Kabanata 19

2.1K 73 12
                                    

As usual. Sobrang ganda ng school nila. Ang dami ding tao mula sa iba't-ibang school. I was with Pierce and Mathew. Hindi ko siya pinapansin dahil sobrang nainis ako sa ginawa niya.

We have rehearsal today. Bumuntong-hininga ako at tumingin sa lalaking kuha nang kuha ng litrato. Si Miko daw muna ang magbi-video ng laro ngayon ng volleyball team.

"Okay lang ba talaga sa 'yo na kasama kita ngayon?" tanong ko sa kaniya. Nakatingin siya sa kuha niya. Sobrang dedicated niya sa ginagawa niya.

Lumingon siya sa 'kin sabay ngiti, "Yeah, bakit? Ayaw mo akong nandito?" tanong niya. Umangat ang dalawa niyang kilay. Napatingin din siya sa lalaking sunod nang sunod sa 'kin- si Mathew. Puwedi naman kasi siyang mauna. Naging matagal ang pagtitig niya dito na parang sinusukat niya sa tingin.

Hinawakan ko ang braso niya para lumayo ng konti. Parang nagiging tensyonado ang kinatatayuan naming tatlo.

"Syempre gusto. Alam mo naman 'yon." Napanguso ako. I sighed heavily. Wala naman siguro akong dapat ikabahala.

Deretso siyang tumingin sa mga mata ko, "Gusto mo naman pala, e. Why don't you enjoy while I am here?" he asked. His brows knitted na parang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.

"I'm sorry..." Mahina kong sambit. Napalingon ako kay Mathew na ngayon ay nakatungo at naghihintay sa 'min, "Puwedi ba mauna ka na?!" baling ko sa kaniya. Kahapon pa ako naiinis sa kaniya, e.

"No way! Magkasama tayong pupunta do'n kasi partner kita," sagot niya sa 'kin. He even smiled at me playfully. I gritted my teeth.

"Is he our chaperone?" tanong sa 'kin ni Pierce. Hindi ko alam kung bakit bigla akong natawa sa sinabi niya.

Nagkibit-balikat ako, "Ewan ko. Tara na nga." My hands went down until it reached his soft palm. Yes, malambot pa ata sa kamay ko. We clasped our hands together. Napangiti ako dahil hinigpitan niya ang hawak sa 'kin.

We started to walk. Sa stadium gaganapin ang pageant kaya do'n kami magre-rehearse.

"Anong oras ka matatapos?" tanong niya sa 'kin. Hindi ko alam kung kailan ang eksaktong oras pero sa tingin ko more or less isang oras lang naman.

Napatingin ako sa wristwatch ko, "It's 9 AM, siguro 10 AM. Bakit? Hihintayin mo akong matapos?" tanong ko pabalik. I smiled sweetly. Ang gwapo niya ngayon habang suot ang jersey ng school namin. Jacket 'yong suot ko ngayon sana nag-terno kami.

Dahan-dahan siyang tumango, "Oo sana...but I really need to work my part here," tugon niya. Mahina siyang tumawa habang nakatingin sa 'kin.

"Tapos sabi mo ayaw kitang makasama? E, may gagawin ka rin naman pala." Umirap ako. Hinila niya ako papalapit sa kaniya sabay patong ng braso niya sa balikat ko.

Nakaakbay siya sa 'kin ngayon!

Kahit anong pigil ko sa pagngiti ay lalo lang itong lumalawak. Kulang na lang ay tumili ako sa sobrang sarap sa pakiramdam. Ang puso kong nagwawala sa tuwa.

"E, If I could ditch it I will...pero hindi, pinangako ko na aayusin ang trabaho," saad niya. Hindi maiwasan ng ibang mga estudyante na tumingin sa kasama ko. Paano ba naman kasi sobrang gwapo niya lalo na ang mga mata niya.

"Magkikita rin naman tayo mamaya. Iisang suite lang tayo remember? Kapag tapos na ang rehearsal, ite-text kita," usal ko. I gave him an assurance through my smile.

His lips twisted. Huminto siya sa paglalakad kaya huminto rin ako. Nagtaka ako kung bakit pero deretso lang siyang nakatingin sa 'kin.

He extended his hand towards my face. Hinawi niya ang takas na buhok na nakaharang sa mukha ko. Nilagay niya ito sa likod na bahagi ng tenga ko.

DS #3: Billionaire's Love ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon