Chapter 60

416 77 5
                                    


Jaydee's Pov:

nagising akong sobrang sakit ng ulo ko, lumingon ako sa gilid ko pero walang frances sa tabi ko. napabangon ako ng maisip kong ngayon pala ang flight namin papuntang thailand,agad akong nagtungo ng cr para maligo at magbihis, nang matapos ako dali dali akong bumaba natigilan ako ng makita ko silang lahat na nasa baba at may kanya kanyang ginagawa ngunit wala si frances sa paningin ko kaya nagtaka ako.

"nakakita ka ba ng multo?" natatawang tanong ni gabb.

"sasama ba kayo?" takang tanong ko.

"ha? HAHAAHA syempre sasama kami,sasama kami sa paghatid sayo sa airport" amy said.

"ako lang?" tanong ko ulit,nanliit naman ang mata ni ella na katabi ni gabb.

"anong ikaw lang? akala ko ba sasama si frances?" she said.

"that's why i'm asking,where is she?" tanong ko,ewan ko kung natatawa sila o pinagtitripan lang ako.

"guys?! nagtatanong ako" inis na sabi ko.

"hang over pa ata yan dong HAHAHAHA syempre umuwi yung jowa mo saka kumuha ng mga gamit niya! tatanga tanga to,ayusin mo nga yang polo mo" laney said,kakababa ko lang ang sarap nilang kaltukan isa isa.

napabuntong hininga nalang ako,mga gagong to!

"nakakainis naman kasi mga mukha niyo! nakakakaba" i said.

tinawanan lang nila ako, nabaling ang atensyon ko kay ella.

"ella,wala ka pala kahapon dito,may pinuntahan ka ba?" tanong ko.

"ayy oo pala jaydee, bumalik ako sa company nila madie para ipasa ang resignation paper ko" she said.

"what? hindi mo naman kailangan gawin yun ella,saka makakadagdag din ang sweldo mo dun sa para sa allowance mo" i said,naisip ko tuloy si madie ilang araw na kasing hindi nagpaparamdam.

"okay lang jaydee,sapat naman na ang sweldo ko dito at libre naman lahat ng gastusin ko sa school" nakangiting saad nito.

"ahm matanong ko lang,si madie ba nakita mo dun?" naiilang na tanong ko,ramdam kong nag iba ang mga galaw ng mga kasama ko dahil sa tanong ko.

"yun na nga ang gusto ko ring itanong sayo,hindi ko kasi siya nakita dun sa ilang araw na pabalik pabalik ako roon. ni anino nga niya hindi ko nakita" saad niya,hindi ko alam pero kinabahan ako sa sagot niya.

nagtinginan kaming lahat, halata na wala din silang alam kung bakit bigla nalang naglaho si madie.

"gabb? nung araw na iniwan mo si madie sa hospital may sinabi ba siya sayo?" tanong ko kay gabb.

"wala naman dong,isa lang naman sinabi niya sakin. wag daw kitang hayaan mapahamak,nag aalala siya sayo ng mga oras na yun pero wala siyang sinabi na aalis siya o anu pa man" paliwanag niya.

"hindi ko nga rin siya matawagan,sabi niya kasi sakin dati balitaan ko daw siya kung matutuloy tayo sa batangas" amy said.

"yeah,and sabi niya rin sakin na kung sakaling matuloy tayo,doon raw tayo sa bahay ng kapatid ng mommy niya. hindi daw kasi ginagamit ang bahay nila dun sa Batangas" pagkwento ni coleen.

"panu kung nauna na pala siya sa batangas?" laney said,may point siya pero bakit hindi siya nagpaalam?

"walang paalam?hindi ganun si madie" i said.

LOVE TROUBLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon