Kabanata 14

805 55 62
                                    

Kabanata 14

Party

"Ilan ka?" Inangat ni River ang papel ko.

Ngumuso ako at pinanood siyang pagmasdan ang papel ko at ipagkumpara ang mga papel namin. We just finished checking our paper for Entrepreneurship. Talagang dumayo pa siya rito para tignan ang score ko at ipakita ang sa kanya.

"Taas ko!"

Tumango ako at tinignan ang score niya. 11/20. Not bad. Hindi katulad noong nakaraan. Naka 3 lang siya. Kahit papaano ay natutuwa akong medyo may maganda namang naidudulot ang pagiging malapit ko sa kanya at ang pagsali niya sa tutoring at peer support group.

Hinagod niya ng palad ang buhok at ngumisi sa akin. Napangiti na rin ako at napailing. Tuwing ganito siya—nakangiti at tila nagniningning ang mga mata, hindi ko maiwasang mapangiti na rin. Minsan, tuwing iniisip ko siya, nararamdaman kong tila may humahaplos sa aking tiyan na malamig na kamay. Minsan naman, nakakalimutan ko na ang paligid tuwing iniisip siya.

"Tuloy ba tayo bukas?"

I nodded. Sabado bukas. Pagtapos ng tutoring session namin kasama si Fitcher at ilang mga JHS, didiretso kami sa apartment niya. Tutulungan ko siya sa parte niya sa Practical Research. Hindi siya kasama sa grupo ko pero tutulungan ko pa rin siya. Hindi naman niya pinilit. As a matter of fact, I am the one who offered to help him.

Vanna and Daven warned me about it. Hindi ko na binanggit kay Maven at sinabihan ko na rin ang dalawa na huwag nang sabihin sa kanya. Kodiak told me that it doesn't feel right. Kaya naman, ihahatid niya raw ako bukas sa apartment ni River at maghihintay sa labas.

"Oo."

"Nakapagpaalam ka nang maayos sa parents mo?"

"Nagawan ka na ng paraan."

"You can give them my address."

Umiling ako. "Huwag na. Hindi naman ganoon kahigpit sina Mama."

"How about your bodyguards? Hmm?" Nilapag niya ang papel namin sa desk ko. Break time na namin kaya umalis na ang ibang mga kaklase. My friends are still on their seat, mukhang may malalim na pinag-uusapan.

Kinuha ni River ang upuan na nasa harapan ko at paharap siyang umupo roon. Nagtaas ako ng kilay. I guess that's his favorite move. And I really find it... hot... I don't know. Nakaharap siya sa akin pero ang upuan ay nakatalikod...

"Ihahatid ako ni Kodiak bukas..."

"Kodiak?" He licked his lips. "Hindi si Maven?"

"Hindi niya alam," Nag-iwas ako ng tingin.

"Why?" I can hear the curiosity in his voice.

"H-hindi ko sinabi."

"Why? Afraid that he'll get jealous?"

"Jealous?" Napaharap ako sa kanya.

Tumango siya at ngumuso tapos ay ngumiti. Napakagat agad ako sa labi, pinipigilan ang ngiti. Bakit kasi ang gwapo gwapo niya lalo kapag nakangiti? He bit his lower lip. His eyes are overshadowed by a wilderment and amusement. He shifted on his seat and looked at Maven. Napatingin din tuloy ako kay Maven.

"Lei," Tawag ni Maven at kumaway nang makitang nakatingin kami sa kanya.

Sinulyapan niya pa si River at kitang-kita ko ang nagdaang pagkairita sa kanyang mga mata.

"Hmm, why Maven?"

"Kain na tayo,"

"Okay," Tumayo ako at tumikhim.

Bay of Strangers (Manila Girls #2)Where stories live. Discover now