I felt like someone is shaking me. Ang lalim-lalim ng tulog ko. Parang akong tinatawag. But I realized something that we are going to the hotel, doon ko napagtanto na nakatulog pala ako sa bus.
"Amanda, tayo na lang ang natira sa bus. Wake up," he said while shaking my shoulder. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. I roamed my eyes and saw his handsome face, "Oh, thank you for opening your eyes." Maayos akong umupo. Marahan kong kinusot ang mga mata ko.
"Nandito na tayo?" tanong ko sa kaniya. Umiling siya at tumawa, "What? Seriously? Hindi ba sinabi mo tayo na lang ang hindi nakakababa?" sinamaan ko siya ng tingin. I wandered my eyes. Na-stock lang pala kami sa traffic.
Nagtakip siya ng bibig para pigilan ang pagtawa niya. I rolled my eyes. Magtataray na sana ako nang bigla akong humikab.
"Malapit na kasi tayo. Mrs. Martin reminded us," sambit niya. Hinila niya ako papalapit sa kaniya hanggang sa bumalik ako sa pagkakasandal. Pigil naman ang ngiti ko.
"Anong ginawa mo habang natutulog ako?" tanong ko sa kaniya. Masyado akong nae-enjoy ang puwesto ko sa gitna ng braso niya.
"Tinitingnan ka at pinunasan ko ang laway ma muntikan ng mahulog mula sa bibig mo," tugon niya. Agad akong napatingin sa kaniya. My brows knitted. Hinawakan ko ang labi pero parang wala namang bahid ng laway.
"Nagbibiro ka lang 'di ba?" naiinis kong tanong. Tanging seryosong mukha lang naman ang nakikita ko sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang paniniwalaan ko. Biglang uminit ang pisngi ko dahil sa hiya.
"I'm serious, you slept very deep. Hindi mo na namalayan," saad niya. Tipid siyang ngumiti sa 'kin.
Nag-iwas ako ng tingin, "Totoo?!" asik ko. Bigla siyang nagpakawala ng malakas na tawa, "Stop joking! Nakakainis ka!" pinalo ko ang braso niya sa sobrang gigil. Kulang na lang magsabongan ang dalawa kong kilay sa inis. Hindi pa ako nakuntento. Kinurot ko siya sa tagiliran.
Ngumiwi siya habang nakangiti. Hindi niya man lang ako pinigilan, "Hindi nga! Sorry na, biro ko lang naman 'yon. Ang ganda mo kapag natutulog." He still laughing pero natigilan ako sa huli niyang sinabi. Ang kaninang kahihiyan ay napalitan ng pagngiti.
"Nakakainis ka!" nagtago kaagad ako sa ilalim ng braso niya. Sobrang init ng pisngi ko. I bite my lips to stop smiling.
He chuckled, "Someone is fluttered again. But, serious speaking...you are beautiful, Amanda," he said with sincerity through his voice. He caressed my back. I pressed my lips together, sobrang pigil ko sa pagkurba ng mga labi ko.
Nadaanan namin ang school kung saan gaganapin ang interschool. Nakapunta na ako doon ng isang beses dahil sana ay doon ako mag-aaral but my mom insisted na hindi dahil malayo nga.
Huminto kami sa harapan ng hotel. Ang taas nito, dito kami lahat mamamalagi. We have budget for this. Bumaba na ang lahat kasama kami. Our baggages are on the other bus.
Nakahawak ako sa braso ni Pierce.
"Mauna ka na, I'll take a picture of them, Amanda," sabi niya sa 'kin. Tumango ako sa kaniya. Biglang sumulpot sa tabi ko si Mathew. Tinaasan niya ako ng kilay habang nakangiti.
"Sasabay ka? We are on the same suite," sabi niya. Hinila niya ang luggage ko patungo sa kaniya, "Sa 'yo 'to? Ako na ang magdadala." Tumango ako sa kaniya. Paglingon ko ay wala na si Pierce sa tabi ko.
"Tara na. Dalhin mo ah?" tugon ko. Matamis siyang ngumiti. Magkasama kaming naglakad kasama ang maghahatid sa 'min na professor. Hindi ko siya kilala pero masyado siyang malamya para maging isang lalaki, "Dalawa lang tayo?" tanong ko. Nilibot ko ang tingin. Wala talaga kaming kasama habang naglalakad. Iba-iba kasi ang grupo.
BINABASA MO ANG
DS #3: Billionaire's Love Shot
RomanceWhen a Photographer fell in love with the person he dumped during their college years. Amanda came from States, the first thing she wants to do is to prove herself on the person who rejected her beauty years ago. He became a supermodel and wanted t...
