Chapter 59

506 69 7
                                    

Jaydee's Pov:

*Hideout

nasa labas kami ng hideout ngayon ni queen,bukas ang alis namin papuntang thailand. i convinced her na wag ng sumama pero ayaw pumayag,sasama siya pero dito pa rin siya mag aaral . kailangan ko lang kausapin si gabb dahil mula kahapon hindi ko siya nakausap,hindi nagrereply sa text at tawag ko kaya naisip kong puntahan siya dito.

nagulat ako nang makita ko si Arthur at Clark na nasa gate,antagal na noong huli kaming magkita. He opened the gate for us at ngumiti ng makapasok kami.

"Goodmorning Queen, goodmorning jaydee" bati nila,tumango lang si frances at naunang pumasok sa loob.

"long time no see, kamusta?" tanong ko.

"Buhay pa naman,ikaw? kayo na?" agarang tanong ni clark.

"anu sa tingin mo?" nakangising tanong ko pabalik.

"well,i guess i am right!e yung madie mo?" tap niya sa balikat ko.

"she's okay with us, friends pa din naman kami. masakit ang ginawa ko sa kaniya pero pinatawad niya ako, i know that she distance herself because she's still in pain. at hindi ko siya masisisi dun,nag iba na kase pakikitungo niya sakin." kwento ko, naunang pumasok si arthur sa garden area dahil nandun ang ibang trainees. kaya naiwan kami ni clark walking slowly para mas matagal ang usapan namin.

"that's love,at least minahal mo siya ng totoo.are you happy with queen?" tanong ulit ni clark habang naglalakad kami.

"of course! mahal na mahal ko ang kaibigan niyo.pero hindi pa rin maaalis na nanloko ako ng tao,at kaibigan ko pa" i sadly said,totoo naman e. kaibigan ko si madie bago naging kami, minahal ko nga siya pero may parti sa puso ko na nagsasabing hindi siya ang bubuo sakin na hindi ko man lang pinakinggan.

"yeah,pero lahat tayo nagkakamali it's up to you kung tatanggapin mo ang pagkakamaling nagawa mo. you deserve queen, jaydee! nanloko ka nga but not intentionally,minahal mo naman si madie in your own way pero hindi lang talaga kayo para sa isa't isa. siguro kayo yung tinatawag na 'trying to be fitted but never' kasi nagmamahal ka habang may frances na nakalaan sayo" he said,hahaha finding it weird pero he's nice pagdating sa gantong usapan.

"galing mo sa mga advices huh,by the way bakit puro babae tropa mo?" nakangiting sabi ko sabay tanong.

"i think i'm safe pag babae tropa ko. I don't know if ako lang nakakaisip neto,pero mas gusto ko maging tropa mga babae kasi feeling ko i'm the most protective kuya sa kanila and hindi sila mga plastic cause they are 'Can', they 'can' keep my secrets safely." he said,natawa ako sa hindi sila plastik dahil lata sila but behind that joke there is deep meaning na mapapangiti ka nalang. Oo nga noh? They are 'CAN' , they can anything that they want. nice joke with logical education.

"nice,kaya pala komportable ako sayo pagdating sa gantong usapan kasi makatotohanan ang mga lumalabas sa bibig mo. anong trabaho mo bukod sa ganto?" i immediately asked cause why not?

"Agent. naging psychologist din ako" pagbuntong hininga niyang tugon, nilingon ko siya dahil nagtaka ako. Agent at psycologist? bakit siya nandito?

"agent? psycologist? seryoso ka? bakit ka nandito?" andami kong tanong pero interasado ako sa sagot niya.

"mahabang kwento,tara na" he said at hinila ako papasok.

nakasalubong namin sina gabb,coco at frances na may pinag uusapan.

"oh ayan na pala sila" clark said .

agad kong nilapitan si gabb para kausapin.

"Gabrielle" tawag ko sa kaniya, tiningnan niya lang ako ng masama kaya napangiti ako.

LOVE TROUBLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon