Kabanata 44

930 57 92
                                    

Kabanata 44

Handa

Looking forward to my dinner night with River, I made sure everything's good at work.

Hinatid ako ni Rush sa isang abandonadong bahay sa Escolta kung saan kami magkakaroon ng photo shoot para sa pelikula. Alas dos pa ang call time ng mga artista pero lahat ng mga nasa likuran ng kamera, inatasan kong pumunta ng alas sais ng umaga para makapag meeting muli kami.

Mayroong kasing venue inspection bago pa ang mismong photo shoot. Nagpa install na rin ako ng tent. Baka kasi mag request ako ng lock-in taping kapag nasa kalahati na kami ng pelikula para naman ma-maximize namin ang oras. Nakisuyo na ako kay Andi na i-track ang mga available schedule ng mga artista namin para mapabilis ang gawain kung sakali.

"What's with the frown, Lei?" Tanong ni Rush, inaayos ang kanyang seatbelt at tinitignan ang bahay sa harapan namin.

Nakatitig ako ngayon sa account ni Arianna. Ang profile niya ay nasa isang cafe siya na tiyak kong sa ibang bansa 'yon. Recently updated lang iyon. Noong September lang. Naka tali sa isang mataas na ponytail ang buhok niya at may suot pang aviators. Nakangiti sa kamera at may hawak na matcha latte or something. It's color green.

Nang mabasa ko ang caption, alam ko na kaagad kung sino ang kumuha ng litrato.

You're a wonder, Germany.

📸: Lieutenant Colonel

May ilang mga pictures din sila ni River. Nakita ko ring may IG account siya kaya sinilip ko iyon at nagulat sa ganda ng feed niya. At marami silang pictures ni River! Mayroon doon sa PNPA pa. Or sa mismong quarters nila! May mga night outs din sila kasama sina Lazaro.

Bitterness crawled throughout my skin. I took three sharp breaths before I can try to calm myself, but there's no use.

Sobrang sweet pa ng nga captions niya! May mga nag co-comment pa kung sila ba at masyadong pa showbiz ang sagot ni Arianna. May ilang posts din akong nakita na dumadalaw pa rin sila sa Hospicio de San Jose. Napalunok naman ako. Simula ng magkatrabaho ako, tanging pinansyal na suporta na lamang ang kaya kong ibigay sa mga orphangae, animal shelters, at mga foundations na tinutulungan ko noon. I haven't been active. Nahiya tuloy ako ng kaunti.

Sinarado ko ang phone at hinarap si Rush.

"Inadd ako ni Arianna."

"Yung sabi mong epal?"

Matalim ko siyang tinignan. Sa lahat ba ng sinabi ko, iyon lang ang narinig niya? Na epal si Arianna? Nang makita niya ang tingin ko ay napailing at kagat-labing ngumiti.

"Inaccept mo?"

"Hindi. I deleted it."

He chuckled. "Bakit?"

Tinignan ko muli ang kaibigan.

Rush always looked stunning with his clean haircut, but right now—I'm digging his tousled hair. He reminds me of a foreign actor somewhere in the west. His sleepy eyes, faint little smile, and his over-all fashion sense never fail to capture anyone's attention.

He has been offered different stints by various modelling agencies, but he declined. Mas gusto niya talaga ang trabaho.

"I don't want to be friends with her."

"Hmm,"

We both chuckled. Inayos niya ang bahagyang gusot ng top niya at tumikhim.

Pinagmasdan ko muna siya sandali. He's wearing a white loose button-down long sleeves, a khaki shorts, and a brown top topsider. Bahagyang bukas ang dalawang butones ng kanyang button-down, kaya doon ko napansin ang maliliit na pula sa dibdib niya.

Bay of Strangers (Manila Girls #2)Where stories live. Discover now