This is the first time that I am so excited attending calculus class. He's going to be my classmate in this class, natataranta na nga ang mga paa ko habang nakatingin sa pintuan. Medyo kinakabahan ako, sa huling pag-uusap naming dalawa hindi talaga maayos. Kahit never naman talagang naging maayos.
Napasandal ako sa likurang bahagi ng upuan ko. I am holding our homeworks. Sinulatan ko din siya gaya ng sinabi niya.
"Miss Mariano? Can you share your answer on the white board?" tanong niya. Inayos niya ang salamin at ngumiti sa 'kin. She's handing me the marker.
"Yes, Prof," I answered. Tumayo na ako mula sa upuan hawak-hawak ang kopya ko. I sighed heavily. Hindi yata siya papasok ngayon, I pouted my lips while writing.
After that, she explained it to our classmates. Syempre hindi ako nakikinig alam ko na 'yan kasi tinuro na sa 'kin ni Pierce ang lesson na 'yan. Speaking of which, pumasok si Pierce sa classroom namin. Hindi ko naririnig ang usapan nilang dalawa ni Prof pero nakita kong napangiti at nagkamot ng ulo si Pierce.
'Wag niya lang sabihing pati si Prof may gusto sa kaniya. Bigla naman akong napaayos ng upo ng bigla akong tawaging ni Prof.
"Miss Mariano, Mr. Delos Santos will sit beside you," she said, "Besides he's your partner," she added.
I gulped so hard. I stared at him. He's smirking, damn! Ang gwapo niya pa rin talaga, "Uhmm...yes, Prof! He will sit beside me," I answered. Pinaalis ko ang katabi kong lalaki para lumipat sa kabilang upuan. Binakante ko ito at itinuro, "Here!" aya ko sa kaniya habang tinuturo ang upuan.
Sobrang kaba ng dibdib ko habang naglalakad siya patungo sa 'kin. Hanggang ngayon hindi pa rin ako maka-move on sa mga mata niya. Marahas siyang umupo at hindi man lang bumati sa 'kin.
"Grabi naman 'to! Parang hindi tayo nagkasama, ah?" sambit ko sa kaniya. I tried to lower my voice, baka akalain nila gano'n kami ka close.
Sinubukan kong sipain ang sapatos niya pero nilayo niya lang ito. Suplado talaga nito.
"Alam mo, ang suplado mo," may diin kong bulong sa kaniya. Ang hirap niya namang kausapin, wala kasi talaga akong matanggap na tugon.
Bumuntong-hininga ako. Ganiyan yata talaga kapag gwapo at matalino. Oo na, matalino nga siya.
After the little discussion about the homework ay nagsimula na naman si Prof ng bagong lesson. Syempre kabagot. Minsan napapatingin ako sa katabi kong seryoso ang mukha habang nasa pisara ang tingin. Tsss... Kainis, suplado.
Iniwas ko ang tingin sa kaniya at nagsimula na lang ma magsulat. Mahigit dalawang oras ang lesson na 'yon at hindi ko alam kung ano ang mga 'yon. Napahilot ako mg sentido.
"Okay, get one fourth piece of a paper! Let see if you are listening to me," she said loudly. My eyes widened. Parang tumigil ang paghinga ko. Patay na naman ako.
Nagsimula na ang lahat magsagot ng isang tanong na 'yan. Ako hindi pa rin alam kong ano ang gagawin. Blangko ang papel ko. Nagsimula ng mamawis ng malamig ang kamay ko, at tumulo ang mga pawis sa noo ko.
Napalingon ako kay Pierce na ngayon ay nakaekis na ang mga kamay sa gitna ng kaniyang dibdib. Deretso lang ang tingin niya.
"Tapos ka na?" I asked. Bakit pa ba ako nagulat? Napairap ako. Sana kasing-talino niya rin ako sa math. Napayuko ako sa sarili kong desk. Wala akong sagot. Bokya ba? Tatanggapin ko na lang.
"5 minutes left!" our Prof shouted. Bigla naman akong nataranta sa kinauupuan ko. Napatingin ako sa notes na nasa notebook ko. Relax, Amanda. Kaya mo 'yan, focus lang.
BINABASA MO ANG
DS #3: Billionaire's Love Shot
RomantikWhen a Photographer fell in love with the person he dumped during their college years. Amanda came from States, the first thing she wants to do is to prove herself on the person who rejected her beauty years ago. He became a supermodel and wanted t...
