pipiliin mo sya, kalimutan mo nang may mga magulang ka pa." and with that,she walk out from my room.




dahan dahan akong napahiga sa sobrang sakit nang naninikip kong dibdib.


kaya ko ba silang ipagpalit kay Ivan? mahal ko ang mga magulang ko pero mahal ko si Ivan at hindi ko na kaya kung mawawala siyang muli.





Pero nasaan siya?




sasaktan nya na naman ba ako? Iwawanan nya nanaman ako?





tama ba sila mommy?



lalo akong naiyak sa isipin na yun. nasaan ka na ba Ivan?


******* 

"Baby....

baby..."


naalimpungatan ako dahil sa mga kamay na humahaplos sa akin maging sa malamyos nitong tining. unti unti kong iminulat ang mga mata ko.



"I-Ivan?" nanagip lang ba ko?



"baby" naramdaman kong muli ang haplos nya sa mukha ko.

"Iva-------" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla nya na lamang akong sinunggaban ng halik.



Punong puno ang halik nya ng pangungulila. malalim at punong puno ng pagkasabik kaya hindi ko maiwasan ang tumugon sa kabila ng pagtatampo ko dahil sa hindi nya pagpapakita sa akin ng isang linggo.



nang kapusin na kami ng hininga ay tumigil siya at pinagdikit ang noo naming dalawa, marahan ko naman siyang inilayo sa akin.


"s-sila mommy... baka mahuli nila tayo.."  nag aalala kong sabi sa kanya.

"Don't worry baby, nagawan ko na nang paraan yan" naka ngiti nyang sabi tsaka muli akong hinalikan pero itinulak ko ulit siya nang maalala ang kasalanan nya.

"bakit ngayon ka lang nagpakita?" may hinanakit kong tanong sa kanya, unti unti namang nawala ang pagtataka nya noong itunulak ko siya at napalitan iyon ng pagkainis.


"tsk. e ang hirap lusutan ng mga bantay sa labas ng bahay nyo e. ilang beses na nila akong nahuli." nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi nya, at doon ko lang natitigan ang mga pasa sa gilid ng labi at mata nya. siguradong binugbog siya ng mga bantay sa labas.takot akong luminga sa pintuan dahil baka mahuli na naman siya.



"don't worry baby, hindi nila ako mahuhuli ngayon dahil kasama sila ni Alice sa wonder land" nanlaking lalo ang mga mata ko.







"pinatulog mo sila? p-pero papaanong..." siya na nga nagsabi diba? mahirap lusutan ang mga bantay sa labas.

"Yes pati ang parents mo."naka ngising sabi nya at literal yatang nanlaki ang mata ko sa sagot nya.

" tinulungan ako ni Marie" si marie, hindi pa kami nagkakausap na dalawa.


" mamaya ko na ipapaliwanag sayo let's go. Come with me" malalim ang titig nyang sabi sa akin na para bang tinatantsa ang magiging reaksyon ko.


"Come with me please... pinapangako ko sayo hinding hindi kita pababayaan, hindi na kita sasaktan...

please... lumayo tayo dito.. lymayi muna tayo please.."

lumayo? kaya ko bang suwayin at iwan sila mama? Pero mahal ko si Ivan at hindi ko kaya na mawala ulit sya.

huminga ako ng malalim, tinitigan ko siya sa kanyang mga mata at marahang tumango. napangiti siya at mariin akong hinalikan pero sandali lang.


"let's go" hinila nya ako patayo.
nagulat ako ng kinuha nya ang maleta ko..


"si Marie ulit" nakangisi nyang sagot sa mga tanong ko sana.hunila nya ulit ako pero noong malapit na kami sa pinto ay pinigilan ko siya.


kumuha ako ng papel at ballpen para sulatan ang mga magulang ko..


Mom,Dad,

Mahal na mahal ko po kayo. Sorry po sa pagsigaw ko sayo mom kaninang umaga. Mahal ko po kayo pero mahal ko rin po si Ivan sorry po... sasama po ako sa kanya dahil siya lang ang magpapasaya sa akin at wala ng iba kaya sana po maunawaan nyo po ako.. babalik lang po ako pag pinapatawad nyo na po siya.. mahal na mahal ko po kayo.

Janna


Pinunasan ko yung luha ko at humarap kay Ivan.











"let's go"

















REGRET OF A HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon