Chapter 37

408 71 2
                                    

Frances' Pov:

kanina pa ako naghihintay kay jaydee at gabb,tapos na kaming magshoot pero hanggang ngayon wala pa rin sila.

maya maya pa'y may kumatok,tumayo ako at binuksan ang pintuan.

"Jay-?" di ko na natapos ang sasabihin ko.

"pinilit ako ni gabb na pumunta dito,anong pag uusapan natin?" she said at deritsong pumasok.

naiwan ako sa pintuan kay nilock ko ito para walang makarinig,nilingon ko siya na ngayon ay papunta na sa terrace ng room na ito.

"coffee?" alok ko.

"yes please" sagot niya.

kinakabahan ako kaya pinagtimpla ko muna siya ng kape,sumunod ako sa terrace at binigay sakanya ang coffee.

"ang ganda dito" saad niya. nakikita namin ang lawak ng lugar sa ilalim at ang mga magagandang reflection ng mga ilaw dahil pagabi na.

"ang ganda sobra" i said habang nakatitig sakanya.

"so anong pag uusapan natin?" panimula niya at uminom ng kape.

"tungkol satin" deritsong sagot ko.

tumingin siya sakin at ngumiti lang.

"anong tungkol satin? meron ba?" sarkastikong saad niya,ramdam kong nasasaktan pa rin siya.

"jay-" hindi ko ulit napatapos.

"tapos na yun,masaya na tayo.may kielle ka! may madie ako,siguro it is the right time para sabihin sayo na napatawad na kita" she said at tumingin sa malayo.

hindi ko alam pero biglang tumulo ang mga luha ko,hindi ko matanggap na marinig ko mismo sakanya na masaya na siya,na may madie na siya.

"hindi mo ba ako tatanungin kung bakit si kielle ang pinili ko?" naluluhang sabi ko.

"bakit pa? sayo ko mismo narinig na hindi mo na ako mahal,na si kielle ang mahal mo! dun pa lang sa part na paulit ulit kong naririnig ang katagang 'hindi na kita mahal jaydee' malinaw na sakin ang lahat,tinanggap ko kahit mahirap paniwalaan" saad niya at ngumiti sakin.

bakit sa tuwing ngingiti ka nasasaktan ako?bakit sa tuwing nagsasalita ka ng kalmado para akong dinudurog?

"pinili ko siya dahil ayokong mawala ang school na pinaghirapan ng mga magulang ko!natalo si daddy sa sugal at si kielle ang may hawak ng titulo kaya ko nagawang iwan ka! nagtiis ako ng ilang buwan na kasama ang taong hindi ko mahal!nagtiis ako mahal kahit hirap na hirap na ako,kahit miss na miss na kita kinaya ko lahat! tiniis ko yung mga bagay na ayokong gawin kasama si kielle!gabi gabi akong umiiyak kakaisip sayo! mahal nangako ka sakin na ako lang ang mamahalin mo diba? nangako ka!" i said between my sobs.

"sabi mo pipiliin mo'ko sa lahat? sabi mo kahit wala ako sa choices ako pa rin ang pipiliin mo? sana sinabi mo sakin lahat para nagawan natin ng paraan!hindi mo manlang naisip ang nararamdaman ko? iniwan mo'ko ng walang dahilan! araw araw akong nababaliw kakaisip kung anong kasalanan ang nagawa ko sayo!" tumulo ang luha niya pero kalmado pa rin siya,bumalik siya sa loob at umupo sa couch.

"nasaktan ako ng sobra frances!! gabi gabi rin akong umiiyak kakaisip sayo! kakaisip kung bakit mo yun ginawa sakin!hanggang sa namanhid na ako sa nararamdaman ko! hindi ko na namalayang nakakalimutan na kita! na natuto na akong magmahal kahit hindi na ikaw!! na kaya ko palang palayain ang puso,na kaya ko palang palayain ka! tapos ngayon babalik ka? para anu? para sabihin ang lahat ng ito? sana noon frances! sana noon mo pa sinabi! sana hindi na tayo umabot sa gantong sitwasyon! nangako ako sayo pero panu ko yun tutuparin kung ikaw mismo ang sumira sa pangako mo sakin?panu ko yun panghahawakan kung ikaw mismo ang bumitaw?" tuluyan ng bumagsak ang mga luha sa mga mata niya.

LOVE TROUBLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon