Chapter 25

433 60 5
                                    

Frances' Pov

7:00am nagising ako sa ingay ni laney at amy na ngayon ay nagbabardagulan sa kabilang kwarto,rinig na rinig ko ang asaran nilang dalawa,nilingon ko ang kabilang side ng kama hanggang ngayon wala pa rin sila baka nag eenjoy talaga sila.kinuha ko naman ang phone ko at may natanggap akong message.

From jaydee: sorry di kami nakauwi kagabi,naabutan kasi kami ng ulan bago pa kami makaalis sa bahay nila madie saka lowbat din cellphone ko at wala masyadong signal kaya di ako nakatawag o text man lang.btw,pauwi na kami.

di na ako nagreply,naligo ako at nagbihis para magluto.tapos na'ko gumayak pero yung dalawa sa kabila di pa tapos mag asaran kaya pinuntahan ko.

"ang aga aga ang iingay niyo!samahan niyo ako magluto sa baba pauwi na daw ang magbestfriend." i said at naglakad pababa.

"bestfriend? HAHAHAHA huy ako bestfriend ni jaydee!gawa gawa ka ng kwento dyan!" sigaw ni amy .

"tayo!anong ikaw lang? kapal mo naman!" pagsusungit ni laney.

"whatever!" sambit ko at patuloy sa paglalakad papuntang kitchen,sumunod naman ang dalawa.

"pauwi na sila?" tanong ni laney.

"pa ulit ulit tayo dito? ikaw talaga bebang para kang boomerang!" amy said na natatawa.

"kinonfirm ko lang! ang epal mong aswang ka!" inis na sabi ni laney.

"narinig mo na kanina e binge ka lang talaga!ikaw nga kapre!" pang aasar ni amy,hindi na natapos asaran ng dalawang to.

"aba--" hindi ko na pinatapos sasabihin ni laney ng putulin ko.

"alam niyo kayong dalawa sarap niyong bigwasan! kailan ba kayo magpapakasal ng tumahimik naman ang mundo?!" singhal ko.

"kasal? sakal pwede pa!" amy said uminom ng tubig.

"as if gusto ko magpakasal sayo!" sagot ni laney.

"ayaw mong magpakasal pero gusto mo namang magpasakal! sakalin kita eh!" natatawang sabi ni amy.

"anong klasing sakal yan?" pang aasar ko sa dalawa.

nagtinginan naman silang dalawa.

"ikaw frances ha! iba iba nasa isip mo! bakit? nasakal kana ba ni jaydee?" pang asar pabalik ni laney.

"speaking of! mamaya ako sasakal sa kaibigan niyo!" i said,naisip ko nanaman na hindi siya nakauwi.

"ayan! bibig mo talaga pahamak!" amy said at sinuntok si laney sa tagiliran sabay takbo sa kwarto.

"a-ara-yyyyy!!! bwesit ka masakit yun!" sigaw ni laney at hinabol si amy.

tama nga naman sinasabi ni madie laging may scene ang Tom&jerry dito sa bahay na to.

"Huyy bumaba kayo dyan!tulungan niyo ako magluto dito!" sigaw ko sa dalawa,agad naman silang bumaba habang nagtutulakan,nagmumukha na ako nanay dito dahil sa dalawang to.

"ikaw dyan!"
"baka ikaw!"
"gago kaba?"
"tumahimik ka sasakalin talaga kita"

rinig kong bulungan nilang dalawa sabay nagtutulakan habang pababa ng hagdan.

"puro kayo asaran!kayo maghiwa ng mga gulay dito" i said at kumuha ng mga ingredients at nilagay sa lamesa.

nagsimula naman silang maghiwa at sinimulan ko na din magluto,pagkatapos naming magluto umakyat ulit ako sa taas para kunin ang cellphone ko.chinat ko si jaydee kung nasaan na sila.

LOVE TROUBLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon