Chapter 55

576 65 2
                                        

Amy's Pov:

maaga akong sinundo ni laney para sa planu naming sabihin kay jaydee ang nakita namin,ng makarating kami sa bahay ni jaydee sobrang tahimik ng paligid parang hindi ako sanay kasi dati pag nasa labas palang kami rinig na namin ang mga boses nila pero ngayon parang nag iba ang ihip ng hangin.

ilang beses kami nag doorbell pero walang lumabas para pagbuksan kami,kanina pa kami nagtataka kung bakit parang walang tao ang bahay.

kinall ko si jaydee at agad din naman nitong sinagot .

*OTP

: where are you? andito kami sa labas.

; huh? sa bahay?

: Oo! kasama ko si laney,may balak ka bang lumabas para pagbuksan kami? nakakangalay kaya dong!

; andito ako sa condo ni frances,wala ba si madie dyan?

: gago ka ba? bakit kasama mo si frances kaysa sa girlfriend mo!?

; amanda,magpapaliwanag ako.

: saan kami pupunta? kanina pa kami dito!

; sige hintayin niyo nalang ako dyan,ilang minuto lang naman ang layo ng condo ni frances sa bahay.

: fine,dalian mo!

; ito na nga.

binaba ko na ito at umupo sa bato sa ilalim ng puno,buti nalang hindi masyadong mainit ngayon. kanina pa hindi mapakali ang kasama ko, tahimik na parang ang lalim ng iniisip.

"huy! kung kumilos ka parang may kasalanan ka" singhal ko dito.

"anong may kasalanan? kinakabahan ako!" inis na sabi nito.

"kalma ka lang kasi!" i said.

naglakad siya papalapit sakin at umupo sa tabi ko.

mga ilang minuto pa ang lumipas bago dumating ang sasakyan ni jaydee,bumaba ito kasama si frances kaya napa irap nalang ako,itong kasama ko naman ang lapad ng ngiti!

"hi therese" nakangiting bati ni laney

"hi bebang" pag irap ni frances sakanya .

"tara na" saad ni jaydee at naunang maglakad.

binuksan niya ang gate gamit ang susi nito,ng makapasok kami nagulat kaming bukas ang pintuan ng bahay kahit walang tao?

nagsitinginan kaming apat at nag iisip kung bakit bukas,madalas kasing sinasarado ni madie ang bahay pag aalis siya or uuwi siya sakanila.

naunang pumasok si jaydee at tila napahinto ito,sumunod kaming pumasok at tumambad samin ang napakaraming bote ng alak yung iba ay basag at tila binasag ito ng sadya.

dahan dahan kaming naglalakad dahil baka masugatan kami ng mga bubog ng bote,dali daling umakyat si jaydee sa kwarto niya. kinakabahan na talaga ako dahil baka nilooban ang bahay niya.

"tulungan niyo'ko ligpitin to" i said at niligpit ang mga pinggan na nagkalat sa lamesa.

nagtulungan kaming ligpitin ang mga nagkalat na gamit,natigilan kami ng biglang sumigaw si jaydee mula sa kwarto niya .

"Helppppp!!!" parang tumigil ang pagtibok ng puso ko sa sobrang gulat at kaba.

nakita kong tumakbo si frances papunta sa kwarto, nagkatinginan lang kami ni laney habang pinapakiramdaman ang mga nangyayari.

hinila ko siya papunta sa kwarto ni jaydee,lumaki ang mata ko ng makitang nakahandusay si madie sa mga braso ni jaydee,hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko dahil sa kaba,bumubula pa ang bibig nito kaya mas lalo akong kinabahan.

LOVE TROUBLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon