Kabanata 34

2.8K 84 10
                                    

This is the last day of my stay here. I always spent my time with Pierce dahil ayaw niya akong tantanan. Minsan nagugulat na lang ako na nasa labas siya para hilahin ako sa kung saan-saan para mamasyal o 'di kaya ay kumain. He's always happy, like hindi siya kagaya noon na misteryoso, madami siyang nasasabi at naku-kuwento ngayon.

Parang ayaw kong umalis dito. Napanguso ako habang nakabaluktot sa couch. It's already 10 AM. Usually, kapag nagigising ako nakikita ko siyang nasa kama ko, tinitingnan ako habang nakangiti pero ngayong umaga wala siya. Walang Pierce na bumungad sa 'kin. Bumuntong-hininga ako. I closed my eyes.

Nakakainis siya!

Napamulat ako ng makarinig ng pagkatok mula sa pinto. Kumunot ang noo ko habang nakatitig do'n. Unti-unting umikot ang doorknob kaya napapikit ako ng madiin. The door opened and closed.

"I know you're awake, you don't sleep in a couch, Amanda," sabi niya. Napamulat ako ng mga mata at nakita siyang nakatayo malapit sa 'kin. My brows knitted as I sit down. Umirap ako pagkatapos makita ang hawak niyang bouquet.

Hindi mo ako madadaan sa ganiyan, Piercian. May bulaklak ka pa talaga ah?

I crossed my arms, "Bakit ka nandito? Pumunta ka pa talaga?" sambit ko. My eyes narrowed as I glared at him. Nagpakawala siya ng isang mapaglarong ngiti, as if I said joke at him.

"Baby, are you mad? This day is my mom's birthday," he said. Nawala ang pangingitim ng mga mata ko. Tipid siyang ngumiti, "We prepared a surprise for her, I wanna invite you downstairs," dagdag pa niya. Lumapit siya sa 'kin.

My face heated. Nakakahiya ang inakto ko. I thought he already forgot na nililigawan niya ako, 'yon pala ay naghanda sila para sa mommy nila.

"It's okay, I love it when you are mad of the thought I am not here,"

Napahawak ako sa pisngi ko. This is embarrassing. I sighed heavily. He kneeled in front of me, my eyes widened. Napunta ang palad ko sa mga bibig kong nakaawang. Kinuha niya ang kamay kong nakatukod sa couch dahil sa inis kanina.

I looked at his beautiful eyes. His eyes that I couldn't resist. That is my weakness.

He hold my hand using his warm palm. He caressed it above using his thumb finger.

"I love you, Amanda," he said with sincerity in his voice. Hinila niya ang kamay ko patungo sa bibig niya. He kissed the top of it. My heart goes wild. Napalinga ako para umiwas ng tingin. Sobrang lakas ng pagtibok ng puso ko, "Thank you for staying kahit na galit ka sa 'kin. Thank you for giving me a chance again to prove myself to you," he told me. Those words crept into my heart. It give so much butterflies in my stomach.

Hindi ko alam kung bakit kita pinagbibigyan na makasama ako kahit na galit ako. You always made my heart tumbled whenever you do simple things.

"And I'm sorry, I don't have flowers for you today, this is for my mom," he uttered, laughing.

Hindi ko din mapigilan ang sarili kong matawa sa kaniya. Ang seryoso ng usapan tapos lalagyan niya ng biro.

"Hindi mo rin naman ako madadala sa bulaklak, Piercian." I rolled my eyes. Tumawa siya at tumayo. Hinila niya ako.

"Let's go, you can't say no to me, Amanda. This is my mom's birthday today," sabi niya habang binibigyan ako ng mapaglarong ngiti. I think my dress suits the celebration naman. I am wearing yellow summer dress, my hair is braided.

Nagpahila ako sa kaniya. Lalong lumawak ang ngiti niya, "Madami bang pupunta? Baka hindi ako belong," sagot ko sa kaniya. Nakakahiya naman baka sobrang pinaghandaan nila 'to.

DS #3: Billionaire's Love ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon