Continuation of jaydee's Pov:
hindi ko na nilingon si frances at pumasok sa loob ng bahay,rinig ko din ang bawat yapak ng paglakad ni madie habang nakasunod sakin.
isasara ko na sana ang pinto ng bigla niya itong sipain kaya medyu nagulat ako sa ginawa niya.
"what's your problem?!" inis na tanong ko.
"IKAW! ikaw ang problema ko jaydee! ang bilis mo kasing magdesisyon ng hindi na kailangan ng pagtutol ko!" galit na sabi niya.
"ngayon alam mo na kung anong pakiramdam na hindi na tinatanong kung papayag ka ba o hindi? katulad ng ginawa mo sakin nung sumama ka sa carson na yun na walang pasabi!" hindi ko alam ko kung nagseselos ba ako o binabalik ko lang ang ginawa niya.
"ayan na naman tayo!! binabalikan mo nanaman yung tapos na! jaydee ikaw lang ang mahal ko,bakit ba ang hirap sayo intindihin yun!?" she sincerely said at lumapit sakin.
"mahal,hindi kita pwedeng hayaan na mawala! mahal kita at ipaglalaban kita sa ayaw at sa gusto mo" dagdag pa niya at umupo sa lap ko, tinitigan ko lang siya na parang walang gana.
"madie,ayoko na! tama na. nakapagdesisyon na ako" mahinang sabi ko,may luhang bumagsak sa mga mata niya sabay yakap sakin ng mahigpit.
"hindi,hindi ako papayag! dahil ba kay frances?mahal mo siya? siya pa rin talaga? o hindi naman talaga naging ako? jaydee naman,na-niwala ako sayo! akala ko ba mahal mo'ko? kung naguguluhan ka wag ka muna magdesisyon,mahal!wag mo'kong iwan dahil lang sa isang pagkakamali, nagkamali ka rin naman pero handa kitang patawarin wag mo lang ako iwan" umiiyak siya habang nakayakp sakin,kumikirot ang puso ko dahil mga sinasabi niya.ang sakit lang sakin kasi nangako ako pero hindi ko yun matutupad sakanya kasi kahit anong pilit ko si frances pa rin ang hinahanap ng lintik na pusong to.
"madie,i'm sorry! minahal kita! sinubukan ko,binigay ko lahat ng kaya ko para maramdaman mong mahal na mahal kita! akala ko ikaw na hanggang huli,pero mali ako! may kulang sakin na parang hindi ako masaya,may isang taong hinahanap ang puso ko at alam kong hindi ikaw yun! alam kong masakit pero mas masasaktan lang kita kung pipilitin kong mahalin ka kahit hindi naman talaga. mahal,minahal kita ng totoo! siguro binigay ka lang sakin ni tadhana dahil kailangan ko ng masasandalan, binigay ka niya dahil hindi ko kayang mag isa! pero hindi ibig sabihin nun minahal lang kita kasi ikaw ang nandyan,minahal kita kasi mahal kita!pero hindi ko namamalayan na ang pagmamahal ko kay frances ay nandito pa rin,hindi ko akalain na mahal ko pa rin siya. i want to say thankyou kasi hinayaan mo'kong mahalin ka,at gusto ko ring magsorry dahil nasaktan kita,at nasasaktan pa rin kita!" naluluhang sabi ko,tumayo siya at pinagitnaan ang katawan ko sa dalawang binti niya sabay yakap sakin na parang ayaw niya'kong pakawalan.
"ang sakit! ang sakit sakit sobra! alam ko namang mapupunta tayo sa gantong sitwasyon,pero bakit ang hirap tanggapin? sumugal ako kahit alam kong talo ako, minahal kita kahit alam kong sakit lang ang matatanggap ko sa oras na bumalik si frances!bawat galaw mo ramdam kong hinahanap mo siya,tuwing sasabihin mong mahal mo'ko alam kong hindi!kasi iba ang kinikilos mo sa sinasabi mo!walang araw na na hindi ako nag ooverthink mula nung bumalik si frances,nakikita ko sa mga mata mo na masaya ka tuwing nasa paligid mo siya. tinago ko lahat ng sakit at pagseselos dahil sa mga tinginan mo sakanya. mahal kita!! sobra sobra! hindi kita kayang palayain jaydee! siguro sa tamang panahon,kung kaya ko na! kung wala na akong nararamdaman sayo! kung kaya na kitang makitang hawak niya! pero ngayon hindi pa! hindi ko kaya! at sana maintindihan mong hindi kita kayang isuko" basa na ang balikat ko dahil sa mga luhang pumapatak mula sa mga mata niya, nasasaktan ako pero kailangan kong mamili. yun ang tama,kahit makasakit pa ito sakanya. tama na ang kasinungalingan na nagawa ko! ayoko ng dagdagan ang kasalanan ko sakanya,mas mabuti ng masaktan sa katotohanan kesa maging masaya sa kasinungalingan!
BINABASA MO ANG
LOVE TROUBLE
Fanfictiongxg Fradeesal/dong&dong hanggang saan ka ilalaban ng taong pinili mong ipaglaban? hanggang kailan mo pipiliin ang taong nagsimula ng kwento niyo? hanggang saan ang kwento ng iyong libro kung natatapos na ang pahina nito? Characters 🦋 -Jaydee Villar...