Chapter 17

405 62 2
                                    

Jaydee's Pov:

nandito ako sa isang lumang bahay.wala akong makita dahil nakatakip ang aking mga mata,nakatali ang aking mga kamay at paa,mahirap gumalaw at lalong mahirap sumigaw dahil may takip din ang aking bibig.

*Flashback

"Frances may kailangan kapa?" tanong ko kay frances.

"huh?nothing! sige pahinga kana! goodnight sleepwell" sabi nito sabay tulak sakin palabas ng kwarto.

papasok na ako sa kwarto namin ng may narinig akong bumusinang sasakyan sa labas,di ko na muna pinansin. pahawak na ako sa pintuan ng kwarto ng maisip ko yung sinabi ko kanina na sasamahan ko si frances hanggang sa makatulog siya.babalik na sana ako sa kwarto niya pero naisipan ko namang kumuha ng beer sa fridge,pag baba ko tuloy pa rin ang pag busina ng sasakyan kaya lumabas ako ng gate para tingnan ito ngunit may nakaabang na isang lalaki sa gate. umurong ako sa paglalakad,kumuha muna ako ng flashlight dahil natatakot na din ako. itinuon ko ang flashlight sa gate pero wala ng tao kaya unti unti kong binuksan ang gate at may biglang itinakip na panyo sa aking ilong dahilan para mawalan ako ng malay at pagkagising ko wala na akong makitang kahit anu,puro boses nalang nila ang naririnig ko.

gusto ko magsalita pero hindi ko magawa,sobrang higpit ng pagkakatakip nila sa bibig ko. naramdaman ko namang may lumapit sakin at biglang kihuna ang takip sa bibig ko dahilan para makapagsalita ako.

"sino ka? sino kayo?! anong kailangan niyo sakin?" sunod sunod na tanong ko.

"relax! hindi kita sasaktan. but jaydee please pagbigyan mo'ko sa gusto ko" she said.

"who are you? what do you want?" i asked.

"i'm jie! and i want you! i want you to be with me" saad nito.

"huh? ikaw nanaman?ano nanaman ang kailangan niyo sakin?" tanong ko ulit.

"jaydee kailangan kita,gusto kita!" sagot nito.

"gu-gusto mo'ko? pa-panu? hindi nga kita kilala,pangalan lang ang alam ko sayo!and please pakawalan niyo na ako!" sabi ko dito.

"matagal na kitang gusto!dati pa,sa dati mong school. gusto kita kausapin pero nawawalan ako ng lakas ng loob para gawin yun. kilala ako bilang isang matapang na babae at walang sinasanto. kaya mo ba akong mahalin kahit ganto ako?" mahabang paliwanag nito.

"huh?panu?panu kita mamahalin e wala akong alam tungkol sayo?at bakit sa gantong paraan mo ipakita na gusto mo'ko?" i said.

"si arvell ang nakaisip nito,gusto lang kita makita kaya pumayag ako!pwede bang layuan mo si frances!" sabi nito at tumayo.

ramdam ko ang galit sa bawat pagbigkas niya sa pangalan ni frances,kung may away sila bakit ako nadadamay? bakit ako lagi ang naaagrabyado?sa loob ng isang linggo andami na kaagad nangyari!gulong gulo na ako sa lahat,andaming tanong sa isipan ko na kahit isa walang sagot.

"kayo pa rin ba? sagutin mo'ko!!!" galit ma sabi nito.

"sino?! anong pinagsasabi mo!" tanong ko.

"ni frances?jaydee kayo pa rin ba??!" tanong niya ulit sabay hawak sa panga ko.

"aaa-rayyy! na-nasasaktan ako!ano ba!!!?" sapilitang kumakawala sa kamay niya.

"jaydee sagutin mo'ko!!! bakit si frances pa???" sigaw niya.

"walang kami ni frances! bakit ba galit na galit ka sakanya?" mahinang pagbigkas ko,nawawalan na ako ng lakas sa sobrang higpit ng pagkakatali nila sakin.

LOVE TROUBLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon