Kabanata 16

2.2K 72 10
                                    

Ako:

Male-late ako. Nasira kasi ang kotse ko.

Text ko sa kaniya. Ang aga-aga nasira siya. I don't know why. Maayos naman 'to kahapon. Siguro 2nd period na ako makakapasok. Umupo ako sa sala habang hinihintay matapos ang ginagawa ng mekaniko sa kotse ko.

Nauna na kasi sina mom at dad sa 'kin kaya hindi ako nakasabay.

Pierce:

Susunduin na lang kita. Give me your address.

Umayos ako ng upo. Lumiwanag ang mukha ko na kanina lang ay nakabusangot. Susunduin niya ako! Agad naman akong nagtipa ng address kung nasaan ang bahay namin. Sa sobrang laki ng ngiti ko habang hinihintay siya sa tapat ng gate namin ay hindi ko na napansin na tinatawag na pala ako ng taong nag-ayos ng kotse ko sa garahe.

"Bakit po, kuya?" tanong ko sa kaniya. Pumasok muna ako.

"Naayos na po ang kotse niyo, ma'am,"  sabi niya habang nagliligpit ng mga gamit niya. Napanguso ako. Susunduin pa naman ako ni Pierce.

"Sige, kuya. Iwan niyo na lang po diyan," sambit ko. Tumango naman siya bilang tugon. Napalingon ako sa gate matapos marinig ang sunod-sunod na busina ng kotse. Si Pierce na 'yon, "Salamat po."

Dali-dali na akong naglakad palabas. Nakasuot pa naman ako ng takong. Napangiti ako ng makita siyang binababa ang windshield ng kotse niya.

Kumaway ako bago kinuha ng duffel bag ko. Kailangan ko 'to lagi. Lalo't may practice ako mamaya. Binuksan ko ang backseat niya saka nilagay ang dala ko. Bumalik ako sa front seat.

"Hi," bati ko sa kaniya.

"Morning, how was your car?" tanong niya habang nakatingin sa salamin. Inaayos na naman niya ang buhok niya. Napapuot ako.

"Hindi pa naaayos," pagdadahilan ko kahit ang totoo ay naayos naman na.

"Ano daw ang sira?"

"Bakit ayos ka nang ayos diyan sa buhok mo? Nakakainis ka na tingnan!" asik ko. Halos mapugto ang mga ugat ko sa leeg sa sigaw ko sa kaniya. I gritted my teeth.

Gulat na gulat siyang tumingin sa 'kin. His forehead furrowed. Dahan-dahan niyang binaba ang mga palad. Napahawak ako sa noo ko dahil sa inis.

"Magulo ang buhok ko," mahinahon niyang tugon.

Padabog kong sinuot ang seatbelt sa katawan ko, "Sige na, umandar ka na. Baka lalo tayong ma-late niyan," mataray kong sambit. Pilit kong pinapakalma amg sarili. May iba ba siyang nagugustuhan na hindi ko alam?

Sa sobrang dami ba naman kasi ng nagkakagusto sa kaniya siguro may magaganda do'n. 'Yan ang laman ng isip ko habang bumabyahe kami. Hindi ko magawang umimik. I rolled my eyes. Nakakainis.

Pagdating sa school ay agad na akong bumaba, "Kukunin ko na lang mamaya ang bag ko after class," sabi ko at nagsimula nang maglakad. Narinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko pero hindi ko na 'yon pinansin. Nawala na ako sa mood. Nabu-bwesit ako sa kaniya.

Nagmadali akong maglakad. Biglang nag-ring ang bell hudyat na magsisimula na ang klase.

Napahinto ako nang may humawak sa pulsuhan ko. He pulled me back.

"Why are you so mad? Just because of my damn hair? Come on, Amanda! Face me!" he hardly said. Para kaming mag-jowa na nagbabangayan. Pero para lang sa buhok naging big deal sa 'kin 'yon. Bumuntong-hininga ako at humarap sa kaniya. I faced him.

"I'm sorry," I said in soft tone. I don't wanna be rude on him. He started messing his hair. I bite my lips.

"Is this alright?" seryoso niyang tanong sa 'kin. Alam kong alam niya na late na kaming dalawa pero napangiti ako sa ginawa niya. Ang totoo natawa ako. Nahihiya kong tinakpan ang bibig ko habang tumatawa.

DS #3: Billionaire's Love ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon