"What happened, Pierce? Did you just failed for her safety?!" his brother raised his voice. The last time I saw him was 5 years ago, sa pastry shop sa hotel. Sobrang gwapo pa rin niya. Alam mo 'yon parang korean ang dating niya.
Nasa balikat ko ang braso ni Mathew dahil kanina niya pa ako pinapakalma. Ang totoo nanginginig ako kanina sa kaba. I am now wearing a maroon polo from Pierce.
"I'm sorry, Kuya. I thought wala naman makakakilala sa kaniya dito," he answered using his low voice. Strikto nga talaga siguro siya. Napakagat- labi ko. Kahit ang mga kaibigan niya naghalumbaba.
"Anong walang makakilala? She is famous in New York, at sa tingin mo dito hindi?!" sigaw niya. Nangingiti ang mga mata niya sa galit. Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Sierra at ang anak niya. Tipid itong ngumiti sa 'kin. Siguro nahihiya siya sa nangyari.
"Dada!" the kid exclaimed while running towards Phyton. Yes, his name is Phyton. Ngayon ko lang din nalaman. Lumambot ang mukha niya matapos lumingon sa bata. Ano bang meron sa batang 'yan?
"Love, 'wag mo nang pagalitan si Pierce. Lahat naman tayo hindi inaasahang mangyari 'to. Let it slide," sabi ni Sierra. She wrapped her hands over his arms while Phyton is carrying Sienna.
Napatakip ako ng bibig. My eyes widened in shock. Tama ba ang pagkakarinig ko. Me and Mathew stared at each other.
Nagpahinga muna kami sa kwarto namin. Pahuhupain pa ang mga tao sa labas. Ang iba kasi naghihintay lang sa 'kin sa gilid. While laying my head in Mathew's legs he is caressing my hair.
"You mean hindi 'yon asawa at anak ni Pierce kung 'di sa kapatid niyang si Phyton?" kuryoso niyang tanong. Maharan akong tumango.
"Oo, narinig mo naman 'yon, 'di ba? Tinawag ni Sienna si Phyton na 'dada' at tinawag din siya ni Sierra na 'love," sabi ko. Nagkamot ako ng ulo dahil miski ako naguguluhan din.
He deeply sighed, "So, hindi talaga sila mag-asawa? E, ano naman ngayon?"
Inirapan ko siya, "Wala naman. Nasabi ko lang, ang OA mo," sambit ko.
Mahina siyang tumawa, "Magdidiwang na 'yan...yiee," pagbibiro niya sa 'kin. Napangiti ako pero nangunguna ang inis ko kaya kinurot ko siya. Malakas siyang napadaing sabay tawa, "Happy kana niyan? Single pa rin ang hinabol mo," dagdag pa niya. Hinayaan ko siya do'n.
"I promise myself not to do that again, Mathew." I played my fingers so I could calm myself.
"Talaga lang ah? Paano kung manligaw siya sa 'yo?" tanong niya.
Someone knocked the door. Nagkatinginan kaming dalawa kung sino ang bubukas.
"Buksan mo," sabi ko.
"Ayoko nga. Bukas 'yan!" sigaw niya. Ang tamad talaga nito. Ako din tamad din ako. Siguro kung nasa Miami ako nagre-relax na ako ngayon. Kinuha ko ang kamay ni Mathew at tiningnan kung malinis ang kuko niya. Lagi ko kasi itong nililinisan.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto, baka pagkain lang. I used my nails to take out the dirt inside his nails. Hindi marunog maglinis ng kuko.
"O, Pierce, do you need something?" Mathew asked.
Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. Si Pierce 'yong pumasok. Napatingin ako sa gawi ng pinto. I saw him looking at me while still holding the doorknob.
"I just want to say sorry about earlier. Hindi ko sinasadya 'yon," sabi niya. Wala naman na sa 'kin 'yon. Lagi naman kasi akong pinagkakaguluhan sa NY.
"Sanay na si Amanda do'n, Pierce. 'Wag ka ng mag-alala sa kaniya, babantayan ko rin naman siya," sagot nito. I rolled my eyes. Ang plastic nito. Kanina lang pinag-uusapan namin siya, e. Pabibo.
BINABASA MO ANG
DS #3: Billionaire's Love Shot
RomanceWhen a Photographer fell in love with the person he dumped during their college years. Amanda came from States, the first thing she wants to do is to prove herself on the person who rejected her beauty years ago. He became a supermodel and wanted t...