Kabanata 32

897 53 22
                                    

Kabanata 32

Memories

"Umiiyak ka na naman?" Napakamot sa ulo si Ate Nene.

Ilang linggo na simula nung putulin ni River ang ugnayan naming dalawa. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Yung mga sandaling naging sobrang masaya ako, ito ang kapalit. Palagi na lang talagang may kapalit ang pagiging masaya, no? Ilang beses na akong natakot at hinold back ng dilemma na iyon.

"Hayaan mo na lang ako, Ate."

"Paano kita hahayaan? Rinig na rinig ko iyak mo... Hindi ka na naman kumakain. Ang lala ng eyebags mo. Ni hindi mo kinakausap sina Sir Deus."

"My parents doesn't care,"

"Hindi totoo 'yan, Lei. Lagi ko silang naririnig na nagtatalo dahil sa kondisyon mo-"

"Condition?" I turned to her.

She sighed. Lumapit siya sa akin at umupo rin sa sahig.

"Sa kalagayan mo..."

"What's wrong with being sad? What's wrong with crying? What's wrong with admitting that I'm struggling? Titigil ba ang mundo kung maging malungkot at miserable ako? Hindi naman 'di ba?"

"Tama ka, Lei. Hindi titigil ang mundo para sa atin." She looked away.

Ngayon ko narealize na walang-wala na ako. Wala na akong mga kaibigan. Wala na ang kaisa-isahang kapatid ko. Wala na akong makausap.

It's a good thing that Ate Nene approached me.

"Hindi titigil ang mundo sa atin kaya halos lahat tayo, nasa isipan natin na dapat magpatuloy lang... Tama naman... Pero puwedeng magpahinga. Puwedeng umupo ka muna o humiga tapos pakinggan mo ang sinasabi ng puso't-isipan mo. Maging tapat ka sa nararamdaman mo. Maging tapat ka sa sarili mo."

Tumango ako at napangiti. Talking to her is not bad at all. Actually, I can't help but to agree with her. Ang mga bagay na 'yon ay natutunan ko sa sandaling panahon at sa lahat ng mga nangyari.

I lost my brother, I lost my friends... And the one I love rejected me. The damaged family I had, the problems we encounter, the things I acquired in a short span of time... in all of those, I realized that life will continue to go on. The world won't wait for me to heal and move on. It will go on. It can even break you even more. But I also realized that I shouldn't rush all the process - of moving on, of healing... of coming into terms about what happened to me and my surrounding.

Bakit ako makikipagsabayan sa takbo ng mundo kung una pa lang ay hindi ko ito mahabol? Bakit ko pipiliting makisabay kung hindi ko kaya?

I promised myself to take things slowly. I need to pause for a while. I need to sit with my feelings, acknowledge them and remind myself that they are valid and I shouldn't feel ashamed of feeling so weak and impotent. Neglecting them is like a spite to my grave.

"Salamat, Ate..."

"Matulog ka na. Gabi na. Maaga pa ang alis natin papunta Diliman."

"Oo nga..."

Pasukan na namin bukas. Hindi ako nag dorm. Gusto kong makatipid. Isa pa, kaya ko namang mag-aral magmaneho. Bukas, kasama ko pa si Ate Nene at Manong Epi. Ihahatid nila ako dahil ayaw ni Papa na mag commute ako. Pinagbigyan ko na dahil hindi siya papayag na mag-aral akong mag drive kung mag co-commute ako.

"O gusto mo munag tapusin ang pag-iyak mo?" Pinunasan ni Ate Nene ang naglandas na luha sa pisngi ko.

I chuckled. That's my plan.

Mag-iisip lang ako sandali. Kakausapin ko lang muna ang sarili at magiging tapat sa sarili.

Sometimes we hate ourselves when we dwell too much on the things that bother and hurt us, we hate overthinking so much, but can't help but do it... because it's necessary! It's needed.

Bay of Strangers (Manila Girls #2)Where stories live. Discover now