Kabanata 21
Torture
"Is it true?" Daven's curious eyes made me roll my eyes.
Mabilis kumalat sa academy ang balitang may sugar mommy si River. Hindi ko alam kung paano 'yon kumalat pero si Vanna at Maven lang ang pwede kong ituro at sisihin. Naging katuwaan at asaran iyon ng mga boys at rinig ko ang iilang pagkadismaya mula sa mga babae.
Sa lahat ng iyon, nag-aalala ako kay River. Alam kong naririnig niya ang tungkol sa issue na iyon pero ni minsan ay hindi siya nagsalita tungkol doon.
I glared at my phone, waiting for my parents' response. I told them I'll be going to QC to visit an animal shelter with some of the staff from CARA. May mga bago silang kukunin na aso at pusang kalye mula sa QC.
"Huwag kang naniniwala sa sabi-sabi."
"Sabi ni Maven... Kasama ka raw nung nakita nila ni Vanna."
"So sila nga ang nagpapakalat?"
She sighed. "I feel sad for River. He should address this as soon as possible."
I sighed too and looked away. I know River's not the type to dwell on issues and rumors like this. I know he's so easy-going but it must have been affecting him in a way. People may see him as the type to just shrug it off, and he'll really let people to be wrong about him. Alam kong ganoon siya. He never once corrected the talk and the rumors about him that he's a playboy.
I feel bad, honestly. Hindi ko alam kung paano pagsasabihan si Maven at Vanna sa ginawa nila. That's just too low and disguting.
I didn't like that they're meddling with River's life affairs. Paano pa kaya kapag nalaman nila ang iilang mga impormasyon at importanteng detalye na alam ko tungkol kay River?
"See you on November?" Atticus gave me a warm smile.
Sa likuran niya ay naroon si Zina. Parehas na nakabihis na ang dalawa at paalis na. Ni hindu ko man lang nakakuwentuhan nang matagal si Atticus.
Atticus is already asking me questions about River. Talagang pinagkakanulo niya talaga ako kasi ramdam niya nga na gusto ko si River. I'm not going to lie, it still excites me to think about River... Masaya pa rin ako kahit na alam kong malaki ang posibilidad na mag pinsan kami.
Nasulyapan ko ang mga bagahe nila Atticus at Zina sa sala. Yumakap ako sa kapatid at nginitian si Zina.
"Ganoon katagal?" Nguso ko.
"Yeah."
"Paano ang bakasyon niyo ni Papa?"
"He moved it next year. January na ata?"
The two smiled at each other. Tila ba tuwang-tuwa si Atticus na isipin ang tungkol sa bakasyon habang masaya naman si Zina para sa kanya.
"We'll call, Lei. Don't worry. At ako ang mag-aalaga sa Kuya mo." Ngiti ni Zina.
"Asahan ko 'yan ha..."
"Of course, malakas ka sa akin eh." She chuckled and pulled me close for a hug.
"Lei, updates okay?" Ani Atticus.
Tumango ako at hinatid na sila.
Sa sumunod na linggo, I accompanied my parents to a gala event in Makati. Nagkaroon din ng ribbon-cutting si Mama kasama ang mga kaibigan niyang mga congresswoman din. She also brought me to a Gabriela meeting in Pasig and I must say that I enjoyed it so well.
I got to meet different inspiring and independent women. I documented the whole event. Nakipag-usap din ako sa iilang mga kilalang personalidad at nakipag selfie sa kanila.
YOU ARE READING
Bay of Strangers (Manila Girls #2)
RomanceIf only she is as cold, arrogant, and snob like everyone sees her, Aviva Kamalei Ortega would have avoided him in the first place. He is nothing but a waving red flag-proud and high. He is broken, troubled, and messy and she does not like any of tho...