After the incident last night, I woke up late. Ang sakit ng ulo ko, hangover siguro. I never been that drunk in my entire life. Hindi kasi talaga ako mahilig uminom pero kagabi napasubo ako.
Bumangon ako ng 11:30 ng umaga. While walking out from my room, I can't stop myself from yawning. Parang naging party ang nangyari kagabi. We drink, and yes, I am so drunk that I can't remember what happened last night.
Panay hila ko sa buhok ko dahil sa kirot. Dederetso na sana ako sa mesa ng biglang may nagsalita sa likuran ko. I faced him. Nakaakbay ang mga braso niya sa backrest ng couch, crossed legs and he is smirking.
"Someone is happy!" he said happily. He is like teasing me or what. My brows knitted. We are both wearing bathrobe.
Huminga ako ng malalim, "What are you talking about?" I asked raising my brows at him. Tumigil muna ako. I have this feeling na may nangyaring kakaiba na hindi ko alam.
He smiled crazily, "You happy right, Amanda?" he asked, he tried to stop himself from laughing. I can see it through his face, namumula siya.
Napatakip ako ng bibig. My eyes circled. I don't know what he means, "MATHEW! What are you talking about? Did I do something bad last night?" I asked hysterically. Sinabunutan ko ang sarili ko sa sobrang inis.
Ano ba ang nagawa ko?
Humalagapak siya ng tawa habang nakaupo. He even clapped his hands, "Hindi mo talaga maalala?" nagpunas siya ng luha habang nakangit. I can't believe this. This is crazy.
Umupo ako sa tabi niya. Hinawakan ko ang kwelyo ng damit niya, "Sabihin mo na kasi!" sigaw ko habang niyuyogyog siya. Ang bwesit na 'to, tawa lang nang tawa sa 'kin, "Mathew!" suway ko.
Huminga siya ng malalim. Tinikom niya ang bibig para hindi na tumawa pa, "Bitaw na. Hindi mo naaalala ang mga kasiyahan mo kagabi, ah? Grabi kang babae ka, hindi ka mapigilan sa pinaggagawa mo!" may diin niyang sabi habang tinutulak ang ulo ko gamit ang daliri niya.
Napanguso ako. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko kagabi. I looked down. Pilit kong inaalala ang nangyari pero wala talagang lumalabas sa alaala ko kung 'di ay 'yong nag-inoman kami.
Napapadyak ako ng mga paa sa sobrang inis, "Ano ba kasi 'yon?" napasabunot ako ng sariling buhok.
Malakas siyang tumawa at tinuro ang kwarto ko. Napasunod naman ako sa kaniyang kamay ng tingin. Anong meron sa kwarto ko? Nagsuka ba ako? Sobrang dumi ba? Hindi ko kasi talaga napansin.
"Nagsuka ako?" nahihiya kong tanong. Napangiwi ako.
Umiling siya, "Tingnan mo sa loob kung anong meron," sabi niya, "Labas muna ako ah? Ayokong makarinig ng sigaw." Huminga siya ng malalim saka tumayo. Nag-inat-inat siya saka umalis na.
Agad naman akong tumakbo patungo sa pintuan ko. Dahan-dahan akong sumilip. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Wala naman akong nakitang kakaiba.
"Binibiro lang yata ako no'n, e. Si Mathew talaga," bulong ko. Pumasok ako sa kwarto para tingnan ang banyo. Kalmado lang akong naglakad hanggang sa matisod ako. Napatili ako, "Hayys!" angil ko. Sinilip ko kung may nakausli bang gamit habang nakahawak pa rin ako sa sahig, "Oh my gosh! May paa! Mathew! Ahhh!" sigaw ko. Agad akong tumayo.
Parang tinatambol ang dibdib ko. Nanlalaki ang mga mata ko sa takot. Bakit may paa dito? Natataranta na ako kung saan at kung ano ang gagawin ko. Ilang ulit akong nagpabalik-balik habang kagat ang mga daliri ko. Tatawag na ba ako ng SOCO? May patay ba sa kwarto ko?
Ilang minuto kong tinitigan ang paa. Ibig ba sabihin nito may napatay ako kagabi tapos dinala ko siya dito sa kwarto? Napasabunot ako ng sariling buhok habang unti-unting umupo sa sahig.
BINABASA MO ANG
DS #3: Billionaire's Love Shot
RomanceWhen a Photographer fell in love with the person he dumped during their college years. Amanda came from States, the first thing she wants to do is to prove herself on the person who rejected her beauty years ago. He became a supermodel and wanted t...