Jaydee's Pov:
2days ng absent si frances hindi ko pa rin alam kung bakit,ilang beses ko na siyang kinontak pero wala talaga kahit si coco at gabb hindi na alam kung anu ang nangyayari. nasa school kami ngayon puro tulala,nag iisip kung anong pwedeng gawin.planu naming lahat na puntahan siya bahay nila.
"dong?" basag ni madie sa iniisip ko.
"hmm?" tumingin lang ako sakanya.
"baka masama lang pakiramdam nun!" she said at tinapik ang balikat ko.
"magsasabi naman yun if masama talaga ang pakiramdam niya,saka hindi nun matitiis si jaydee.tapos ngayon kahit chat or text wala?" gabb said.
"isa pa goodmorning to good evening nagchachat sakin yun pero now wala talaga" saad ni coco.
tahimik lang ako habang nakikinig sa mga sinasabi nila,pero i know na babalikan ako ni frances nangako siya sakin, maghihintay ako hangga't kaya ko.
"puntahan na kaya natin sa bahay nila?" nag aalalang sabi ko.
"skip natin ang last period?" tanong ni gabb.
"sige!diretso na tayo sa bahay nila" sagot ni laney.
"panu tayo makakalabas?" amy said.
"akong bahala!locker lamang ang sagot" ngumising sabi ni gabb.
"huh?what do you mean?" madie asked gabb.
"simple lang!let's act like a college students!sakto may mga training sila ngayon,lahat ng uniform nila nasa locker lahat. so anu pang hinihintay natin?" she said at naunang lumabas.
"hanep talaga tong si gabb basta may butas tiyak na makakatakas!" laney said at tumawa.
"sinabe mo pa!" coco said at ngumiti.
naglalakad lang kami papuntang third floor kung saan ang room ng mga college students,we went to locker room para kunin ang mga uniform nila.
"Binggo!!" excited na sabi ni gabb.
"feeling college student tayo ngayon" laney said at umapir kay gabb.
pagkatapos naming kunin ang mga uniform agad namin itong isinuot.bumaba kami at nag acting na parang college student.
kinabahan kami nung malapit na kami sa gate.
"anu? dun nalang ba natin gagawin sa condo mo? bukas pa naman deadline nito" panimulang acting ni gabb.
"yeah kailangan natin matapos ang project ngayon mismo" sakay naman ni madie.
"wala na ba kayong klase?" the guard asked.
"ah wala na po! marami kasi kaming gagawin na mga project kaya maaga kaming pinauwi" coco said at tumingin sakin.
"okay!mga id niyo?" tanong ni guard.
"poteks patay tayo" bulong ni gabb sakin.
tumingin naman ako sa guard.
"nagpabayad kami ng tuition sa kaklase namin para sa last sem,lahat ng id namin nasa kanya!pwede din naman ikaw na din kumuha sakanya guard!?" seryusong sabi ko.
hindi na siya nagsalita pa kaya dumaan kami,sabay naman kaming napabuntong hininga. pero ngayon ko lang naisip na wala palang kinalaman ang id sa pagbabayad ng tuition kaya natawa ako mag isa habang naglalakad.
"ang saya mo naman?" coco said.
"hahaha guys ngayon ko lang naisip na walang kinalaman ang id sa pagbabayad ng tuition!" i said at tumawa ulit.
BINABASA MO ANG
LOVE TROUBLE
Fiksi Penggemargxg Fradeesal/dong&dong hanggang saan ka ilalaban ng taong pinili mong ipaglaban? hanggang kailan mo pipiliin ang taong nagsimula ng kwento niyo? hanggang saan ang kwento ng iyong libro kung natatapos na ang pahina nito? Characters 🦋 -Jaydee Villar...