Sa unang gabing stay naming dalawa ay hindi ako nakatulog ng maayos.
Maaga akong nagising para maglakad-lakad. The last time I saw was 5 AM. Madilim pa siya. I am wearing a robe to ease the coldness of the morning.
Ano ba 'tong nararamdaman ko? I should be mad. Dapat magalit ako sa kaniya pero bakit ganito?
Napaupo ako sa pinong buhangin malapit sa dalampasigan. Pinatong ko ang ulo ko sa itaas ng tuhod ko habang niyayakap ang sarili. Hindi siya mawala sa isip ko. Gusto kong mawala siya sa isip ko.
Rinig na rinig ko ang malakas na agos ng tubig. Ang lakas ng alon. I should be happy kasi may bagong opportunity, pero bakit gusto kong bitawan 'to?
My manager won't let me. Gusto ko sanang umatras, dump this endorsement and go back home. Nandito na raw bakit ko pa aatrasan. Bakit nga ba? Because of him.
"Why are you here this early? Mamaya pa ang photoshoot mo," someone asked me from my back. Tono pa lang ng pananalita niya ay alam ko na kung sino. Hindi ko na kaialangang tingnan para makasigurado dahil kilalang-kilala ko siya.
"You don't care. I am having my self meditation," I answered him hard as rock.
"As far as I know meditation is not like that. Go back to your room it's cold," he told me with a commanding tone.
"Sino ka ba para utusan ako?" mapakla akong ngumiti, "Kung sa tingin mapapaikot mo ako ngayon, hindi mo magagawa 'yon," ani ko. Nakayukom ang kamao ko. My jaw clenched. If only I can punch him, I will.
"Amanda, this is not about that. I want you to go back to your room because it's cold. Hindi dahil pinapasunod kita sa 'kin o hindi!" lumakas ang boses niya habang nagpapaliwanag. Sarado ang isip ko sa gano'n. I won't accept that.
"Bumalik ka na lang sa pamilya mo. 'Wag mong isipin na magkaibigan tayong dalawa dahil hindi, hinding-hindi," usal ko. I smirked. This is not the work I imagined.
Amanda, this is your turn. Let him realize that dumping you years was the wrong decision.
"Pamilya? What are you talking about?"
Padabog akong tumayo mula sa buhanginan. Nagsiliparan ang mga buhok ko dahil sa hangin na nagmula sa karagatan. He is wearing his white shirt and pajamas. Magulo ang buhok niya.
"Nagpunta ako dito para magtrabaho. Don't ever think na magiging maganda ang pagtrato ko sa 'yo. Loser." I put my fingers in my head with a L sign. I rolled my eyes before walking away. This is a revenge, Piercian.
I will prove to you that this is not the Amanda who loves you so much, follows you like a tail, and who will swallow her pride just for you.
Pagpasok ko sa kwarto ay agad ko itong sinara. Napasandal ako sa likod ng pintuan habang hawak ang dibdib ko. Nagkagat-labi ako dahil sa unti-unting pagusbong ng kirot mula sa dibdib ko.
Akala ko okay na ako. Akala ko naka- move on na ako. Parang nawalan ako ng lakas para tumayo ulit. Napaupo ako sa sahig at nagtakip ng mukha ng nagsimulang mangilid ang mga luha ko.
Sobrang saya niya samantalang ako hindi pa rin makakita ng tamang tao. May pamilya na siya at ako, eto single pa rin. Bakit ba kasi hindi ko mapagbigyan ang sarili ko?
Napahikbi ako. Lumandas ang mga luha kong kanina pa pinipigilan. Para akong batang nangangailangan ng aruga.
Huminga ako ng malalim at inangat ang tingin. I saw Mathew standing in front of me with a weird face. Nakatingin lang siya sa 'kin habang umiiyak. Lalo lang humapdi ang dibdib ko. Nagpunas ako ng luha pero meron na namang bagong lumandas. Kailan ba 'to mauubos?
![](https://img.wattpad.com/cover/278294928-288-k879135.jpg)
BINABASA MO ANG
DS #3: Billionaire's Love Shot
RomanceWhen a Photographer fell in love with the person he dumped during their college years. Amanda came from States, the first thing she wants to do is to prove herself on the person who rejected her beauty years ago. He became a supermodel and wanted t...