Kabanata 19

685 48 59
                                    

Kabanata 19

Find

River already left. May mga tumawag sa kanyang mga bagong dating na bisita kaya iniwan na muna niya ako roon. Bahagyang tulala at hindi pa rin makaahon.

Why does he talk that way?

Talagang mahuhulog sa kanya ang mga babae kung ganoon siya magsalita o kumilos. Parang natural na natural lang sa kanya ang mga iyon at hindi pagdududahan... O kung pagdududahan mo man, hindi ka pa rin makakaahon sa pagkakahulog sa kanya. It'll be too late.

Kinuha ko ang cellphone at nagtipa ng text para kay Fitcher. I know he's probably out and about and I can ask him to lie and cover up for me.

Aviva Kamalei Ortega:
Kapag nagtanong sina Papa, magkasama tayo ha.

Mabilis nag reply ang pinsan ko. Napangisi agad ako sa reply niya.

Fitcher Ortega:
Okay. Saan tayo, kunwari?

Aviva Kamalei Ortega:
Let's say in Pop-Up?

Fitcher:
Ok. Take care wherever you really are. If you need a ride, tawagan mo ang Kuya mo.

Playing with my lips, I was stunned when a group of strangers approached me. This time they're a bucnh of guys. Halos pare-parehas sila ng dating. Hindi na ako nagulat nang makita ko sa grupo nila iyong nagtangkang kumausap sa akin.

"Suplada ka raw, miss ah." Ngumisi iyong nasa unahan.

Nagtaas ako ng kilay. Masyadong madilim para makita ko sila isa-isa.

"Ano porket tropa mo si River? Hoy, bagong salta lang 'yon. Pwede naming pag tripan 'yon kahit kailan namin gusto."

"Gago kayo, baka magsumbong 'yan." Tawa noong maliit at may mga tattoo.

"Hindi 'yan. Diba, Miss?"

"Ano bang pangalan mo? Kamalei? Tama, Rob?"

Ah, Rob pala ang pangalan nung nagtanong sa akin kanina. Wala pa rin akong pake.

Akmang aalis na ako nang humakbang palapit sa akin ang lalaki. Hindi ako natakot, kung mayroon man akong naramdaman iyon ay ang pagka disgusto at pandidiri sa kanya at sa buong grupo nila.

These pathetic losers.

Akala ba nila na dahil babae ako, matatakot ako sa kanila dahil lalaki sila? Kung mayroong dapat matakot dito, sila 'yon.

"Hi, babe!" Ngisi ni Manila Tantoco sa akin at inakbayan ako nang makita ako.

Stunned, hindi agad ako nakagalaw pero nakita kong umatras ang lalaki, nagulat sa biglaang pagdating ni Manila. Nakita ko agad na namangha ang ilan nang makita si Manila.

Matalim niyang tinignan ang mga lalaki at dahil kasama niya sina Chasen at Texon, mabilis na umatras ang mga lalaki.

"Ginugulo ka ba nila?" Bulong niya. "Nasaan ang mga kaibigan mo?"

Nang tuluyang makaalis ang grupo, hinarap ako ni Manila. May nakita siyang ilang mga kakilala at natuon doon ang pansin niya lalo na nang lumapit ang mga ito at nakipagkamayan.

"Texon," I greeted. Siya lang ang kilala ko talaga. Nakipagbeso-beso siya sa akin at napansin agad ang flannel shirt sa baywang ko.

"What with this?" He almost shouted.

Hindi ko alam ang isasagot kaya nagkibit-balikat lang ako.

"Mga friends ko pala," Tinapik ako ni Manila at nilahad sa mga kausap niyang mga kakilala. "Of course you know Chasen."

Bay of Strangers (Manila Girls #2)Where stories live. Discover now