Frances' Pov:
naghintay kami sa gate nila jaydee,mga isang oras din kaming naghintay bago sila dumating.
bumaba ako ng sasakyan at agad na niyakap si jaydee.
"Okay ka lang ba?nakausap ko yung mom mo,uuwi daw siya mamaya" i said.
"higpit naman niyan! baka nakakalimutan mong may girlfriend si jaydee" amy said at naunang pumasok.
tumingin naman ako kay madie at agad na bumitaw sa pagkakayakap ko kay jaydee.
"im-im sorry,nag alala lang ako kay jaydee" i said at tumingin kay madie.
"she's okay as long as magkasama kami,hindi mo kailangan mag alala dahil nandito naman kaming lahat para sakanya,nandito ako para kay jaydee! diba mahal?" she said at ngumiti kay jaydee.
"yes mahal!gusto ko na magpahinga" jaydee said at hinawakan ang kamay ni madie.
parang kinukurot ang puso ko pero nanatili akong kalmado,pinagmamasdan ko lang sila habang naglalakad papasok ng bahay,sumunod naman si laney sa kanila.
"pasok muna kayo sa loob." gabb said.
"ah wag na! kailangan ko na ding umuwi" saad ko.
"ut ut? sabi mo?-" hindi ko na siya pinatapos.
"it's okay ut ut! may lakad din ako ngayon" i said at ngumiti.
"oh come on frances! lagi ka nalang ba mananahimik? ipaglaban mo ang gusto mong ipaglaban!" coco said at umirap sakin.
"kung si jaydee ang tinutukoy niyo please lang wag niyo nang ituloy! coco, dapat alam mong mali kung pipilitin natin ang hindi dapat!" nag aalalang sambit ni gabb.
"kaibigan kita frances!kilala kita! alam kong hindi ka titigil hangga't di mo nakukuha ang gusto mo! pero sana sa tamang paraan!wag mo nang sirain kung anong meron sila ngayon!" dagdag pa niya.
bawat salita na binibitawan ni gabb ay tumutusok sa dibdib ko,tama siya! wala na akong magagawa! kahit pilitin ko pa kung hindi na ako ang mahal,wala ring patutunguhan! pero anong gagawin ko? mananatili akong nagmamasid sa malayo habang tinatanaw ang taong mahal ko na masaya na sa iba? hihintayin ko nalang ba na ang tadhana ang gumawa ng paraan? mananahimik nalang ba ako habang nasasaktan?
"sana kaya kong pigilan ang nararamdaman ko! sana kaya kong turuan ang puso ko na magmahal nalang ng iba! kung kaya ko lang sana gabb!! sana noon ko pa ginawa! ilang buwan ako nagtiis sa thailand para lang matupad ko ang pangako ko na babalikan ko siya! alam mo ba ang pakiramdam na pinipilit kong magsalita ng ' mahal kita ' sa taong hindi ko gusto? sa taong kinamumuhian ko? ang hirap gumising araw araw kasama ang taong may dahilan kung bakit ko binitawan si jaydee!!" gumigilid na ang mga luha ko pero pilit ko itong pinipigilan.
"I understand!pero tapos na frances! kahit umiyak kapa ng umiyak hindi na yun mababalik!pinili mo si kielle kaya panindigan mo!masakit din sakin na nasasaktan ka,pero sana maging masaya ka nalang para kay jaydee! hindi sa lahat ng oras sasang'ayon sayo ang tadhana at panahon! malupit ang mundo,kaya sana sa susunod na magdedecide ka siguraduhin mong hindi mo pagsisisihan." seryusong saad nito.
"hindi lang ikaw ang nasaktan! hindi lang ikaw ang nagtiis! saksi ako sa pinagdaanan ni jaydee nung mga panahong iniwan mo siya! deserve ni jaydee maging masaya at sana wag mo yun hadlangan" she said at naglakad papasok ng bahay.
"tama siya ut ut! we can't force jaydee para mahalin ka ulit,siguro tanggapin mo nalang na hindi na ikaw" coco said,tumulo ang luha ko na kanina pa pumapagilid.
BINABASA MO ANG
LOVE TROUBLE
Fiksi Penggemargxg Fradeesal/dong&dong hanggang saan ka ilalaban ng taong pinili mong ipaglaban? hanggang kailan mo pipiliin ang taong nagsimula ng kwento niyo? hanggang saan ang kwento ng iyong libro kung natatapos na ang pahina nito? Characters 🦋 -Jaydee Villar...