Jaydee's Pov:. . . .sobrang nagulat ako when i saw gabb bathing with her own blood . . .
tulala lang si frances habang parehas naming hawak ang bumagsak na katawan ni gabb.
binitawan ko si gabb,nilingon ko si arvell at agad na sinuntok,hinawakan ko ang magkabilaang braso niya patalikod,lumapit si jie at hinampas siya ng baseball bat,nahimatay siya sa sobrang lakas ng pagkakahampas ni jie.
nilingon ko si kielle,hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga oras na to! ang alam ko lang galit ako!susuntukin ko na sana siya pero may pumigil sakin, biglang dumating ang sasakyan ng pulis at ambulance.
"tama na yan!" Arthur said,ngayon di ko na nararamdaman ang bawat patak ng luha ko.
"gabb kumapit ka!" rinig kong sabi ni coco.
"jay-dee" tawag niya sakin.
"sshhh wag kana magsalita!nababawasan ang dugo mo!" saway ni frances sakanya.
lumapit ako kay gabb at hinawakan ang pisngi niya.
"gago ka ba? bakit mo ginawa yun?!!" inis na sabi ko, hinawakan niya ang damit ko at bumulong sakin.
"di-ba sa-sabi ko sa-yo akong baha-la sayo? kung ga-go ako mas gago ka!!" sagot niya,tuloy pa rin ang pag iyak ko kahit inaasar niya ako.
"wag kang matulog" pakiusap ko.
"dong sakali ma-" di ko na siya pinatapos.
"hindi!! mag aaral pa tayo sa batangas!" saad ko,tumulo ang luha niya sa sinabi ko.
"ba-ka lang naman,sa-salamat kasi di ka na-wawa-la pag kai-langan kita." bigkas niya,ngumiti siya bago pumikit.
"gabb?!! GABB!!?gabb lumaban ka please!wag mo'kong iiwan! hindi ko na kayang mawalan pa ulit ng taong importante sakin!" sigaw ko bago siya kunin para dalhin sa hospital.
nakatayo lang ako habang inaaresto ang dalawang hayop sa harapan ko,sari sari ang nararamdaman ko! galit ako dahil sa ginawa ni kielle sa daddy ko,galit ako dahil sa ginawa ni arvell kay gabb at natatakot ako baka mawala si gabb samin.
pahakbang na ako nang yakapin ako ni frances.
"I'm sorry" she said,hindi ako nagsalita dahil sa pagod.
"dahil sakin nawala ang daddy mo" pagpatuloy niya,bumitaw ako sa pagkakayakap niya at hinawi ang buhok niya sa tenga.
"wala kang kasalanan! walang may gusto sa nangyari" saad ko at ngumiti ng pilit.
binigay samin ang address kung saang hospital dinala si gabb,para kaming basang sisiw na naglalakad papuntang kotse.
huminto ako ng ilang segundo nang biglang sumabog ang sasakyan namin,buti nalang medyu malayo kami kaya walang nasaktan.
"What the hell??" rinig kong sabi ni jie.
"tinuloy niya talaga ang planu niya" bulong ni frances pero narinig ko.
"planong patayin tayo?" walang emosyon kong tanong.
"ang patayin ka" she said kaya napalingon ako.
"sana nga ako nalang,wag lang si daddy o si gabb." wala ng luhang pumapatak pero gusto ko pang umiyak.
"yun ang hindi ko hahayaan!" she said.
hinawakan niya ang kamay ko nagsalita ulit.
"yun ang hindi ko kakayanin, ang mawala ka! mas gugustuhin ko pang makita kang masaya sa iba kesa makita kang natutulog sa kabaong!" sambit niya at niyakap ako ng mahigpit.

BINABASA MO ANG
LOVE TROUBLE
Fanfictiongxg Fradeesal/dong&dong hanggang saan ka ilalaban ng taong pinili mong ipaglaban? hanggang kailan mo pipiliin ang taong nagsimula ng kwento niyo? hanggang saan ang kwento ng iyong libro kung natatapos na ang pahina nito? Characters 🦋 -Jaydee Villar...