Frances' Pov:
kasama ko si gabb at coleen ngayon papuntang chapel, natawagan ko na din si clark para sumunod samin sa laguna.
pagdating namin natanaw ko agad si jaydee kasama si madie na nakahawak sa braso niya at sina amy at laney naman ay nakaupo lang kasama ang mommy ni jaydee.
"Condolence po tita" i said at niyakap siya,ganun din ang ginawa ni gabb at ni coleen.
"Salamat iha" her mom said.
nilingon ko si jaydee na ngayon ay hawak hawak ang kamay ni madie,may kurot pa rin sa puso ko pero kailangan kong itago,kailangan kong magpanggap na hindi ako nasasaktan. lumapit ako sakanya at niyakap siya dahilan para bumitaw si madie sa kamay niya.
"Condolence dong" ngiti ko sakanya bago putulin ang pagkakayakap ko.
"salamat frances" sagot niya, nilingon ko si madie na seryusong nakatingin sakin.
nag kukwentuhan lang kami tungkol sa gagawin namin mamaya at ng kung anu ano pa habang nakaupo sa mahabang upuan,lumipas ang isa't kalahating oras ay napagpasyahan namin na umalis na. lumabas kaming lahat sa chapel para mag usap.
"mom alis muna kami,babalik ako dito" rinig kong paalam ni jaydee.
"mag iingat kayo" her mom said.
nandito na kami sa labas may nahagip akong pamilyar na tao,naka black hoodie at naka mask! tinitigan ko lang siya hanggang sa tumayo ito at nagtanggal ng mask sabay ngiti sakin. Arvell?? anong ginagawa niya dito?
"Frances?" naputol ang tingin ko kay arvell nang tapikin ni gabb ang balikat ko.
"Okay ka lang?" dagdag pa niya.
lumingon ulit ako na kinaroroonan ni arvell ngunit bigla itong naglaho.
"queen?" rinig kong sabi ni jaydee.
"I'm okay!" sagot ko.
bigla akong kinabahan sa sinabi ni arvell noong nakaraang araw,hindi maalis sa isip ko ang binitawan niyang salita 'panu nalang ang buhay ni jaydee?' . hindi ako papayag na madamay si jaydee sa planu niya.
"So anong planu?alis na ba tayo?" coco said.
"pwede ba kami sumama?" tanong ni laney kay Coleen.
"Hindi! walang sasama sainyo" sagot ni jaydee
"sayang,gusto kong makita si gabb habang nanununtok" pabirong sabi ni laney.
"e kung ikaw suntukin ko dyan!?" pagsusungit ni amy.
"wag na kayong sumama,lalo kana jaydee" saad ko,nagulat naman siya sa sinabi ko.
"sasamahan ko kayo!" sagot niya,napakatigas din ng ulo ng taong to!
"mahal tama siya! wag ka nalang sumama" madie said,talagang hindi dahil baka sundan kami ni arvell dahil sayo!
"mahal napagusapan na natin to diba?" sambit ni jaydee.
"wag kang mag alala madie,ako ng bahala sa jowa mo!hindi ko siya pababayaan" saad ni gabb,isa pa to!
"ano pang hinihintay natin? tara na" coco said at naunang pumasoks sa kotse.
"mahal mag iingat ka dun!bumalik kayo kaagad" nakatalikod na ako pero rinig ko pa rin ang usapan nila.
"mag iingat ako mahal, samahan mo muna si mommy babalikan ko kayo!" rinig kong sagot niya.
naglakad na ako papuntang kotse,pilit kong pinapakalma ang sarili ko para di mahalata na naaapektuhan ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/276999380-288-k740286.jpg)
BINABASA MO ANG
LOVE TROUBLE
Fanfictiongxg Fradeesal/dong&dong hanggang saan ka ilalaban ng taong pinili mong ipaglaban? hanggang kailan mo pipiliin ang taong nagsimula ng kwento niyo? hanggang saan ang kwento ng iyong libro kung natatapos na ang pahina nito? Characters 🦋 -Jaydee Villar...