The pageant will start at 7:30 PM. Ilang oras na lang. Kinakabahan ako habang ginagalaw ang mga kamay ko. Napapabuga ako ng malakas na hangin para pakalmahin ang sarili ko.
Lumabas ako sa kwarto para kumuha ng tubig. Sakto lang din ang paglabas ni Pierce mula sa kwarto niya. Maya-maya lang andito na si Dean para sunduin kami.
Nagkatinginan kaming dalawa. He is so cold. Napaismid na lang ako. This is my day, ayokong masira ito dahil lang sa kaniya. Kung ayaw niya sa 'kin edi 'wag.
Nauna siyang nag-iwas ng tingin. Pakialam ko naman? Bahala na ang puso ko. Nasasaktan siya? Edi nasasaktan siya.
Mabilis akong naglakad. Ang bagal kasi. Dinaanan ko lang siya. Tumungo ako sa mesa para uminom ng tubig. I grabbed one bottle of water. Muntikan ko na siyang mabangga.
"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" sigaw ko. Nanlilisik ang mga mata ko habang tinitingnan siya. Kung 'yan ang gusto niya bakit hindi ko ibigay? Total, ayoko naman na maghabol sa kaniya. Ghoster!
Hindi man lang siya nagsalita at binigyan ako ng daan. Nakakainis ang pagmumukha niya. Ang sarap hampasin.
Imbis na umalis ay hinawakan ko ang balikat niya para pigilan siya.
"B-Bakit mo ba 'to g-ginagawa sa 'kin?" mahina kong tanong. I am stuttering. Pinipigilan ko kasi ang sarili kong komprontahin siya. Alam ko na masasaktan lang ako sa isasagot niya.
Nagsimulang mangilid ang mga luha ko. Ayokong umiyak dahil baka mamaga ang mga mata ko para mamaya. Ito dapat ang pinakamasayang araw ko, 'yong susuportahan niya ako. Pero hindi, ito yata ang araw na ayaw kong maranasan. Ang masaktan ng patago at paniwalain ang sarili ko na okay lang ang lahat.
"Don't cry. Hindi 'yan makakatulong sa 'yo mamaya," malamig niyang sagot. Napakagat-labi ako. Kahit anong pigil kong umiyak ay tuluyan pa ring tumutulo ang mga luha ko.
"Anong makakatulong sa 'kin kung gano'n? Ang saktan mo ako?! Seryoso ka ba diyan, Piercian?" malakas kong tanong. I wiped off my tears. Buong lakas ko siyang tinulak sa balikat niya. Hinahayaan niya lang ako sa ginagawa ko.
"Stop crying!" he shouted. Dumagongdong ang boses niya sa loob ng suite namin.
"I am hurt! Of course, I will cry, damn you!" I shouted back. My veins are popping. Pulang-pula ang mukha ko. Lalo lang akong nasaktan. I didn't hear anything about it. Ano? Mukha ba akong manghuhula? Hindi ko man lang alam kung bakit siya nagkakaganiyan.
I stared at him intently, "Why are you so cold?" I asked again. I am catching my breathe. Hinihingal ako sa kakahikbi. Napakagat-labi ako at nagpunas ng luha, "Maayos naman tayo, 'di ba, Pierce?" naging mahina ang boses ko. I just want to clarify things. Kung hindi naman talaga kami okay na dalawa.
He looked away. Doon na ako nadurog, "I'm sorry. Hindi ka dapat umiiyak nang dahil lang sa 'kin. You deserve better, Amanda. Like Mathew," he said using his deep voice. Napayukom ang kamao ko sa bote ng tubig. Todo-todo ang kapit ko dito.
I groaned and smashed the bottled water on the floor, "Gaano ba kahirap intindihin na ikaw ang gusto ko?!" I exclaimed. Napahilamos ako ng sariling kamay. Sinabunutan ko ang sariling kong buhok, "Ikaw ang mahal ko! Pierce, ilang ulit kong sinabi sa 'yo na ikaw nga! Ikaw!" sigaw ko. I heard footsteps from inside.
His face darkened. Wala siyang ano mang reaksyon. Kung 'di nakakatitig lang gamit ang blangko niyang mukha.
"Mahirap ba sagotin ang tanong ko?" mahina kong tanong. Nawalan na ako ng lakas na magsalita pa, "Mahirap ba sabihing ayoko sa 'yo, hindi kita nagugustuhan. Sa ilang buwan na 'yon wala akong nararamdaman." Mapakla akong ngumiti. Lumingon ako sa kaniya. I smirked, "Bakit ba ako nagsasayang ng laway dito? Kung wala rin naman pala akong makuhang sagot sa 'yo."
![](https://img.wattpad.com/cover/278294928-288-k879135.jpg)
BINABASA MO ANG
DS #3: Billionaire's Love Shot
RomanceWhen a Photographer fell in love with the person he dumped during their college years. Amanda came from States, the first thing she wants to do is to prove herself on the person who rejected her beauty years ago. He became a supermodel and wanted t...