Kabanata 32

2.8K 84 11
                                    

"Sasama na lang ako pauwi sa 'yo, Mathew, sige na," pamimilit ko sa kaniya. Kasalukuyan siyang naglalagay ng bagahe sa kotse niya.

Huminga siya ng malalim at hinarap ako, "Amanda, hindi sa lahat ng oras dapat magkatabi tayo o magkasama. Mag- enjoy ka dito, sayang ang tatlong araw," sabi niya. Binigyan niya ako ng tipid na ngiti at ginulo ang buhok ko.

Tama siya. Hindi ko siya dapat sinasama kung saan dahil may girlfriend siya. Pero naiintindihan naman 'yon ni Snow at alam niyang magkaibigan kaming dalawa.

I pouted my lips, "E, kasi andito si Pierce. Guguluhin niya lang ako dito," sagot ko sa kaniya. Pinagsaklop ko ang sarili kong mga kamay.

Pagkatapos niyang isara ang compartment ng kotse niya ay sumandal siya dito. Pinasok niya ang mga kamay sa daliri niya.

"Amanda, ano ba kasi ang kinatatakot mo?" mahinahon niyang tanong. Bumuntong-hinga ako saka umiling. Kinuha niya ang kamay ko at mahigpit itong hinawakan, "Natatakot ka bang aminin sa sarili mo na hanggang ngayon may gusto ka pa rin sa kaniya?"

Pagkatapos niyang itanong 'yon ay nag-angat ako ng tingin hanggang sa magtama ang mga mata namin.

Biglang kumabog ang dibdib ko. Kakaiba ang nararamdaman ko ngayon. I cleared my throat, "Hindi, ah! Matagal na 'yon, Mathew. Kung tutuusin wala rin naman akong gusto sa kaniya. Kaya sige na, umalis ka na!" matigas kong sambit.

Mahina siyang tumawa at binitawan ang kamay ko, "'Yan naman pala, e. Wala naman pala, kahit ilang ulit pa kayong magkita...okay lang 'yan," tugon niya. His lips twisted. Palihim akong umirap sa pagtapik niya sa balikat ko.

"Ayoko pa rin makita siya,"

"Talaga? Pero andiyan siya sa likod mo oh?" sabay turo niya.

Nataranta naman akong nagtago sa likuran niya sabay yuko. Kumapit ako sa manggas ng damit niya. Madiin akong pumikit.

Humagikgik siya, "Wala ka naman pala, e. Bakit ka nagtatago diyan?" natatawa niyang tanong sa 'kin.

My forehead creased. Malakas ko siyang tinulak, "Ikaw talaga puro ka biro. Ang sarap mong kaibigan," naiinis kong sambit. Natisod siya habang tumatawa.

"Bakit nga kasi? Andito na siya, o!" sabi niya. Hindi na ako naniwala. Huminga ako ng malalim at inikot ang mga mata ko. Parang bigla akong nabulunan ng makita siyang papalapit. Nanlaki ang mga mata ko. He is wearing a white polo and summer short. Napahakbang akong patalikod ng makita kung ano ang hawak-hawak niya, "Sabi ko naman sa 'yo, ayaw mo kasing maniwala, eh," pabulong niyang sabi sa 'kin. Napakagat-labi ako at humawak sa braso niya.

Gusto ko na lang magtago o 'di kaya ay tumakbo. His handsome smile while walking is making me melt in my place. His eyes that are so expressive now than before.

"Stop!" sigaw ko. I gestured my hand towards him. Huminto siya at ngumisi sa 'kin, "Puwedi ba, Piercian? Tumigil ka na," may diin kong sambit sa kaniya. I gritted my teeth. Naiinis ako kapag nakikita siya.

Umiling siya sa 'kin, "No-oh, Amanda. Bahala ka kung ayaw mo but I will still chase you," he said using his deep voice. The seriousness was there but nervousness crept inside me.

"Sinabi kong ayaw ko!" I exclaimed. I don't want to be near him. Ayokong bigyan siya ng pagkakataon na saktan ulit ako.

"You already said yes yesterday night, Amanda," he said defeatedly. His hands widened, "Wala ng bawian." He winked at Mathew, napalingon ako sa tabi kong kinindatan siya pabalik. I put my hands over my waist.

"Nakita ko 'yon ah? How dare you!" I pointed them using my index finger, "Pinagkakaisahan niyo ba ako? Ha, Mathew!" tinulak ko siya. He covered his mouth stopping himself to laugh. Hinayaan niya lang ako na itulak siya.

DS #3: Billionaire's Love ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon