Kabanata 25

2.6K 78 5
                                        

"Who will be the next Ambassador and Ambassadress? Are you excited?" she asked raising her voice. Lahat ng tao humiyaw. Maganda naman kanina ang sagot namin ni Mathew. Akma naman sa tanong. Naaawa ako sa number 5 kasi hindi nakasagot ang ambassador niya.

I am wearing my nightgown. Standing with proper posture and poise. Gano'n din si Mathew. Minsan nagkakatinginan kaming dalawa.

"But before that, Addison School director will have his message to all of us. Please give him around of applause!"

Nakahinga ako ng maluwag. Nate-tense ako sa sobrang kaba. Pero alam ko naman na ginawa ko ang lahat. Sa tingin ko tama naman 'yon. Magaling din naman ang constestant galing sa school na 'to.

So, ayon nag-message siya. Bukas mag-aaward sa mga athletes. Merong talo nasa runner-up, merong ding nanalo kagaya ng basketball team.

Drum rolls. Kinakabahan ako. Napayukom ang kamay ko na nasa beywang ko. Ang lakas ng kabog ng puso ko.

"This first award is Best in Tribal attire! This award goes to..."

Napakagat-labi ako. I am confident na sa 'min mapupunta 'yon dahil maganda ang suot ko.

"Contestant number 3! Please step forward for the awarding!" she announced.

Napatakip ako ng bibig. Mathew hold my hand while we are walking. Napakaway ako sa lahat. I heard Georgia shouted my name. Natawa ako sa isip ko. Si Dean nagsuot sa 'min ng sash.

"You did great. I know na mananalo kayo," sabi niya. Nagpakuha siya ng litrato bago bumaba. Sobrang lawak ng ngiti ko. I am so happy. The best in talent goes to us too. Sobrang saya ni Dean habang naglalagay ng sash sa 'min. Sobrang dami niyang sinasabi. Ilang ulit din siyang pumalakpak.

"Wow, perfect match talaga tayo, Amanda," sabi ni Mathew sa 'kin. Napa-weh ako sa kaniya. He smiled at me. Magaling din siya kaya naging sobrang galing kaming dalawa.

Best in nightgown and suit goes to contestant number 5. She is wearing silver long gown, with slit from his hips. Sobrang sexy niya no wonder kung bakit siya nanalo. The man is wearing same color as him. Sobrang hot no'ng lalaki kasi wala siyang inner like Mathew. Kitang-kita ang abs nilang dalawa.

Ang best in question in answer goes to number 2 sa babae then guess what? Mathew got the men's question and answer. Pumalakpak ako habang nasa likuran niya. I cheered him. I saw him glanced at me so I waved my hand. So proud of him.

Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Mathew. Nagpapawis ang palad ko sa sobrang kaba. Sino kaya ang mananalo? I smiled genuinely. Hindi ako puweding magpaapekto. This is a pageant, your emotion should be happy and always happy. Keep smiling.

"This is what we are waiting for... Nandito na sa 'kin ang resulta ng komopetisyon!" sabi niya.

Drum rolls again. Napangiwi ako habang nakayuko. Kinakabahan talaga ako. My mom and dad are watching.

"4th runner-up, contestant number 5!" she declared. Nagpalakpakan kaming lahat. Lahat ng tao nakangiti sa kaniya. Pagkatapos niyang magsuot ng sash ay bumalik na sila sa puwesto.

Tumahimik ang lahat.

"3rd runner-up, no other than contestant...number...1!" napangiti ako dahil nagsasaya ang mga schoolmates ko. They are shouting loudly.

"SIS! SIS!" paulit-ulit nila 'yong sinisigaw. Mahina kaming tumatawa ni Mathew.

"They are crazy," he said. I agreed with him. Nangunguna diyan ang mga kaibigan ko.

Ang 2nd runner-up ay napunta sa contestant number 4. Kaya lalong umingay ang stadium. Lalo na ang mga taga dito. Of course gusto din nilang manalo ang manok nila which is 'yong number 2.

DS #3: Billionaire's Love ShotMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon