Kabanata 22

2K 69 5
                                    

Habang papalapit ang pageant ko ay nag-iiba si Pierce. Parang wala na siyang gana kapag nakikita kaming magkasama ni Mathew. I am trying my best to be away from him kapag wala kaming practice.

Nandito ako ngayon kasama siya sa basketball team. He is capturing the moment of every players. Kahit anong anggulo kinukunan niya. Minsan napapangiti na lamang ako. He is so dedicated, at alam ko na mahal na mahal niya ang pagkuha ng mga litrato.

His shots are the best shots you can have.

Kinuha ko ang panyo mula sa bulsa ko. Nakita ko ang pamamawis ng noo niya. Lumapit ako sa kaniya at dahan-dahang pinunasan ang noo niya.

Natigilan siya sa pagkuha ng litrato. Binaba niya ang camera na hawak niya saka tumingin sa 'kin ng deretso. Siguro nagulat siya sa ginawa ko. Tipid akong ngumiti sa kaniya.

"Pinunasan ko lang ang pawis mo sa noo," sambit ko. Napatikom ako ng bibig saka tumingin sa baba. Parang bigla akong nahiya, "Sige, ipagpatuloy mo lang 'yan. Dito lang ako sa bench," dagdag ko. Bumalik ako sa upuan at nanood na lang ng laro. I saw one of my suitor in the court and another one in the bench. Don't get me wrong, noon pa 'yon. I declined them because my dad will never let me have my boyfriend.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Gilbert at nakita ko kung paano niya ako kininditan habang tumatakbo sa gitna ng court. Sugiro hindi naman ako 'yon. I held my chest, lumingon ako sa likuran baka may ibang babae pero wala. I didn't see anyone. Walang masyadong tao sa wing namin but on the other team, they have a lot of supporters. And we have cheerleaders.

"He winked at you," Piercian said. I stared at him for a while. Agad naman siyang bumalik sa camera niya.

"Hindi ako, 'yong nasa likuran," sagot ko. I even shook my head. Alam ko ma hindi na naman siya maniniwala sa 'kin.

He smirked and shook his head too, "Don't deny it. All men are picking on you. Tsk!"

I rolled my eyes. I remain calm. Ayoko naman masira ang araw naming dalawa. Tumunog na ang buzzer hudyat na tapos na ang 4th quarter. Agad na akong tumayo. They all cheered when our team won. Wala pa silang talo. Siguro kami na 'yong champion ngayong taon.

Biglang dumating si Miko sa tabi namin. Halatang tumakbo siya dahil hinihingal pa rin siya, "Football team lose it. May isa na silang talo," saad niya. Nagsimula siyang kumuha ng litrato. Sayang naman natalo sila.

"Someone is concerned about them," usyosong usal ni Pierce.

"Someone is happy about their defeat." I crossed my arms while rolling my eyes. I don't know what he is up to this time.

"Of course,"

"Ewan ko sa 'yo, Piercian. Nakakainis ka na," matigas kong tugon. Sakto naman ang pagtunog ng phone ko kaya agad ko itong kinuha mula sa king bulsa. Mathew is calling. Hala baka may practice kami.

Napatingin siya sa 'kin, "I'll just take this call." Akma akong tatalikod mg hawakan niya ako sa aking pulsuhan. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Sino ang tumatawag? Is that important?" he asked using his deep voice. He stared at my phone screen.

"Si Mathew, baka kasi may practice kami," sambit ko habang ngumingiwi. Humihigpit ang hawak niya sa 'kin. Nag-iwas siya ng tingin.

"You can take the call while you are here, hindi mo kailangang umalis sa tabi ko," tugon niya. Dumausdos ang palad niya patungo sa palad ko. Biglang uminit ang pisngi ko dahil sa ginawa niya.

Sa huli doon ko nga sinagot ang tawag ni Mathew.

"Hello, bakit?" tanong ko kaagad. Wala nang paligoy-ligoy. Hindi ko naman gustong humaba pa ito.

DS #3: Billionaire's Love ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon