Kabanata 23
Subukan
Halos araw-araw kaming magkasama ni River sa apartment niya. Mas madalas niya pa nga akong kasama kaysa sa girlfriend niya. Busy din daw kasi palagi si Aliza lalo pa dahil nakapasok ito sa isang BPO company sa Cubao. Actually, I admire for that. I suddenly regret being so petty—I reported her account and blocked her even though she did not do anything wrong to me.
I was just jealous of her.
Pero ngayon, hindi na... Siguro, nakuntento na rin ako na lagi kaming magkasama ni River at malapit na malapit na sa isa't-isa. My sudden and impulsive confession didn't made a gap between us—if anything, it only made us closer.
I heard Aliza's planning to take him to La Union. Bakasyon daw at sagot nito ang lahat ng gastusin. Pumayag naman si River dahil wala naman daw siyang gagawin.
Tuwing Tuesdays at Thursdays kapag may peer support grouo kami, hindi kami pumupunta ni River sa apartment niya. Minsan, doon kami sa milktea shop sa kanto o di kaya'y iikot kami along Taft Avenue sakay ng motor niya.
Nagustuhan ko rin ang chilimansi na pancit canton na niluluto ni River. Minsan, nilalagyan niya ng itlog o di kaya'y pinapalaman namin iyon sa tinapay pero sabi ni River ay huwag daw namin araw-arawin.
Kagaya na lang ngayon. I'm so eager to eat pancit canton again.
"Canton please..." I pouted. I slightly tugged his shirt. Abala siya sa pagsusulat ng notes.
"Hindi nga puwede, Lei."
"Noong isang araw pa naman tayo nag pancit canton ah?"
Nilingon niya ako. Nakasimangot na. Tila hindi nagugustuhan na kinukulit ko siya tungkol dito.
"48 hours nga."
"Facts ba 'yan?"
"Yeah."
"Anong source mo?"
He smirked. "Family doctor namin..."
Ngumuso ako. Right! He's a Gaisano... I still have to get used to that fact. Hindi ko pinagkalat sa academy na isa nga siyang Gaisano—na parte ng mayamang pamilya sa Cebu.
I let them be. Ano man ang iniisip nila kay River tungkol sa mga issues niya—lalo na ang tungkol sa sugar mommy niya raw ay problema na nila. Sometimes, I'm bothered but I know it won't do me any good.
"Haynako, I still can't believe you're a Gaisano." Napaisip ako.
Thinking about it, it slowly dawned into me. That he is a Gaisano heir... Mayroon siyang mga kapatid na tagapagmana rin ng yaman ng mga Gaisano at maaring tagapagpamahala rin ng mga negosyo nila. My thoughts wandered again. Kung naglayas siya sa kanila, hindi ba naghanap ang mga Gaisano? O hinayaan siyang gawin ito pero babalik siya roon muli sa Cebu?
Iniisip ko pa lang na babalik siya doon, nalulungkot na ako.
"And you lied to me." Tinuro ko siya. Mabilis naman niyang hinuli ang hintuturo ko.
Napangisi siya samantalang bigla naman akong kinabahan. Kahit madalas na kaming nagkakadikit, minsan nagugulat pa rin talaga ako! Lalo na kapag ganito kami kalapit at hindi ko inaasahan!
"Sorry for lying." He uttered.
I saw the sincerity in his eyes. His smile faded as he stared at me. I bit my lower lip as he released the hold on my finger and sighed.
"I only did that because it might ruin my plans."
"Your plans?"
"Uh huh... Kapag nalaman nilang Gaisano talaga ako mas mahihirapan akong mag focus dahil karaniwan sa mga tao ngayon ay habol ang pera namin." His eyes narrowed a bit.
YOU ARE READING
Bay of Strangers (Manila Girls #2)
RomanceIf only she is as cold, arrogant, and snob like everyone sees her, Aviva Kamalei Ortega would have avoided him in the first place. He is nothing but a waving red flag-proud and high. He is broken, troubled, and messy and she does not like any of tho...