Simula

12.5K 161 2
                                    

A/N: Before niyo basahin 'to, unahin niyo ang STBH at HTAB✨

Amanda's POV

I  couldn't stop from frowning. Nakakainis, hindi ko maintindihan ang calculus, parang pinipiga ang utak ko kahit wala nang maibuga. Yes, kaya ko naman ang ibang mga subject, pero ito? Hindi talaga, never!

Napanguso ako habang pinaglalaruan ang ballpen ko sa ibabaw ng notebook kong puno ng notes pero hindi ko pa rin maintindihan. Napailing ako, kahit anong basa ko wala talaga!

"Miss Mariano, okay ka lang ba?" tanong ng Professor namin. Agad akong umayos ng upo at tipid na ngumiti sa kaniya. I nodded my head as my response. Napatingin din sa banda ko ang mga kaklase ko habang tinatawanan ako.

"Okay, Class! Get one half piece of paper!" sabi ni Professor. Bigla akong nataranta, wala akong maintindihan do'n tapos mapapa-quiz siya? Agaran akong kumuha ng papel, wala din naman akong maisasagot, nakakahiya, "By pair ito, magtutulungan lang kayong dalawa, magsasagot pa rin kayo sa kaniya-kaniyang papel," dagdag niya. Bigla akong nabunutan ng nakatarak na tinig sa dibdib ko. Nakahinga ako ng maluwag.

At least kung pareho kaming hindi marunong, may kasama akong magiging bokya. Ngumisi ako habang naghihintay ng kapares pero hanggang sa matapos ang lahat, ako lang 'yong wala.

"Walang partner si Miss Miranda," sambit niya at nagtingin-tingin sa buong klase na mayroon ng pares. Napakagat-labi ako. Nakakainis, bakit ako pa? Ang malas ko naman ata ngayon, "Tama naman ang nakasulat dito ah? Teka lang," ayon nga, kinakausap niya na ang sarili niya. Umikot ang mga mata ko.

"May magsi-sit in pala dapat ngayon, bakit wala siya?" tanong niya. She looked at the door.

Malay ko 'di ba? Hindi ko din alam na may sit in kami, eh. Humanda ka talaga sa 'king tao ka, nilagay mo pa ako sa alanganin. Humigpit ang hawak ko sa ballpen na nasa kamay ko. Nakakainis. Umiinit ang ulo.

"Okay, Class! This will be your homework, walang pares si Miss Miranda, Mr. Delos Santos is at the photography room." Ngumiti siya sa 'kin pero hindi ako gumanti. 'Wag niyang sasabihing hahanapin ko siya mamaya?

Naghiyawan ang mga kaklase ko habang ako ay naiinis sa upuan ko. Byernes pa namam ulit ang pasok namin.

"Miss Miranda, hanapin mo na lang siya doon, okay?" sabi niya. Tumango ako kahit labag sa loob ko. How can she be like that? Sa amin nga kahit konting late lang parang kikidlat na sa sigaw niya. Tapos ang lalaking 'yon, naging assignment ang dapat ay quiz namin. Grabi naman.

Alam niya naman na may klase siya, bakit hindi siya pumasok? Gano'n ba siya katalino?


This is the last year of my being college. Me and my circle of friends are in different room dahil magka-iba kami mg courses. This is an international school, I don't know why my parents wants me to be here, ang pangit naman dito. Good thing is...Pilipino lahat ng mga kaklase ko.

"Class, dismiss!"

Nagsitayuan na kaming lahat dala ang libro na kailangan naming dalhin palagi. Nasa baba kasi ng building ang locker kaya mapapagod ka lang kumuha habang nagmamadali dahil baka magalit ang mga Professor.

Ilang ulit akong bumuntong-hininga. Salamat naman at lunch time na. Mamaya ko na siguro pupuntahan ang ugok na 'yon.

Napatakip ako ng dalawang tenga matapos magtiliaan sina Georgia at Zion. I rolled my eyes when they clung their arms on mine.

DS #3: Billionaire's Love ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon