Kabanata 14

2.1K 69 7
                                    

I groaned while holding Piercian's arm. Ang bigat niya. Hindi ko yata kayang dalhin siya hanggang sa kotse ko. I glanced at Miko, maayos naman siya pero si Georgia and Zion, they are really drunk.

"Miko, can you do me a favor? Please drive them home," I said, pleading. Hindi ko na sila mahahatid pa kasi magkaiba ang mga daan namin.

"Yes, ako na ang bahala sa kanila. I'll take of them including this man. Hey! Wake up!" he shouted. Napatakip ako ng bibig, pigil ang tawa ko. Tatlong tao ang iuuwi niya.

"Aalis na ako, medyo mabigat kasi si Pierce. Salamat ah?" sambit ko.

"Hmmm..." Si Pierce.

"Mag-ingat kayo. Pierce is so drunk," he said. Tumango ako. Mabuti na lang at hindi pa kami lasing.

"Bye, let's go, Pierce. Sabi ko naman sa 'yo 'wag mong tanggapin 'yon, eh," bulong ko. Nilagay ko sa balikat ko ang braso niya. I pulled his waist close to me. Nakasandal na ang ulo niya sa ulo ko, "Damn it, Piercian! Ang bigat mo!" sigaw ko.

Hindi na gano'n kadami ang tao sa labas pero madami pa rin ang nagpaparty sa dancefloor. Bumaba kami sa hagdan. Mukhang hindi na talaga niya kayang maglakad. His knees are shaking.

"Amanda..." He called my name. He mumbled.

"I am here, iuuwi na kita!" sabi ko. Napatingin ang ibang umiinom sa 'min. Napakagat-labi ako. He hugged my neck tightly. Parang nagyayakapan kami habang naglalakad, my both arm are wrapped around his waist. I sighed.

"A...manda,"

"Ano ba?! Andito nga ako," tugon ko. I rolled my eyes. Uminom-inom hindi naman pala kaya.

Pagdating namin sa pinto ng club ay huminto ako. Nagpunas ako ng noo. Pinagpawisan ako kakadala sa kaniya. Habol ang hininga kong tinawag ang isang bouncer. Lumapit naman kaagad siya sa 'kin.

"Yes, ma'am, may problema ba?" tanong niya. Ang laki ng katawan niya, malaki pa ata sa 'min.

"Kuya, can you help me with him? Ang bigat po kasi niya," sabi ko. Baka puwedi naman niya akong tulungan. Mas magiging matagal kaming dalawa kung ako ang magdadala sa kaniya.

"Wala pong problema, ma'am. Saan po ba kayo?" tanong niya.

"Sa parking lot lang po, kuya." Tumango siya sa 'kin. Dahan-dahan niyang kinuha ang braso ni Pierce sa leeg ko. Nakahinga naman ako ng maluwag. Pero nanlaki ang mga mata ko ng ginawa niya kay kuyang bouncer ang ginawa niya sa 'kin. Niyakap niya ito sa leeg.

"Lumaki ka ata, Amanda," he whispered and I heard it clearly. Napakagat ako ng mga daliri ko dahil sa hiya.

"Kuya, sorry po. Lasing lang siya."

Mahinang tumawa si kuya at nagsimula na kaming maglakad. Pinagbuksan ko sila ng pinto. Parang wala lang sa bouncer 'yon.

"You smells different, Amanda," he mumbled. I pressed my lips together. Pigil ang tawa ko. Alam niya na ang amoy ko? Is he smelling me? "This is not you, you are sweet. Where is Amanda?!" he shouted. Umangat ang tingin niya. Nagpupumiglas siya mabuti na lang at malakas si kuya.

"Kuya, malapit na po tayo," sambit ko. Patingin-tingin ako kay Pierce. Patay tayo, ano sasabihin ko mamaya sa parents niya?

"Amanda, someone took me away from you! I am telling you, Amanda will get mad at you!" he pointed him. Mahina aking tumawa. Magagalit talaga ako but he is helping us, Pierce.

"Sir, kumalma lang po kayo. Lasing lang po kayo," sabi ni kuya. Napailing na lang ako. Ganito yata siya malasing.

"Yes, I am drunk and you are taking advantage of me!" he shouted. I groaned, itong lalaking 'to. Mahihiya siya kapag nalaman kung ano ang pinagsasabi niya ngayong gabi, "Amanda is a fighter, sir...she doesn't want me to be stolen." Napairap ako.

DS #3: Billionaire's Love ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon