I waited for him here in the parking lot. Nag-text kasi siya sa 'kin na papunta na siya. I bought him chocolates with ribbon on it. I was smiling from time to time. I feel so excited to see him.
Tumayo ako ng maayos nang makita ko ang kotse niya. I waved my hand from side to side. Pumarada siya sa tabi ng kotse ko.
"Hi good morning," I greeted him.
Lumabas siya sa kotse niya. Kinuha ko na rin ang bag ko at chocolate na ibibigay sa kaniya. I locked my door.
"Kanina ka pa?" tanong niya. Sinuot niya ang camera sa leeg niya. Inayos niya rin ang collar ng polo shirt na suot niya.
"Hindi naman gano'n, 15 minutes ago," sagot ko. My forehead creased. Kanina pa siya nakatingin sa windshield niya at inaayos ang sarili. Hindi naman siya ganiyan, "May pinopormahan ka ba?" hindi ko napigilan ang sariling itanong sa kaniya.
"You should have get inside, Amanda. You don't need to wait for me," he said in serious tone. Hindi man lang niya sinagot ang tanong ko. Umirap ako.
"Gusto ko, e!" tumaas ang boses ko. Agad siyang napalingon sa 'kin. My brows knitted.
"Calm down, why are you yelling?" he asked, nakakunot na rin ang noo niya na parang hindi ako naiintindihan.
"Bakit hindi mo sinasagot ang tanong ko?" tanong ko na may paghahamon sa boses. Nawala ang ekspresyon sa mukha niya. Umayos siya ng tayo.
"What question?"
Nagmamaang-maangan ba siya? Ano ba ang problema niya? Napapadyak ako sa sahig sa sobrang inis. Tumunog ang takong ko.
"May pinopormahan ka ba? Sagotin mo naman!" tugon ko. I can feel that my face heated. Siguro dahil sa init ng ulo.
"Wala, ano ba ang pinagsasabi mo?"
I smirked, "Don't deny it! Kung makatingin ka sa salamin parang walang bukas, maayos naman ang buhok mo, 'yang damit mo!" halos mapugto ang hininga ko. Parang mag-eeskandalo na ako dito sa parking. Wala naman masyadong tao.
I crossed my arms, sayang naman ang chocolate na 'to!
Napasinghap siya. He stared at me, "Hindi na ba ako puweding mag-ayos?" tanong niya. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa 'kin. I even step back.
"P-Puwedi naman," nauutal kong sagot. Huminto siya sabay hawak sa bag ko. Ha? Nagtaas ako ng kilay habang nakatingin dito.
"Ako na ang magdadala ng bag mo," pagpresenta siya. Hinila ko ito pabalik. My bag is a handbag, this is too girly.
"It's girly, Pierce," sagot ko sa kaniya.
"E, ano naman ngayon? That doesn't change the fact na gusto ko na ako ang magdala ng bag mo, Amanda. Give me that," he hardly said. May bag din naman siya, backpack naman 'yong sa kaniya.
Nag-aalangan ako sa sinabi niya. Nagkagat-labi ako.
"Sige na nga, sa 'yo na," tugon ko. Itinulak ko ito sa kaniya. Ngumiti siya sa 'kin. Hindi niya naman kailangang gawin 'yon.
"Ibibigay mo rin naman pala. Let's go, baka ma-late ka."
Ano ba ang meron? 'Tong lalaking 'to, hindi ko maintindihan. Ibang-iba ang kinikilos.
Nagsimula na kaming maglakad. Nakatingin lang ako sa kaniya at pinagmamasdan siya. He's different now.
"Wait, huminto ka," utos ko. He stopped. Inabot ko ang zipper ng bag niya. Binuksan ko ito, "I bought chocolate for you. Dito ko na lang ilalagay," sabi ko sa kaniya.
![](https://img.wattpad.com/cover/278294928-288-k879135.jpg)
BINABASA MO ANG
DS #3: Billionaire's Love Shot
RomanceWhen a Photographer fell in love with the person he dumped during their college years. Amanda came from States, the first thing she wants to do is to prove herself on the person who rejected her beauty years ago. He became a supermodel and wanted t...