Madie's Pov:
ng makarating kami sa bahay nila kumain muna kami at nag decide na umakyat sa kwarto niya para pag usapan ang nangyari sakanya. hindi namin gets kung bakit nangyari sakanya yun wala naman siyang kaaway bukod kay frances.
"anu ba talaga nangyari sayo?" panimula ni amy.
"pumunta ako sa cr pero pagpasok ko may biglang humampas sa ulo ko dahilan para mawalan ako ng malay,pagkagising ko nasa rooftop na ako tapos naka tali,i saw 2 girls saka 1 guy.tapos sabi nung lalaki pagmamay ari ka daw niya madie and i don't know kung kilala mo siya." kwento niya.
"what? anong pangalan?" pagsingit ko sa kwento niya.
"uhmm, ar-ar-" napakamot siya sa ulo.
"arvell?" i said na nagtataka.
"Oo! 'arvell' nga! saka yung dalawang babae naman nagpakilalang 'jie at lyza' pero hindi ko alam kung bakit ako yung andun until dumating si frances-.."
"Huh??? kasama mo siya? siya nanaman ba ang dahilan?napaka sinungaling talaga ng babaeng yun! nagtanong kami ng maayos tapos ang sagot niya lang 'No'? wow ebarg amp" mahabang saad ni amy habang magkasalubong ang dalawang kilay.
"kalma lang amanda! tinulungan niya lang ako.at saka sabi nung jie 'pag mamay ari niya daw ako' at yan ang hindi ko maintindihan eh ni hindi ko nga siya kilala,at bakit ganun din sabi ni arvell sayo?pala desisyon ba sila?hindi ko gets,ka anu ano mo ba si arvell madie?" mahabang paliwanag nito sabay tanong niya sakin.
"nanligaw siya dati sakin pero binusted ko siya kasi hindi pa'ko handa sa relationship na yan!at saka dati lagi niya akong sinusundan papasok sa school at pauwi,minsan natatakot na ako kaya lumipat ako ng school and now andito nanaman siya sa school nato!sorry jaydee kung nadamay ka and i think kailangan ko nanamang lumipat ng school " kwento ko habang umiiyak.
"uy hindi mo naman kailangan lumipat pa,di ka namin pababayaan dito,wag ka mag alala simula ngayon hindi kana namin hahayaang umalis at umuwi mag isa diba dong? sasamahan ka namin kahit saan" pag cocomfort ni laney sakin para mabawasan ang takot ko. ang swerte ko naman sa mga taong to :((
"Oo naman, simula ngayon sabay na tayo pupunta ng school at sabay na rin tayong uuwi" saad ni jaydee sabay himas ng buhok ko,i feel kilig kaya napangiti ako ng bahagya.
"dong? panu ka tinulungan ni frances?" amy said na kanina pa nakikinig samin.
"uhm nagpanggap kaming mag asawa?jowa? girlfriend? i don't know pero yun lang naisip niyang palusot para tumigil si jie saka mga kasama niya but nakipaglaban siya dahil hindi nakinig si jie at arvell,hinampas ni jie si frances pero nakailag din ito tapos tinutukan ni arvell si frances ng baril pero hinampas niya ito ng baseball bat dahilan para malaglag ang baril at napulot ito ni frances at saka naman tinutok sa kanilang tatlo,pinakawalan niya ako at hindi ko na alam kung anu ang kasunod na nangyari, i don't even know kung panu niya ako nabuhat?but isa lang ang alam ko,need ko mag thank you sakanya bukas" mahabang kwento niya ulit.and wow super hero naman pala, whatever!
"at bakit niya naman gagawin sayo yun?diba mainit dugo nun sayo? what if ginagawa niya lang yun para makuha ang tiwala mo?" amy said .
"yup! what if kasabwat niya pala ang tatlong yun?" i said.
"and what if isa yun sa mga planu niya?" laney said at lumipat ng pwesto sabay akbay kay jaydee.
"puro kayo what if! eh panu kung mali kayo? panu kung mabuti naman siyang tao kaso may trust issue siya? what if may background story yung ugali niya?panu kung may dahilan kung bakit siya ganun?" jaydee said and may point naman siya,pero naninigurado lang.

BINABASA MO ANG
LOVE TROUBLE
Fanfictiongxg Fradeesal/dong&dong hanggang saan ka ilalaban ng taong pinili mong ipaglaban? hanggang kailan mo pipiliin ang taong nagsimula ng kwento niyo? hanggang saan ang kwento ng iyong libro kung natatapos na ang pahina nito? Characters 🦋 -Jaydee Villar...