Kabanata 27

2.4K 75 15
                                    

Sabi ko sa kaniya sunduin niya ako, sinundo nga niya ako pero may driver siyang dala. Magkatabi kaming dalawa sa backseat. He is wearing his shades while sleeping. This man, siguro nakipag- late night talk kay Snow.

Bumuntong- hininga ako habang nakatungo. Nasa labas lang ang tingin ko. We have free vacation for one week. Maganda na rin 'yon, hindi man ako natuloy sa miami meron pa rin akong beach vacation.

2 hours pa ang byahe. My phone beeped. Agad kong kinuha itong kinuha. I turned it on. I saw Mira's message.

Siya:

The manager will wait for you there. The photoshoot will start tomorrow. You will know the owner of the beach resort and his family and you will have lunch together.

Good luck. Call me when you need something.

I texted him okay instead of asking much. I don't wanna keep this conversation longer. I don't like long texts. O, sobrang tamad ko lang talaga mag-reply.

I heard Mathew snored. Napairap ako. Ang ingay talaga nito matulog. Nakakainis.

I decided to wear my neck pillow and close my eyes. I crossed my arms. Hanggang sa lumalim na ang paghinga ko at nahulog sa pagkakatulog.

I was in a deep sleep when someone is shaking me. Kakaidlip ko pa nga lang ginigising na ako.

"Wake up, Amanda," he said while shaking me. Kumunot ang noo ko.

"Ano ba?! Kakatulog ko pa nga lang ginigising na ako!" sigaw ko sa kaniya. Muntikan nang magsabong ang mga kilay ko sa inis.

His eyes widened. Dahan-dahan siyang nagtakip ng bibig, "Damn, kanina ka pa natutulog, Amanda!" sambit niya, "Actually, we are already here." Nagkibit- balikat siya at tumingin sa labas.

Napaayos ako ng upo at inikot ang paningin ko. And thew I saw where we are right now. Nakikita ko mula dito sa loob ng kotse ang Sienna's beach resort. The wall with the owner's name. Bigla naman akong nahiya sa inasal ko.

I bite my lips. I looked down, "Akala ko kasi sandali lang akong nakatulog, e," mahina kong tugon.

Mahina siyang tumawa kaya napatingin ako sa kaniya, maagap siya para maging seryoso ulit. Kitang- kita ko 'yon.

Tumiim ang bagang ko. Tinapon ko sa kaniya ang neck pillow na suot ko. Doon na siya humalakhak ng malakas. Tumunog ito sa loob ng kotse, kahit na ang driver niya sa napatingin sa 'min.

"Bwes*t ka, Mathew! Ewan ko na lang talaga sa 'yo," malakas kong sambit. Hindi pa ako nakuntento at pinalo ko siya sa braso niya. Sinangga naman niya ito habang tumatawa.

"Stop! Stop it, Amanda! Ikaw talaga napakamainitin ng ulo mo! Ganiyan ba talaga kapag walang boyfriend?" natatawa niyang tanong habang hawak ang dalawa kong pulsuhan.

Naiinis akong tinulak siya, "No, of course not! Kahit na meron at wala ganito naman talaga ako," sagot ko sa kaniya. I rolled my eyes, "Let me go!" I shouted. Mahigpit niya kasing hinawahawakan ang kamay ko.

"Ipangako mo muna na kapag binitawan kita hindi mo ako kukurutin." Ngumisi siya habang nakataas ang kamay. Pilit ko pa rin siyang inaabot. Kung iisipin mo para kaming mga bata na hindi magpapatalo sa isa't-isa.

Ngumiti ako ng matamis at dahan-dahang tumango, "Oo na, I promise." Pagsang-ayon ko sa kaniya.

Bumagon siya sa pagkakahiga. Napaupo na rin ako sa upuan ko. Ngumisi siya at nakangiti din ako. Dahan-dahan niyang binaba ang mga kamay ko. Pagbitaw niya sa 'kin ay agad ko siyang kinurot sa braso. Napadaing siya sabay tawa.

"You promised!" he exclaimed while laughing.

"But you are annoying me."

I was holding Mathew's arm while walking. We are both wearing shades dahil sobrang init. Pinakuha na rin namin ang mga bagahe namin. Nakasunod lang kami sa manager nitong resort. Naghihintay na raw sa restaurant ang owner nitong resort.

DS #3: Billionaire's Love ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon