Kabanata 5

2.9K 83 0
                                    

Hindi nga ako nagkamali. Naglasing nga talaga silang dalawa. Tama pa ba 'yong makipag-date sa club? Tsss... Party girls.

Nahagip ng mga mata ko ang matangkad na lalaking agaw tingin na naglalakad mag-isa sa gitna ng field, for sure dederetso na naman 'yan sa photography room. Tumigil ako sa paglalakad para hintayin siya. Maraming mga babae ang mga babaeng napapadalawang tingin sa kaniya. Attractive masyado, eh.

Nagtama ang tingin naming dalawa kasabay no'n ang pagkatisod niya. Muntikan na siyang madapa. Napatakip ako ng bibig at pinipigilang tumawa.

Kitang-kita ko na naman ang mga matatalim niya titig. Dinaanan niya lang ako. Snober talaga nito. Sumunod ako sa kaniya.

"Na star struck ka 'no?" pagbibiro ko sa kaniya, "Masyado ba akong maganda ngayon?" tanong ko sa kaniya. I am wearing my tight skirt paired with tube and my leather jacket.

"Tss...you will never be, 'wag ka ng umasa," sabi niya at binilisan ang lakad. Mahina na lang akong tumawa at huminto sa tapad ng elevator. Meron pa akong pasok ngayon.

Sunod-sunod ang mga araw na lagi ko siyang kinukulit. Gano'n na lang ang pag-iwas niya. Hindi mawala sa mukha niya ang irap at busangot kapag nakikita ako.

"Hi, seatmate. Ang gwapo mo ata ngayon, ah?" bati ko sa kaniya. Sobrang lawak ng mga ngiti ko dahil sa nagsisimula na naman siyang mainis.

"Next time i'll not help you with this, Amanda. Makinig ka sa Prof natin," sabi niya. Sumandal siya sa likurang bahagi ng upuan. Napalabi ako.

"Hindi nga ako marunong, eh," sagot ko sa kaniya. Nakakahiya man aminin pero nasa sampong porsyento lang ang naiintindihan ko magmula ng magsimula itong subject namin.

"Because you're not listening. You're closing your brain when you think it's boring and you can't understand," he said. Nafu-frustrate na rin siya sa 'kin. Nakakapasa naman ako sa mga math subjects namin noon pero itong calculus na 'to kinukuha pati ang dugo sa utak ko.

"Hindi ko kasi naiintindihan, ano ba? Tigas mo rin, eh." I rolled my eyes and put my hands over my jaw. Napatingin ako sa white board, sana naman walang surprise quiz mamaya.

"You're stupid," he whispered. Bibig mo puro stupid.

"You're stupid too."

Nakarinig ako ng mahinang pagtawa mula sa kaniya kaya napakunot ang noo ko. Unti-unti akong bumaling sa kaniya pero nagkakamot siya ng pisngi.

"Akala ko tumawa ka, nababaliw na ata ako...sa'yo," sabi ko. Magkasabay kong tinaas-baba ang aking mga kilay. Doon ko nakita kung paano namula ang tenga niya.

Nanlaki ang mga mata ko, "Namumula ang tenga mo!" sabi ko habang tinuturo ito.

Agad niya itong tinakpan.

"Uyy...kinilig ka do'n?" marahan kong sinundot ang tagiliran niya. He tried to grab my fingers pero agad ko itong binawa. Pigil ang tawa ko dahil sa reaksyon na 'yon, "Ayaw pang aminin, sus! Ako lang 'to, Pierce," sabi ko sabay turo ng sarili ko. He shook his head.

"Stop it, it's not funny. Your face is funny," sabi niya gamit ang walang gana niyang boses.

Napalabi ako, "KJ mo talaga. Pero at least...alam ko kung kinikilig ka o hindi." Napapalakpak ako habang matagumpay na ngumingiti. This man is really something.

The next day pinatawag kaming dalawa ni Mathew para tingnan ang mga pictures naming dalawa. Ita-try ko din daw ang tribal attire na hinanda para sa 'kin. Sabi nila kulay pula daw ito at mabigat. Kaya ko naman atang dalhin.

Kumatok ako sa pinto ng ilang beses at hindi na naghintay para pagbuksan ako. I was hugging my books dahil galing akong klase. Pagpasok ko ay bumungad sa 'kin ang gwapong lalaking nakaupo sa gilid hawak-hawak ang camera niya.

DS #3: Billionaire's Love ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon